Jennie's POV
"Nice to finally meet you Mrs. Manoban" naka ngising sambit ni Hanbin sa akin, natigilan ako bakit si Hanbin pa. Planado nya ba ang lahat ng to?
"You're right Ms. Manoban you have a lovely wife indeed" dugtong pang sabi nito.
"Of course man, I am so lucky that she is my wife" masayang pagmamalaki ni Lisa. Kinakabahan ako sa kung paano ako tingnan ni Hanbin, gusto ko syang sampalin sa mga oras na to.
"Yeah I can see that, but they say that you can't trust anyone except yourself. Even the one you love can betray you Ms. Manoban" walang preno nitong wika, lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. Gusto kong panawan ng ulirat o maglaho muna at magpalamon sa lupa. Nanginginig ang buong katawan ko sa takot na baka sabihin nya kay Lisa ang totoo.
"What do you mean by that Mr. Kim?" rinig kong tanong ni Lisa, agad kong binaling sa kanya ang aking paningin bakas sa mukha nya ang labis na pagtataka. Binaling kong muli kay Hanbin ang aking paningin ng muli itong magsalita.
"Nothing Ms. Manoban, don't mind me I'll just want to remind you" naka ngiti ito ng malawak kay Lisa na para bang may gustong ipahiwatig.
"Thank you but I know they never betray me especially my wife, right Love?" puno ng kasiguraduhan ang boses ni Lisa habang sinasabi nya ang mga katagang iyon. Marahan nyang hinaplos ang aking kamay, wala sa sariling napatango ako at sunod sunod na napalunok. Maya maya ay nagpaalam na din ito sa amin pero bago ito tuluyang umalis ay binigyan nya ako ng isang kakaibang ngiti, ramdam ko ang pagbabanta sa kanyang mga titig.
"Love magbabanyo lang ako" bulong ko kay Lisa, gusto ko munang lumayo sa kanya. Gusto kong huminga at alisin ang labis na takot na aking nadarama.
"Gusto mo bang samahan kita?" tanong nya sa akin na agad kong tinugon ng isang iling.
"Ako na lang Love kaya ko naman" tugon ko sa kanya.
"Are you sure?" tanong nitong muli, tumango ako bilang sagot.
"Yes Love saglit lang ako. Lagi mong tatandaan na mahal kita" wika ko bago ko mabilis na hinalikan ang kanyang mga labi.
"What's with the sudden cheesy line Mrs. Manoban? But I love you too" natatawang tugon nito bago ako tumayo at magtungo sa banyo.
Nang marating ko ang banyo ay agad akong nagpasok sa isang cubicle, nagkulong ako roon at inalis ang lahat ng kaba na nararamdaman ko mula pa kanina ng makaharap namin si Hanbin. Si Hanbin ang lalaking naka usap ko ng gabing pinoproblema ko kung paano sasabihin kay Lisa na hindi nag work yung process at hindi kami magkaka anak. Sya din ang ama ng batang pinagbubuntis ko ngayon. Nang maramdaman ko na medyo kumalma ako ay napagdesisyonan kong lumabas na sa cubicle, nagulat ako ng biglang magsalita si Jeongyeon sa gilid ng nakasarang pinto.
"So Jennie hanggang kailan mo balak itago kay Lisa ang totoo?" nakahalukipkip na tanong nito at masamang nakatingin sa akin. Napakagat labi ako sa kanyang naging tanong, may alam na ba sya. Ngunit pinili kong ipagsawalang bahala ang kanyang tanong, ngumiti ako sa kanya at nilampasan sya para magtungo sa harap ng salamin.
"Anong pinagsasabi mo Jeongyeon?" takang tanong ko sa kanya, nagkunwari akong walang alam para hindi nya ko paghinalaan.
"Maaring pwede mong gawing tanga ang lahat pero hindi ako Jennie, nagawa ko na yan dati" may diing sabi nito, tiningnan ko sya mula sa salamin. Nakatitig ito sa akin na tila sinusuri ang bawat galaw ko.
"Ano bang pinagsasasabi mo? Hindi kita maintindihan" pagmamaang maangan kong tugon sa kanya.
"Wag ka nang magpanggap na wala kang alam, alam ko na palihim kayong nagkikita ni Hanbin. Hindi ko lubos maisip na kaya mong gawin ito kay Lisa, to be honest Jennie ikaw yung huling taong alam ko na hindi mananakit sa kaibigan ko. Maging totoo ka nga, mahal mo pa ba ang kaibigan ko? O baka naman nung una pa lang talaga wala ka ng nararamdaman para sa kanya" singhal na sambit nito sa harap ko, puno ng galit ang kanyang boses. Hindi ako naka pagsalita sa mga tinuran nya tila natuod ako sa aking kinatatayuan, all this time may alam na sya. Unti-unti ng nabubunyag ang sekretong matagal ko ng itinatago.
"Ano Jennie sumagot ka sino si Hanbin sa buhay mo? Bakit mo pa ba pinakasalan si Lisa kung gagaguhin mo lang din naman sya? Dahil ba mayaman ang kaibigan ko ha? Ano Miss Kim all this time kaya ka ba nananatili sa tabi nya dahil sa pera" tiim bagang nitong akusa sa akin. Lahat ng mga salitang kanyang binibitawan ay isa isang tumarak sa dibdib ko na parang mga patalim na bumabaon ng sobrang lalim.
"Don't accuse me, wala kang alam Jeongyeon. Yan ba ang tingin mo sa akin ha, akala mo ba pera ni Lisa ang habol ko sa kanya" galit kong tugon sa lahat ng akusasyon na ibinabato nya sa akin.
"Bakit hindi ba? Jennie alam nating pareho kung anong meron ka bago mo nakilala ang kaibigan ko. Alam ng lahat ang buhay mo bago mo narating ang lahat ng meron ka ngayon" sigaw nitong sabi. Isa isa ng nagpatakan ang mga luha na kanina ko pa gustong ilabas.
"God knows kung gaano ko kamahal si Lisa, kahit wala ang lahat ng karangyaang meron sya handa akong manatili sa tabi nya alam mo yan kaya wag mo kong akusahan na parang may ginagawa akong masama. Wala kang alam Jeongyeon" humihikbi na ako sa mga oras na to.
"Talaga bang wala kang ginagawang masama sa likod ni Lisa, paano mo ipapaliwanag ang mga larawan na to" sabi nito saka kinuha ang cellphone nya at ipinakita sa harap ko ang iba't ibang larawan ko at ni Hanbin. Natigilan ako puno ng katanungan ang aking isipan, paanong nagkaroon sya ng mga larawan namin ni Hanbin. Tila nabasa naman nito ang mga tanong na tumatakbo sa isip ko.
"Nung araw na aksidenteng makita ka namin ni Kai na sumakay sa sasakyan ni Hanbin mula ng araw na yun hindi ako mapalagay at palihim na kitang pinapasundan" pag-amin nito sa akin, napabuntunghininga ito ng malalim bago muling nagsalita.
"Sana maintindihan mo na ayaw ko lang masaktan si Lisa, ayaw kong maranasan nyang muli ang lahat ng naranasan nya dati ng dahil sa kagagawan ko. Sa ngayon pinapangako ko na hindi ako makikialam sa inyong dalawa pero sa oras na makita ko na nasasaktan na ang kaibigan ko pasensya na Jennie pero hindi na ako mangingiming manghimasok. Kaya ngayon pa lang kung ano man ang ugnayan na meron ka kay Hanbin pakiusap putulin mo na bago pa lumala ang problema" mahina nitong sabi, mahinahon na ang kanyang boses. Gusto kong sabihin sa kanya na matagal ng malala ang problema at hindi ko na alam kung paano ito maayos at kung maaayos pa nga ba.
"Pasensya na kung nasigawan kita, halika ka nga rito" hinila nya ko paharap sa kanya at inakap ako ng mahigpit, this time naka ngiti na sya.
"Mangako ka Jennie na kahit anong mangyari hindi mo sasaktan si Lisa, sya na lang ang itinuturing kong pamilya. Ikaw, si Lisa at ang mga bata ang natitirang pamilya na meron ako, kapag may problema ka pwede mong sabihin sa akin" bulong nito habang nakayakap sa akin. Agad akong kumalas sa pagkakayakap at tiningnan sya habang naka ngiti.
"Pangako Jeongyeon" maikli kong tugon sa kanya, kinuha nya ang panyo sa kanyang bulsa at inabot ito sa akin.
"Punasan mo na ang luha mo, pasensya ka na hindi ko pwedeng punasan yan hindi ako si Lisa at saka ayaw kong magkaroon ng kasalanan kay Nayeon" natatawang sambit nito, natawa na din ako sa tinuran nya. Kinuha ko ang panyo mula sa kanya at kaagad na pinunasan ang aking mukha, sa ganuong tagpo kami nadatnan ni Lisa.
"Anong nangyayari dito? Dude bakit mo pinapaiyak ang asawa ko?" nakataas ang kilay ni Lisa habang nagtatanong, lumapit ito sa kinaroroonan namin at mahinang binigyan ng suntok sa tyan si Jeongyeon.
"Yung asawa mo Dude nagpakwento ng mga nakakaiyak na istorya" pagpapalusot na wika ni Jeongyeon saka ako kinindatan. Nakahinga ako ng maluwag sa tinuran nya, agad akong niyakap ni Lisa.
"Love wag ka na ngang maunod ng mga movies sa Netflix napakaiyakin mo na, pumapangit ka na sa kakaiyak mo" natatawang turan nito.
"Hindi mo na ba ako mahal kasi pangit na ko sa paningin mo?" nakasimangot kong tanong sa kanya.
"Jennie Kim Manoban kahit pumangit ka pa o ano pa man ang maging hitsura mo ikaw pa rin ang tanging mamahalin ko" malambing nitong sabi, nagkatitigan kaming dalawa habang may ngiti sa aming mga labi. Napukaw ang pagmomoment naming dalawa ng may umubo sa tabi namin, agad kong naalala na nandito nga din pala si Jeongyeon.
"Pasensya na sa istorbo pero gusto ko lang ipaalala sa inyo na nandito pa ako no baka gusto nyo muna akong paalisin bago kayo maglandian sa harap ko" nakasimangot na saad ni Jeongyeon na ikinatawa namin ni Lisa.
Buo na ang desisyon ko sasabihin ko na kay Lisa ang totoo maghahanap muna ako ng tamang tyempo bago pa ako maunahan ni Hanbin na magsabi kay Lisa. Bahala na kung anong mangyayari, ang mahalaga sa akin nya mismo nalaman ang katotohanan.