"Sigurado ba kayo sa gagawin natin?" tanong ni Lisa kina Jackson, Bambam at Mino. Naglalakad ang mga ito patungo sa bahay nina Isay bitbit ang tatlong gitara. Sa gitna ng gabi ay lakas loob ng mga itong binabagtas ang kagubatan para dayuhin si Isay at alayan ng isang harana.
"Bakit natatakot ka na ba? Dinadaga na ba ang dibdib mo?" nakakalokong tanong ni Bambam habang taas baba ang dalawa nitong kilay.
"Hindi naman sa ganun pero gabi na oh baka tulog na sila" alanganing sagot ni Lisa.
"Wag kang mag alala kaibigan kami na ang bahala sayo basta kantahin mo lang yung kantang sinanay natin kahapon" naka ngiting saad naman ni Jackson. Tinapik naman ni Mino ang balikat ni Lisa na para bang nagsasabing lakasan lamang nito ang loob nito at nasa likod nya lamang silang tatlo na nakasuporta. Malayo layo na din ang daan na kanilang binabagtas patungo kina Isay, nasa gitna ng kagubatan nakatirik ang bahay ng mga ito ngunit hindi naging hadlang iyon para kay Lisa.
Lisa's POV
Pagdating namin sa bahay nina Isay/Jennie ay unti unting kumabog ng malakas ang dibdib ko sa sobrang kaba. Nagawa ko na dati ang kantahan sya ngunit bakit ngayon parang bago sa pakiramdam ko siguro ay sa loob ng dalawang taon wala na akong ibang kinantahan tanging si Jennie lamang wala nang iba. Nakasara na ang mga ilaw sa bahay nila at tahimik na din sa buong kapaligiran.
"Bro simulan mo na" paghudyat ni Mino pagtapat namin sa bintana nina Isay, dalawang magkakasunod na paglunok ang nagawa ko habang sinisimulan na nila ang pag gitara. Nang nakita ko na ang pagtango nina Jackson at Bambam hudyat na pwede na kong pumasok ay ibinuka ko na ang aking bibig upang kumanta.
"My whole world changed from the moment I met you
And it would never be the same
Felt like I knew that I'd always love you
From the moment I heard your name"Pagsimula ko ng kanta, sinugurado ko na galing iyon sa aking puso. I sing my heart out na para bang iyon na ang huling kantang iaalay ko para sa kanya kasi for the past two years marami akong pinagsisisihan. Marami akong hindi nagawa para sa kay Jennie, marami akong naging pagkukulang sa kanya at sa mga bata.
"Everything was perfect, I knew this love is worth it
Our own miracle in the makin'
'Til this world stops turning
I'll still be here waiting and waiting to make that vow that I'll..."Napangiti ako ng bumukas ang ilaw mula sa gasera at bumukas ang kanilang bintana, lalo pa akong ginanahan sa pagkanta.
"I'll be by your side, 'til the day I die
I'll be waiting 'til I hear you say I Do
Something old, something new
Something borrowed, something blue
I'll be waiting 'til I hear you say I Do"Sumilip mula roon si Isay/Jennie, wala itong ekspresyon na ipinapakita sa harap namin. Sumunod namang sumilip sina Matthew at Mateo, pupungas pungas ang mga itong tumingin sa gawi ko at halatang naalimpungatan mula sa pagkakatulog, ngumiti ang dalawang bata na sinuklian ko din ng isang matamis na ngiti. As much as I want to hug them ay labis ang pagpipigil na ginagawa ko sa sarili ko, I don't want to rush things and give them so much pressure para lang maalala kung sino ako.
"Smiles by the thousands, ya tears have all dried out
'Cos I won't see you cry again
Throw pennies in the fountain, and look at what comes out
Sometimes wishes do come true"Nakita kong may ibinulong si Isay sa dalawa naming anak saka nawala ang mga ito sa aking paningin. Unti unti namang naglaho ang ngiti sa aking mga labi ng ibaba ni Isay ang bintanang pawid at isinara iyon.
"Hala mga bro nagalit ata si Isay" nag aalalang sambit ko sa kanilang tatlo habang patuloy pa rin ang mga ito sa pag gigitara. Hindi ata nito nagustuhan ang sintunado kong boses kaya pinagsarhan nya kami ng bintana.
BINABASA MO ANG
The Manoban's Household Book 2 (COMPLETED)
Hayran KurguHIRING : Wife for Rent Book 2