PAGDATING nila sa bahay ay tuloy-tuloy sa itaas si Mavis. Dumeretso siya palabas sa veranda. Sa lugar kung saan kinakitaan niya ng upos ng sigarilyo. It wasn't there anymore. Alin na lang sa natangay na ng hangin o nalinis na ni Fermin o ni Anna. Nakita niyang nagalaw at naayos ang mga upuan.
Iniyakap niya ang mga braso sa dibdib. Nagkakataon lang ba ang mga nangyayari sa kanya? Sinadya ba ng kasunod na sasakyang bungguin siya? At kagabi, sino ba talaga ang nagtangkang pumasok sa silid niya? Hindi kaya ang nasa veranda kagabi ay si Mang Fermin at maaaring kaya pilit nitong binubuksan ang silid niya ay hindi naman nito alam na siya ang gumagamit sa silid na iyon.
At ang nangyari sa kanya sa daan kanina ay isolated case. Maaaring mga kabataan ang sakay ng kotseng kasunod niya at nakatuwaan siya. O hindi kaya naman ay nawalan ng preno.
"Hey," ani Rolf sa may pinto ng silid nito. "You okay?"
"Natakot lang ako," she said.
"Kahit sino ay matatakot. May mga bahagi ng zigzag na delikado," anito. "Namukhaan mo ba ang sasakyan?"
Umiling siya. "Baka nawalan lang talaga ng preno ang driver," she said convincing herself. "Iyon marahil ang dahilan kung bakit hindi siya kumabig sa kaliwa. Maaaring natatakot na may makasalubong at walang preno."
"Gusto kong paniwalaan ang sinasabi mo, Mavis. Pero pataas ang daan. Kung walang preno ang driver ay babagal lang ito pero sa nakita kong pagkakayupi sa bumper mo ay malakas ang impact. Sinadya kang bundulin."
Napahugot si Mavis ng hininga.
"Mga kabataang walang magawa ang gumawa niyon sa iyo," patuloy nito, isinatinig ang hinala niya. "You should have allowed me to report the incident to the police."
"Iyan din ang una kong naisip. Some trigger-happy teenagers. Hindi ko na kailangang i-report sa pulisya ang nangyari. Nakalayo na ang mga iyon, Rolf. I can't even describe the car except that it was a very old model. Katunayan ay hindi na makilala ang pintura dahil sa maraming patches. Surely, iyon ang unang itatanong ng mga pulis."
"You're right," he said grimly.
May ilang sandaling katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa. Nang mag-angat siya ng paningin ay nakatitig sa kanya si Rolf. He was looking at her hotly. This time she refused to meet his eyes; refused to be burned. Agad siyang tumayo.
"G-gusto kong magpahinga. I'm still rattled by what happened..." Humakbang si Mavis patungo sa pinto ng silid niya subalit bago siya makapasok ay naroon na si Rolf, hinawakan siya sa braso at iniharap.
Hindi niya inaasahan ang biglang pagkabig nito sa kanya at ang paghawak sa likod ng ulo niya pagkatapos ay ang mariing pagsiil nito ng halik sa mga labi niya.
Hesitantly, itinulak niya ang lalaki at pinakawalan nito ang mga labi niya. "Rolf, please."
"You scared me, Mavis. I need to reassure myself through that kiss," he said huskily, his breath warmth on her cheek. "Alam kong hindi ito ang tamang pagkakataon. Hindi ko kailanman naramdaman ang ganito kasidhing paghahangad sa buong buhay ko. You were on my mind yesterday and I spent sleepless nights thinking of you. Wanting you."
"Huwag mong bigyan ng timbang ang nangyari sa atin sa parang," she said with a sigh. "Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin. But I don't jump to bed with any man just because—"
"I am not just any man," agap ni Rolf sa sinasabi niya. Humigpit ang pagkakahawak nito sa mga balikat niya at sadya siyang inilalapit dito. "Sa palagay mo ba ay hindi ko nakikitang pareho tayo ng nararamdaman? That there's spark between us?"
"Rolf, please—"
Inangkin ng mga labi nito ang mga labi niya at nilunod ang ano mang protestang nais niyang ipahatid. Nahahati si Mavis sa pagitan ng pagtugon at pag-ayaw. She wanted the kiss very much. Totoo ang sinabi nito, pagkatapos ng nangyari sa kanya kanina, idagdag pa ang takot kagabi ay nais niyang limutin iyon sa pamamagitan ng halik nito.
Pero hindi niya alam kung ano ba ang namamagitan sa kanila. Kung tutuusin ay estranghero sila sa isa't isa. She had made a fool of herself already. Kahapon sa parang. And then there was Anna. Hindi niya alam kung ano ang namamagitan sa dalawa.
Hindi maaaring sa tuwing may pagkakataon silang ganoon ay ihahain niya ang sarili kay Rolf. The thought of pushing him firmly came fleetingly, because the rough, soft slide of his tongue worked its magic. Instead she opened her lips, inviting him in. She lifted her hands around his neck and melted against him.
His scent was intoxicating. It was a mixture of his woodsy cologne, sweat, and something male and dangerous. She gasped in his mouth as she felt his growing erection against her.
"Mavis... Mavis..." he murmured in her throat. Sa isang kisapmata'y sunod-sunod nitong natanggal ang butones ng blusa niya. Pagkatapos ay pumakabila sa likod niya ang kamay nito at tinanggal ang snap ng bra niya. He bent and caught her nipple with his mouth and teased it with his teeth. Then his mouth trailed to another peak and sucked it hungrily.
Kung wala ang hamba ng pinto na kinasasandalan ay natitiyak ni Mavis na dadausdos siya sa sahig. Halos wala nang lakas ang mga binti niya. Ngayon lang niya naranasan ang ganoong uri ng pagtugon ng katawan niya. Her ex-fiancé had never made her lose her resolve. Rolf was stealing her senses... her soundness of mind.
She felt his mouth kiss the valley of her breasts before it moved upward and trailed kisses on her chest. Nang ang mga labi nito'y may nadaanang bagay. Rolf groaned.
"Let's make it to the bed, sweetheart," he said, raising his head, "and wear nothing but this..." Hinawakan niya ang kuwintas at itinaas iyon upang matigilan lamang.
Nagulat si Mavis nang bigla siyang bitiwan ni Rolf at pinaglipat-lipat ang mga mata sa kanya at sa kuwintas na nasa dibdib niya.
"W-what?" nalilitong tanong niya. Sa pagkamanghang nakita niyang nakabalatay sa mukha nito ay natitiyak niyang unti-unting natabunan niyon ang kani-kanina lang ay lagablab ng apoy.
"Now I know where we've met..." he said in a stunned voice.
BINABASA MO ANG
Mystic (COMPLETED) (Published by PHR)
RomanceMavis met an accident on her way to Bangui, a town in Ilocos Norte. Ang nakapagtataka ay wala siyang maalala sa mismong aksidente, bago man o pagkatapos niyon. Subalit ang isip niya ay okupado ng mga pangitain na hindi kanya--ng isang babaeng nagdad...