MAVIS hadn't expected the question. Subalit hindi rin naman siya nabigla. She had the same feeling that they had met before. Pero natitiyak niyang hindi pa sila nagkita.
Umiling siya. "I doubt it. Sa nakalipas na limang taon ay ngayon lang ako muling nagbalik sa Pilipinas, Rolf. At ito rin lang ang unang pagtuntong ko sa lugar na ito."
"Nang patungo tayo sa Capistrano ay sinabi mong nanggaling ka na sa lugar na iyon. Natukoy mo pati ang matalim na road bend sa unahan..."
Hindi niya malaman kung paano pangangatwiranan iyon. "M-marahil ay iyon ang natatandaan kong pangyayari sa nangyaring aksidente sa akin. 'Sabi ni Mommy ay sa isang sharp road bend nangyari ang aksidente.
"Baka hindi sinasadyang nagkita tayo sa Laoag?"
"Ang huling hinintuan namin ay sa Fort Ilocandia nang mananghalian kami roon. And yet..." Her voice trailed off.
"And yet what?"
She shrugged. "Noong patungo ako rito at napadaan ako sa ospital na pinagdalhan sa amin ni Daddy Armando..." She glanced at him "... that's my stepfather, parang nakita ko na ang ospital. Napakapamilyar ng lugar na para bang nakikita ko iyon parati. Gayong kung tutuusin ay wala raw akong malay nang idating doon at wala ring malay nang dalhin patungo sa Maynila.
"At kahit pa siguro may kaunting kamalayan ako, hindi ko makikita ang kabuuan ng ospital sa paraang ito ay pamilyar. May mga pangyayari namang ganoon, 'di ba? Parang nakita mo na ang lugar o 'di kaya, tulad nga ng sinabi mo, parang nagkita na tayo. Things like that happen. Sort of déjà vu."
"Natatandaan mo ba ang hustong petsa nang maaksidente kayo ng pamilya mo? You said you were brought to Northern Doctors in Laoag..."
Hindi nakaila sa kanya ang pag-iral ng tensiyon mula rito.
"Madaling tandaan ang petsa dahil nang bumiyahe kami patungo rito ay dalawang linggo na lang at pasukan na uli. I was even so excited which college should I enroll. Maliban pa diyan, my mom would have postponed the travel since two days later would be my debut. I persisted that I want to celebrate my eighteenth birthday at the house I inherited."
"Your birthday happens to be May thirty-one?" he asked in a tight throat. "Naaksidente kayo ng May twenty-nine. Humigit-kumulang ay alas-kuwatro ng hapon."
Biglang naglaho ang ngiti niya at nahalinhan iyon ng pagkunot ng noo. Lalo at sa tingin niya ay tila nawalan ng kulay ang mukha ni Rolf. "Paano mo nalaman?"
Humakbang ito patungo sa posteng ginawa at humawak doon na tila ba hindi ito kakayanin ng mga binti. May ilang segundo ang lumipas bago ito sumagot.
"My wife died that afternoon. Pareho kayong dinala sa iisang ospital, Mavis. Natitiyak ko na ngayon iyan. At marahil ay minuto lang ang pagitan ng pagdating ng bawat isa sa inyo."
"Natitiyak kong hindi iyon ang basehan mo na nagkita na tayo," naiilang niyang sabi, may kung anong maliit na kabang bumundol sa dibdib niya sa pagkakataong sinabi nito.
"Natatandaan kong may isa pang pasyente sa loob ng ER." Lumingon ito sa kanya at mataman siyang tinitigan. "That could have been you. Pero halos hindi ko makita ang mukha mo sa dami ng dugong nakatabon sa mukha mo..."
She was staring at him, as if in trance. Her eyes widened. Then in a very small voice said, "Your wife was shot."
Tumango si Rolf, nagpatuloy. "You must be that young woman. Umiiyak ang mommy mo. Puno ng dugo ang damit niya pero marahil ay nagmula sa iyo. I even held y—" He stopped in midsentence. Hindi makapaniwalang napailing ito. "Kung ang pagbabasehan ko ay ang reaksiyon ng mommy mo matapos kang iwan ng doktor at nurses, sa wari ay huminto ka na sa paghinga..."
She sucked in her breath. Iyon mismo ang sinabi ng mommy niya. Pero hindi naman nakapagtatakang na-revive siya mula sa sandaling pagkapugto ng hininga.
A lopsided smile tugged at his lips. "Pero hindi ko man lang nakita ang mukha mo nang araw na iyon kaya, tama ka, hindi ko matutukoy na dahil doon kaya ko nasabing parang nagkita na tayo."
She wanted to say something but couldn't find the right words.
Muli itong nagsalita. "You said my wife was shot. Paano mo nalaman?" At bago siya makasagot ay itinaas nito ang kamay, isang matabang na tawa ang ginawa. "No, don't tell me. You heard it from my son."
"Yes." And no. I saw it in my dreams... in my visions... Itinaboy ni Mavis ang kaisipan mula sa utak niya. Hindi niya gustong magkaroon ng pangitain ngayon lalo at unti-unti ay nabibigyan niya ng linaw ang mga iyon.
"H-hindi ninyo itinago kay Benjo ang paraan ng pagkamatay ng mommy niya?"
"We wouldn't have thought of telling him. Lalo na sa edad ng anak ko," he said grimly. "Pero ang tiyahin ng asawa ko'y tiniyak na malalaman ng anak ko ang lahat hindi pa man tumuntong sa apat na taong gulang si Benjo."
"But that's cruel!"
He sneered. "Tell it to my wife's aunt. At wala kaming magawa kundi sabihin ang totoo sa aking anak sa murang edad. Ipinaliliwanag na hindi niya kasalanan na namatay ang mommy niya... that it wasn't because he was born that his mother died."
"Ang... ang bumaril sa asawa mo, nahuli ba?"
"No." The muscle in his jaw flexed. "Kahit ang motibo kung bakit binaril si Bettina ay hindi namin alam hanggang ngayon. Kung sino man ang kriminal ay kasalukuyan pa rin siyang nakakalaya..."
Alam niyang nagsasalita pa rin si Rolf subalit tuluyan na siyang muling napapasailalim ng mga pangitain. At wala siyang kontrol upang pigilan ang pagkislap niyon sa isip niya...
Bumaba ang salamin sa likuran ng sasakyan, wala pang tatlong pulgada. Nakita niyang may kung anong inilusot doon.
A barrel of a gun!
Then a shot rang out.
She clutched her chest. Bumilis ang takbo ng sasakyan at nilampasan sila. Nakita niya ang imbing ngiti ng pasaherong nakaupo sa likuran. Nilingon pa siya.
Her eyes moved down to the plate number. Pilit hinahabol ng paningin niya ang plaka ng berdeng kotse. TNV 5...
BINABASA MO ANG
Mystic (COMPLETED) (Published by PHR)
RomanceMavis met an accident on her way to Bangui, a town in Ilocos Norte. Ang nakapagtataka ay wala siyang maalala sa mismong aksidente, bago man o pagkatapos niyon. Subalit ang isip niya ay okupado ng mga pangitain na hindi kanya--ng isang babaeng nagdad...