Mula sa pagkakahingalay sa monoblock lounge ay buong pagmamahal na pinagmamasdan ni Mavis si Rolf habang nagbibigay ng instructions sa mga karpintero. Nearby, Rolf was playing with his dog. Gardo didn't survive the fall. Napag-alaman ding may mga kaso ito sa batas sa Maynila. Si Solita ay buhay. Subalit para na ring patay dahil hindi na nito maikilos ang buong katawan na naparalisa.
Si Benjo ay kasama pa rin ni Val de Gracia sa donut house nang puntahan doon nina Mang Fermin at Anna at ng mga pulis. Si Mavis ay kasama sa pagdadala kay Rolf sa ospital. Ganoon na lang ang kabiglaanan ni Val de Gracia nang malaman ang buong pangyayari.
Si Solita at si Gardo, ayon kay Rolf ay mag-ama. Solita's mother had been Rolf's father's girlfriend before Amador had married his wife, Asuncion. Limang taon pa lang si Solita nang maghiwalay ang mga magulang nito. A diary in Solita's house was found. Sa isip nito ay si Amador ang dahilan ng paghihiwalay ng mga magulang gayong ang katotohanan ay iniwan ng ama nito ang asawa at sumama sa ibang babae.
Hindi inaasahan ng ina ni Solita ang pagpapakasal ni Amador kay Asuncion. Gayunman, umaasa itong ipagpapatuloy ni Amador ang relasyon dito. Lihim na sinusundan ng ina ni Solita si Amador at nakikiusap na huwag itong tuluyang iwan subalit tumanggi si Amador na naging tapat sa asawa. Isang umaga ay napasukan ng batang Solita ang ina na nakabitin mula sa kisame.
Nakatala rin doon na tinangka nitong patayin si Donna sa pamamagitan ng pag-aalis ng preno ng sasakyan nito. But Donna survived the accident with slight injury. Sinundan iyon ng mga threatening calls. Iyon ang totoong dahilan kung bakit nakipagtalusira si Donna kay Rolf. Natakot ito.
Nakatala roon ang ginawa nitong pagpatay sa papang ni Rolf at kay Bettina. On Bettina's murder, Gardo had been an accomplice. Si Gardo rin ang may kagagawan sa nangyaring aksidente ni Donna sa utos ni Solita. Kung paano nagtagpong muli ang mag-ama makalipas ang maraming taon ay hindi na naitala sa diary.
"Hindi ko minsan man nakita ang ama ni Solita. Pero nang sabihin sa akin ng LTO personnel na nakapangalan sa isang Edgardo Olazo ang kotseng may plate number na TNV-541 ay kinabahan ako. Si Solita ay Olazo noong dalaga pa ito. Bagaman hindi ko pinaghihinalaan si Solita ay tinawagan ko si Mamang upang itanong kung ano ang maaaring koneksiyon ni Solita sa isang Edgardo Olazo. It was my mother who told me that the man was Solita's father..." ang sinabi ni Rolf sa kanya nang nagpapagaling ito sa ospital.
Ayon kay Rolf, kahit nang patungo ito sa kubo ay malayo sa isip nitong may kinalaman si Solita sa nangyari kay Bettina at sa mga pagtatangka sa kanya. Nakadama lamang ito ng panganib nang mabasa ang sulat niyang nasa kubo sina Anna at Benjo.
"Hindi tutuntong sa tree house si Anna, sweetheart. She'd never go there," ang pagpapatuloy ni Rolf sa paglalahad. "Ten years ago, sa kabilang bayan, ay may tree house sa bahay ni Tiyo Fermin, a smaller and cruder version..." Rolf paused and stared at her. "By the way, Tiyo Fermin's Anna's father. Ang ina ni Anna ay nasa ibang bansa at umuuwi kada ikalawang taon. Si Fermin ay pinsang makalawa ni Mamang..."
Her frown deepened. "So Anna's your third cousin. Pero bakit kailangang itago ang identity nilang mag-ama?"
"Iyon ang gusto ni Tiyo Fermin. At ni Anna na rin. Upang hindi ako maiugnay kay Fermin na galing sa bilangguan. Hindi nila gustong makadagdag sa mga akusasyon sa akin. He's a former soldier assigned in Mindanao. He'd been there for too long. Umuuwi lang kung pinahihintulutan ng military heads. Isa sa mga pag-uwi ni Tiyo Fermin ay nakita ng mismong mga mata niya ang pagkahulog ni Anna mula sa tree house sa pagsisikap na takasan ang boyfriend na nagtangkang gawan siya ng masama. Binaril at napatay ni Tiyo Fermin ang lalaki. Sanhi upang makulong siya. Wala pang tatlong taon nang makalaya si Tiyo Fermin..."
BINABASA MO ANG
Mystic (COMPLETED) (Published by PHR)
RomanceMavis met an accident on her way to Bangui, a town in Ilocos Norte. Ang nakapagtataka ay wala siyang maalala sa mismong aksidente, bago man o pagkatapos niyon. Subalit ang isip niya ay okupado ng mga pangitain na hindi kanya--ng isang babaeng nagdad...