Six

28.8K 659 36
                                    


Natanaw ni Mavis ang arko. Welcome to Laoag City. Napangiti siya sa sarili. May galak na nagsisikap makaalpas sa puso niya. She knew she had felt this way five years ago. She had been three days short of her eighteenth birthday when she and her parents traveled this way before. Natatandaan niya iyon. At gayunding kasiyahan ang nasa dibdib niya. Patungo siya sa propiedad na minana niya.

Kind of déjà vu.

Ilang sandali pa ay nasa Laoag town proper na siya at nilampasan na niya ang arko. Mabagal ang pagpapatakbo niya. Kailangan niyang baybayin ang mga establisimyento upang hanapin ang opisina ng abogado ng mga Andrade.

Laoag was the same tourist city when they'd been here five years ago. Natatandaan niyang dumaan sila sa bayang iyon upang ipaalam sa abogado ng mga Andrade ang gagawin nilang pag-okupa sa malaking bahay. Her mother took the keys from the lawyer's secretary and then they proceeded to Fort Ilocandia to have lunch.

Laoag City was a tourist place. Maraming magagandang tanawin at mga baybayin. Makasaysayan ang bahaging iyon ng Norte. Tulad ng Batac kung saan naroroon ang Marcos Museum & Mausoleum. One of these days, she'd visit the mausoleum.

Dinampot ni Mavis ang calling card mula sa dashboard ng Wrangler Jeep na nirentahan niya sa Maynila. Ibinigay ng mommy niya ang calling card na iyon sa kanya may isang linggo na ang nakalipas. Maliwanag pa rin sa isip niya ang di-makapaniwalang anyo nito nang sabihin niya na balak niyang bumalik sa Pilipinas...

"Hindi kita mapapayagang bumalik sa Pilipinas, Mavis!" mahigpit na tutol ni Nerissa.

"Kailangan mong pumayag, Mommy," matatag niyang sabi. "Ilang araw ko nang pinag-iisipan ang bagay na iyan. Gusto kong malaman kung ano na ang nangyari sa kabuhayang minana ko."

"You can sell it!" wika ng ina na sa halos limang taong paninirahan sa America ay natuto nang magsalita ng English. "Tawagan natin ang abogado at ipaasikaso ang pagbebenta sa mga ari-ariang minana mo. Wala namang babalikan doon, hindi ba?"

"Sa kahati ko lang maaaring ibenta ang propiedad, Mommy."

"O, eh, di ipabenta mo sa abogado sa kung sino man ang kahati mo sa mana!"

Nakita niya na unti-unting nawawalan ng kulay ang mukha ng ina. Ang aksidenteng nangyari sa kanila ay isang matinding trauma para sa mommy niya. Tatlong araw pagkatapos ng nangyaring aksidente ay ipinalipat si Armando ng mga anak nito sa ospital sa Maynila. Si Armando na rin ang nagpaayos na si Mavis man ay mailipat din sa ospital na pinagdalhan dito.

Sa ospital ay halos hindi gustong umalis ni Nerissa sa tabi ng anak. Umaalis lamang ito kapag kailangang puntahan si Armando na nasa kabilang silid naman. Naging overprotective si Nerissa sa kanya matapos ang aksidenteng nangyari sa kanilang tatlo.

Two months later, nang ipasya ni Armando na umalis sila ng Pilipinas ay sa wari iyon lang ang hinihintay ni Nerissa. Gusto nitong iwan ang Pilipinas at mga bagay na nagdulot dito ng masasamang pangyayari.

Sa ibang bansa na rin ipinagawa ni Armando ang prosthetics nito. Ang kaliwang binti nito ay naputol dahil sa nangyaring aksidente. Aksidenteng walang matandaan si Mavis kahit na ano pa man bago at maging pagkatapos. Lalo na ang bago mangyari ang aksidente. Ang huling pangyayaring taglay ng isip niya ay nang nagdaan sila sa Laoag at kumain sa Fort Ilocandia.

At si Nerissa ay hindi na mahalagang hindi niya maalala ang mga iyon. Subalit para sa kanya ay tila bahagi iyon ng puzzle na sinisikap niyang buuhin. Sa nakalipas na limang taon ay hindi na nag-isip pa si Nerissa na bumalik sa Pilipinas. Though Armando had gone back to the Philippines a few times in the last five years to process some business papers. Kasali na roon ang pakikipagkita sa abogado ng mga Andrade bilang representative ni Mavis.

Mystic (COMPLETED) (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon