Five

25.2K 647 20
                                    


"Bettina what's wrong?" Pinagtakhan ni Rolf ang sindak na nakaguhit sa mukha nito.

"I-I don't know, Rolf. The driver's trying to overtake us. Bilisan mo!"

Lumalim nang husto ang kunot sa noo niya. At dahil road bend sa unahan ay hindi niya gustong magmabilis at lumipat sa kabilang lane. Sa halip ay nagbigay-daan siya at kinabig ang manibela pakaliwa at sinabayan iyon ng pagmemenor. Umangat ang katawan ni Bettina sa sandalan at sumungaw sa bintana ng pickup truck at tiningnan ang sakay ng sasakyang nagpipilit makaagapay.

Hindi gaanong naaninag ni Rolf ang driver ng kotse dahil kailangan niyang ibalik ang atensiyon sa daan. Bukod pa roon ay bahagyang tinted ang kotse. Nang walang ano-ano ay narinig niyang napasinghap si Bettina. Bago pa niya makuhang lingunin ito ay narinig na niya ang biglang pag-alingawngaw ng isang putok ng baril. Kasabay niyon ay ang pagsabog ng salamin sa may bintana kung saan nakaharap mismo ang asawa.

Halos mawalan ng kontrol si Rolf sa manibela sa nangyari. Ang berdeng Toyota Corolla ay humarurot at nilampasan sila. The pickup truck spun to the middle of the road, then it whipped back to the right side. His instinct took place immediately. Muscle memory from years of driving.

Mahigpit niyang hinawakan ang manibela. Inapakan ang brake niyon at unti-unti ay iginilid niya ang sasakyan at pagkatapos ay inihinto. Nilingon niya ang asawa na ang mga mata'y nakatitig sa papalayong sasakyan at nakahilig pa rin ang ulo sa basag na bintanang salamin. Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat at iniangat mula sa posisyon nito.

"My god, Betty, are you all right?" Napahugot siya ng marahas na hininga nang ihilig niya ito sa sandalan. She was clutching at her left chest and blood was oozing from it.

"Promise you'll take care of our son, Rolf... promise me!" she said frantically, banayad nitong hinahaplos ang tiyan.

"I promise. Pero huwag kang magsasalita nang ganyan. Dadalhin kita sa ospital!"

"I-I'll find them, Rolf," usal nito na bahagya nang naririnig ng nasisindak niyang kaisipan.

"Betty! Oh, god!"

HALOS paliparin ni Rolf ang sasakyan patungo sa Northern Doctors Hospital sa Laoag, ang unang ospital na mararaanan niya. At sa wari ay iyon ang pinakamahabang sandaling tinakbo niya ang Laoag. Tila ba hindi niya iyon mararating sa oras.

"Malapit na tayo sa ospital, Betty!" he told her.

Nasisindak at nagpa-panic siya. And if he didn't get hold of himself he'd drive the car onto the cliff.

Nasa bayan na sila at tinakbo lamang niya nang halos kalahating oras ang natitirang kuwarenta minuto na biyahe patungo roon. Gayunman ay tila iyon na ang pinakamahabang biyaheng ginawa niya sa buong buhay niya.

Umungol si Bettina na umaagos ang sariwang dugo sa dibdib habang nakayupyop ang ulo sa inihilig niyang upuan. Nilingon siya nito at isang pilit na ngiti ang sumilay sa mga labing nagsisimula nang mawalan ng kulay.

"Now... I am really leaving you, Rolf..."

"Huwag kang magsasalita, please. 'Ayan na ang ospital."

"Take care of our son," bilin nito, a sad smile on her bloodless lips.

Hindi niya gustong pakinggan ang sinasabi nito na tila namamaalam. Muntik na niyang masuro ang poste ng gate ng ospital sa marahas niyang pagpasok doon. Mariin niyang inapakan ang preno at ipinarada ang sasakyan sa mismong tapat ng entrada sa ER. Pagkatapos niyang bumusina nang mahaba at malakas ay nagmamadali niyang inikot ang dako ni Bettina at binuksan ang pinto at binuhat ang asawa.

Mystic (COMPLETED) (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon