She wiped her tears with the back of her hands then put her car into gear. Ipinagpatuloy ang pagmamaneho sa mabagal na pagpapatakbo. She was still trembling from the recent flashes. Muling binasa ni Mavis ang address sa calling card. Sa Maynila pa lang ay tinawagan na niya ang opisina ng abogado para ipaalam na darating siya.
Nagpreno siya nang makita ang landmark na sinabi ng sekretarya ng abogado na nakausap niya kahapon. Isang rural bank ang katabi ng opisina nito. Iniliko niya ang sasakyan sa may building at ipinarada iyon sa mismong harap ng pinto ng opisina. Sa sulok ng mga mata ay napuna niyang may lalaking nanggaling ng opisina ng abogado.
Binuksan niya ang pinto ng Wrangler upang bumaba. Nang sa pagbukas niya ng pinto sa gilid niya ay nahagip niya ang paglabas ng isang lalaki mula sa law office. Tumama ang pinto ng sasakyan sa may tagiliran nito.
Napaatras nang bahagya ang lalaki dulot ng puwersa ng pagbukas ni Mavis ng pinto ng Wrangler niya. Horrified, nagmadali siyang lumabas kaagad. "Oh, I'm sorry!" she exclaimed.
Nagdikit ang mga kilay nito. Matalim ang tinging ipinukol sa kanya na kung bala iyon ng baril ay nagkabutas-butas na ang katawan niya.
"Bulag ka ba?" he snapped at her.
Hindi agad siya nakasagot. Nabigla sa ginawang pagsinghal na iyon ng lalaki. Gayunman ay hindi niya napigil ang paglandas ng mga mata niya rito. Dark eyes fringed with equally dark and thick eyelashes. Ilong na matangos kaysa sa karaniwan. Square jaw and lips blade thin in irritation.
Naka-checkered polo shirt ito na mahaba ang mga manggas subalit nakarolyo hanggang sa may siko. She noticed the soft hairs on his arms and at the back of his knuckles. Napuna rin niya ang kislap ng pinong pawis sa mga braso nito. Even the side of his face glistened with sweat.
The worn fabric of his jeans stretched taut over lean hips and muscular thighs. She was wearing dusty old jeans and working boots. Nang mag-angat siya ng paningin dito ay nakita niya ang lalo pang pagnipis ng mga labi nito at ang paggalaw ng mga muscle sa panga nito.
It was his jaw that really caught Mavis' attention. She had never seen a more determined jaw in her life. And his very presence seemed to fill the whole parking area. Ang akmang muling pagsasalita nito ay inunahan niya.
"Ipagpaumanhin mo. H-hindi ko nakita ang paglabas mo..."
"Dahil kung makaparada ka'y hindi mo na gustong bigyan ng daan ang mga taong papasok at palabas sa opisinang iyan!" Pabarumbado nitong nilingon ang law office.
Nakaramdam si Mavis ng inis sa magaspang na ugali ng lalaki. Nasa dila na niya ang pagtataray nang mapunang tama ito. Napasinghap siya dahil totoong halos naokupa na niya ang labasan ng law office.
"I said I am sor—"
Hindi na niya naituloy ang sasabihin. Nang ibalik niya ang paningin sa lalaki ay nakatalikod na ito at lumalakad patungo sa nakaparadang Toyota Hilux na ang kulay ay hindi niya matiyak kung puti o off-white sa kapal ng alikabok na nakakulapol doon. Sinundan niya ito ng tingin habang binubuksan ang pinto ng pickup truck nito at pumasok sa loob.
The man must be twenty-nine... thirty. A hunk. Nearing six feet tall and dark. Napasinghap si Mavis na ang mga mata ay hindi humihiwalay rito. Napahawak siya sa dibdib. There was something about the man that was so familiar. It was as if she'd seen him before. Hindi lang kayang hagilapin ng isip niya kung saan.
And the longing that she felt surprised her that she jolted from where she stood. The kind of longing that she wanted to weep. As if she hadn't seen him for a very long time and she had missed him so much.
BINABASA MO ANG
Mystic (COMPLETED) (Published by PHR)
RomanceMavis met an accident on her way to Bangui, a town in Ilocos Norte. Ang nakapagtataka ay wala siyang maalala sa mismong aksidente, bago man o pagkatapos niyon. Subalit ang isip niya ay okupado ng mga pangitain na hindi kanya--ng isang babaeng nagdad...