Twenty - six

20.2K 566 5
                                    


"W-what are you talking about?"

"Sa isang resort sa Laguna, seven... eight years ago..." Rolf raised his hands in the air, na para bang sa pamamagitan niyon ay mahuhukay nito ang alaala mula kay Mavis. "You were on a school field trip. Nagkabanggaan tayo habang palabas ako sa shower room and... and I kissed you..."

Nanlaki ang mga mata ni Mavis. Matagal bago niya nalimutan ang pangyayaring iyon. Paminsan-minsan, sa paglipas ng mga taon ay sumasagi iyon sa alaala niya.

"You're the pervert!" she exclaimed with a laugh. She couldn't tell him that she had thought of him all the way back to Manila and that the insensible side of her dreamed of him that night and for the next few nights.

Rolf chuckled, too. But it lacked humor. "Ang... kuwintas mo, Mavis..."

Napahawak si Mavis sa dibdib nang wala sa oras. Natatandaan niyang bago ang ginawa nitong paghalik sa kanya ay doon ito nakatingin muna, na inisip niyang sa dibdib niya. Muli ay hinawakan ni Rolf ang kuwintas, tinitigan. He was staring at it as if he had never seen anything like it in all his life. Nakita niya ang hali-haliling ekspresyon na nakiraan sa mukha nito. From amazement to confusion to disbelief.

"Wait here," he said. "I'll show you something." Mabilis itong tumalikod patungo sa pinto ng sariling silid.

Nalilitong nanatili siyang nakatayo roon. Pagkatapos ay nagmamadali niyang isinara ang mga butones ng blusa niya. Lumakad siyang muli patungo sa upuang bakal at naupo roon. Ilang sandali pa'y muling lumabas sa silid nito si Rolf. Naupo ito sa silyang nasa tabi niya at inilatag sa bilog na mesang bakal ang kuwintas.

"Tingnan mo ito..."

Napasinghap nang malakas si Mavis habang nakatitig sa kuwintas. Iisa ang disenyo ng kuwintas maliban sa magkaiba ang letrang nakaukit sa pendant. Sa kanya ay "M" at ang isa pa ay "B." Inalis niya mula sa leeg niya ang sariling kuwintas at itinabi iyon sa isa pa. Then she gingerly touched the other pendant. Hinaplos ng daliri ang naroroong letra.

"Noong makita kong suot mo iyan ay binalak kong hawakan. You mistook me for trying to—"

"You were, in fact," she said drily, but her eyes were smiling. "What does 'B' stand for?"

"That belonged to my wife Bettina. According to her she'd worn that since she was a young girl. Ang pangalan niya ay iniayon sa letra ng kuwintas na ayon sa nanay niya ay mula sa dati nitong kasintahan. Hindi na naitanong pa ni Bettina kung ano ang pangalan ng dating kasintahan ng nanay niya. Inalis lang niya sa leeg niya ang kuwintas na iyan nang araw na mabaril siya. Isinuot niya sa leeg ko at nagbiling ibigay ko sa magiging anak namin bilang pamana mula sa kanya." He smiled drily.

"Ibinilin niyang sabihin ko kay Benjo na hanapin ang kakambal na kuwintas. Hindi ko matiyak kung nagbibiro lang siya nang mga sandaling iyon."

Mula sa mga pangitain ni Mavis ay nakita niya ang kuwintas na suot ng lalaking buhat-buhat ang isang sugatan at nagdadalang-taong babae. "Ang... kuwintas ko'y galing sa mga Andrade..." she whispered, still staring at the identical necklaces. "My mother stole this necklace from Carmen Andrade's jewelry box when she left here. Iniayon din lang ni Mommy sa letra ng kuwintas ang pangalan ko." She looked up and stared at him. "My adoptive grandmother's name was Carmen. At Benito naman ang sa grandfather ko..."

"Marina naman ang pangalan ng nanay ni Bettina. Nabanggit ng abogado na si Marina ay stepsister ni Carmen Andrade." Suddenly Rolf grinned. "Mahirap bang maghabi ng kuwento kung ano ang kasaysayan ng mga kuwintas?"

Hindi niya makuhang makibahagi sa amusement nito. "I... remember my mother told me that she caught Carmen Andrade staring at the necklace with so much hatred in her eyes. And I am certain B stands for my adoptive grandfather's name."

"Hindi ko masasabing pagkakataon ang nangyari, Mavis," Rolf said. "Dahil sa inyo pareho ipinamana ng mga Andrade ang kayamanan nila. Hindi nakapagtatakang magtatagpo ang dalawang kuwintas."

Muli siyang tumango at tumitig sa malagong sanga ng punong-sampalok na nakatunghay sa veranda. Pero wala roon ang isip niya. Kundi sa kababalaghang nangyayari sa kanya. Ginagap ni Rolf ang palad niya at ikinulong sa mga palad nito. Niyuko niya ang mga iyon. Big hands. Powerful hands. Nakapagtatakang may kapanatagan siyang nararamdamang sa paghawak lang nito sa kamay niya.

Gayunman, pinakawalan niya ang kamay mula rito. "Masakit ang ulo ko, Rolf. Gusto kong magpahinga sandali." Dinampot niya ang kuwintas mula sa mesa at mabilis na tumayo at nagmadaling lumakad patungo sa silid niya at dali-daling isinara ang pinto.

Naguguluhang nahiga si Mavis sa ibabaw ng kama sa pahalang na paraan. May kinalaman ba ang kuwintas na suot niya sa nangyayari sa kanya. Nag-init ang sulok ng mga mata niya. Hindi niya gusto ang nangyayaring iyon sa kanya. Kailan hihinto ang mga pangitain?

Mystic (COMPLETED) (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon