ALAS-SINGKO y media ay gising na si Mavis kinabukasan. Plano na niyang mag-jog sa baybayin. She used to jog twice a week. At halos tatlong linggo na rin siyang hindi nakakatakbo. Itinali niya ang buhok sa likod at nagsuot ng headband. Sa may hagdan sa veranda siya nagdaan pababa. Ilang sandali pa'y binabaybay na niya ang daan sa ilalim ng niyugan patungo sa baybayin. Isinabit niya ang tuwalya sa katig ng isang luma at hindi na ginagamit na bangka at sinimulan ang pagtakbo.
Tahimik ang dagat at natatanaw na niya ang unti-unting pagsikat ng araw sa likod ng mga bundok. Sa karagatan ay natatanaw niya ang ilang bangka na marahil ay mga mangingisda at padaong na. The place was a paradise and she owned it. May kasiyahan niyang naiisip. Sa ayaw at sa gusto ng mommy niya ay mananatili siya sa lugar na iyon.
Isang daang metro na ang natatakbo niya at sinimulan niyang takbuhin pabalik ang pinanggalingan. Pansamantala ay tama na muna ang two hundred-meter run. Sa susunod ay apat na daang metro naman ang tatakbuhin niya. Malapit na siya sa pinanggalingan nang matanaw niya si Rolf na nakatayo at nakasandal sa isang puno ng niyog.
He smiled at her appreciatively. "Good morning."
"'Morning yourself." She smiled back. Humihingal na inabot niya ang tuwalyang isinabit sa katig at pinunasan ang pawis. Naupo siya sa katig. "Akala ko'y una akong nagising."
"Alas-singko nang mangabayo ako. Natanaw na kita nang pabalik na ako. Inihatid ko na muna sa bahay ang kabayo."
Napuna ni Mavis na basa ng pawis ang buong polo shirt nito at may ilang butones na nakatanggal. Nasilip niya ang pinong balahibo sa dibdib nito. Fleetingly, may sumagi sa isip niya na ganoon ding dibdib. Pero hindi nakapangibabaw ang alaala. Instead, she looked around her.
"Ilang ektarya ang lupaing paghahatian natin?" tanong niya.
"Humigit-kumulang sa limampung ektarya. At kahit sa silangang bahagi man o sa kanluran mo piliin ang sa iyo ay pareho pa ring may dagat. Ikaw ang papipiliin ko kung aling bahagi ang gusto mong mapasaiyo. May kausap na akong surveyor at darating siya ano mang araw mula ngayon. Talagang plano ko nang ipasukat ang mga lupain."
"That's lovely. Pero hindi ako nagmamadali." Inalis niya ang band mula sa ulo niya, basa na iyon ng pawis. "Paanong si Benjo ang kahati ko sa mana? We thought it was an old woman named Marina. You said your mother-in-law."
"I never got to meet her. Matagal na siyang namayapa nang magkakilala kami ni Bettina... my wife." Inihayon nito ang mga mata sa baybayin. "At dahil patay na pareho ang mag-ina ay natural na si Benjo ang magmamana bilang direct descendant."
"Of course." Napag-alaman ni Mavis sa abogado na hindi niya maaaring gawing beneficiary ang mommy niya kung may kinalaman sa mana. Tanging ang magiging anak lamang niya at ang anak ng magiging anak niya.
Again, she looked around her with fascination in her eyes. "Bago pa man ako makarating sa lugar na ito ay nakaguhit na ang buong lugar na ito sa aking isipan. Ang malawak na lupain, ang niyugan, at ang karagatan."
"How so?"
"Pagkatapos ng aksidente, habang nagpapagaling ako ay halos gabi-gabing ikinukuwento sa akin ni Mommy ang lugar na ito na hindi ko nagawang makita. My mother's from this place. Her parents worked for the Andrades. Ipinanganak si Mommy sa mismong malaking bahay."
"Yes." Tumango ito. "Pahapyaw na nabanggit ng abogado ang bagay na iyan. Had she told you about your father?"
She shrugged. "Baka mga ilang kamag-anak na lang ang natitira. Sa bayan daw ng Burgos. Ang ama ko raw at ang mga magulang niya ay namatay sa isang aksidente nang tangkaing iwan ang bayan nila upang makaiwas sa pananagutan sa mommy ko."
"I'm glad you don't sound bitter."
"Ang sabi ni Mommy ay magkasing-edad lang sila ng ama ko. I can't blame him and his family. Hindi rin ako nanghihinayang at nakadarama ng kapaitan sa mga bagay na hindi ko kayang gawan ng paraan at lumipas na," she said philosophically.
He grinned. "You're a wise woman. And you're a genuine Ilocano through and through."
She was staring at him. A tingling sensation had slowly spread through her body. She had never felt like this. A smile from him made her feel ridiculously dizzy. She was consumed by a strong and overwhelming sensation.
She was crazy. She recognized the signs already. Kahit noong unang sandaling magtagpo sila sa labas ng opisina ng abogado. She was attracted to him. Crystal clear. At kung tatangkain niyang ipagpatuloy ang damdamin dito ay binubuksan lang niya ang sarili sa panibagong sakit.
Kapag nalaman ni Rolf ang tungkol sa mga pangitain at panaginip niya ay pagtatawanan siya nito. At kung totoo man ang hinala niyang may chemistry sa pagitan nilang dalawa ay agad iyong mawawala. Iisipin ni Rolf na baliw siya. Tulad din ng mga naunang boyfriend niya. The last one had been a fiancé.
The smile on Rolf's face faded. Nahalinhan iyon ng kunot ng noo at humakbang patungo sa kanya. "What's wrong? Bakit tinititigan mo ako nang ganyan?"
Mavis blinked. Then she smiled brightly. "H-hindi ako sa iyo nakatingin... may naalala lang akong bigla."
"I can believe that. Naiwang boyfriend?" pormal nitong tanong.
Her brows lifted. Then a smile broke her lips. "Wala akong boyfriend. O naiwan mang boyfriend."
May ilang sandaling tinitigan siya nito. Then, "Well, I am glad to hear that." His voice was soft. Kapagkuwa'y hinawakan siya nito sa kamay. "Tara nang bumalik sa bahay. Nalalanghap ko kaninang may pinipiritong tinapang bangus si Anna."
She rolled her eyes. But she was smiling like crazy. Gusto niya sanang bawiin ang kamay mula rito. Subalit nagpaubaya siya. It felt so good. Him holding her hand.
BINABASA MO ANG
Mystic (COMPLETED) (Published by PHR)
RomansaMavis met an accident on her way to Bangui, a town in Ilocos Norte. Ang nakapagtataka ay wala siyang maalala sa mismong aksidente, bago man o pagkatapos niyon. Subalit ang isip niya ay okupado ng mga pangitain na hindi kanya--ng isang babaeng nagdad...