ROLF drove his truck like mad. Pinipilit niyang kalmahin ang sarili. Dalawang araw na siyang pabalik-balik sa malaimpiyerno sa init na opisina na iyon ng abogado. Pero sa tuwina ay laging may appointment ang abogado. Humingi siya ng appointment pero sa wari ay sa next week pa available ang abogado.
He had plans of selling his son's share of the property. Ang unang pagkakataon na iminungkahi niya iyon sa abogado ay sinabi nitong pag-aaralang mabuti ang habilin ni Benito Andrade kung kasama sa pagiging trustee niya ang pagbibili ng propiedad sa mismong kahati ni Benjo sa mana. At na kokontakin pa nito ang kabilang nagmana. And that had been two weeks ago.
Ang kayamanang minana ng anak niya ay minana lang nito mula kay Bettina. Bettina inherited millions from grandparents she hadn't known. The ironies of life. That would have made Bettina deliriously happy. Only three weeks after Bettina's death, lawyers and private investigators had traced Bettina from Laguna to Capistrano. Naitukoy ng mga tiyahin at tiyuhin ni Bettina.
At lalo nang nadiin si Rolf sa akusang siya mismo ang pumatay sa asawa niya dahil sa minana nito. Na ayon sa tiyahin ni Bettina ay natuklasan na niya iyong una hindi pa man nakakarating ang mga imbestigador sa Capistrano. At kung mawawala ang asawa sa landas niya ay siya ang makikinabang sa minana nito.
At dahil hindi pa naman nababasa ni Rolf ang testamento, hindi niya malalaman na kung walang anak na magmamana si Bettina ay sa kahati nito mauuwi ang kayamanan. He had the motive, lalo at nalaman ng marami na hiniwalayan siya ni Bettina. Sa loob ng dalawang taon ay sinikap ng tiyahin ni Bettina na gumasta ng abogado para lamang mapatunayang may kinalaman siya sa pagkamatay ng pamangkin nito.
Umaasang mapupunta sa mga ito ang pag-aaruga kay Benjo at malipat sa mga ito ang pagiging trustee ng kayamanan. His own lawyer fought tooth and nail, para lang mapatunayang wala siyang kinalaman sa pagkakapaslang sa asawa niya. Lalo at kung namatay ang batang nasa tiyan ni Bettina nang ito ay paslangin ay wala ring magiging silbi kay Rolf ang kayamanan.
He could easily turn the tables on them. Lalo at mas naunang nalaman ng mga kamag-anak ni Bettina ang mana nito through the investigators. But it was a waste of time. Wala siyang mapapala. Isa pa'y binale-wala naman ng korte ang ang kasong isinampa ng tiyo at tiya ni Bettina sa kawalan ng katibayan.
But it was a small town. Madaling kumalat ang balita at tsismis. Humahabi ang mga tao ng salita na nagpalipat-lipat. Na siya talaga ang pumatay sa asawa niya at ngayon ay nagkakamal ng salapi sa pamamagitan ng anak niya.
Dahil buhay ang anak ni Bettina ay dito napunta lahat ang kalahati ng kayamanang minana ng asawa niya at walang nagawa ang tiyahin ni Bettina kundi ihinto ang kaso. Lately, Bettina's greedy aunt came to him for financial help. Binago ang taktika sa pagkakamal ng salapi.
He offered jobs for their eldest son at the farm. Kahit ang tiyuhin ni Bettina ay inalok niya ng trabaho sa tabakuhan. Subalit tinanggihan ng mga ito ang alok niyang trabaho dahil malayo raw sa Laguna. Ibinili niya ang mga ito ng isang tricycle. Subalit hindi doon natatapos ang pangangailangan ng mga kamag-anak ni Bettina. At ipinasya niyang hintuan na ang pag-aabot ng tulong.
Hindi siya maramot pero hindi ang tulad ng pamilyang kinalakhan ni Bettina ang masisiyahan sa anumang tulong na maibibigay niya. Nagwawala sa galit ang tiyahin ni Bettina nang sabihin niyang wala na siyang maitutulong pa sa mga ito. Sinabi nitong pagbabayaran niya ang ginawa niya sa pamangkin nito.
Rolf sighed angrily. He tried to calm himself. Muling pumasok sa isip ang magandang babaeng nakatagpo niya sa labas ng opisina ng abogado. Pati ito ay napagbuntunan niya ng init ng ulo. There was something about the woman that was so familiar. Natitiyak niyang nagtagpo na sila ng babae subalit hindi niya maisip kung saan at kung kailan.
MARAHAN lamang ang takbo ni Mavis habang nagpapaikot-ikot sa zigzag. Ayon sa mommy niya ay sa Baruyen zigzag sila naaksidente. And this was the Baruyen zigzag. Muli niyang pinagana ang isip at baka may maalala siya subalit wala kahit na malabong alaala ng aksidente. In her mind, it was as if it never happened.
Finally she reached the Bangui View Deck. Ipinarada niya ang sasakyan at bumaba ng kotse. Mula roon ay tinanaw niya ang nagtatayugang windmills na nakahilera sa baybayin ng Bangui. The windmills were spectacular. Sa sine lang niya nakikita ang ganoon. Tila iyon mga sundalong nakamasid sa karagatan at nag-aabang ng kalaban. Akalain ba niyang mayroong ganoon sa Pilipinas?
Sa nakalipas na mga taon, sa tuwing anibersaryo ng kasal ng mommy niya at ni Armando ay bumibiyahe sila sa iba't ibang panig ng mundo. Subalit hindi niya kayang ihambing ang kaligayahang nadarama ngayon sa tanawing nakikita niya sa ibaba. It was not possible that her mother had told her about this place while they travelled north five years ago. Sa research niya sa hotel kahapon ay nalaman niyang dalawang taon pa lang na operational ang windmills.
Kung malalaman ng mommy niya na naroon siya ngayon sa zigzag ay natitiyak niyang maghi-hysteria ito. She closed her eyes tightly, umaasang maaalala kahit kaunti ang nangyaring aksidente ngayong narito siya.
Subalit wala siyang maalalang kahit na ano. Sa halip ay ang mukha ng ina ang gumitaw sa isip niya. Ang dahilan kung bakit bumiyahe sila nang araw na iyon patungong Bangui may limang taon na ang nakalipas....
MULA sa backseat ay tahimik na pinagmamasdan ni Mavis ang tanawin sa labas ng bintana ng sasakyan. Kaibang-kaiba sa tanawin sa Maynila. Katunayan ay hindi naman binuksan ng boyfriend ng mommy niya ang aircon ng sasakyan at nalalanghap niya ang mabango at sariwang hangin na nagmumula sa mga bundok.
Hindi inalis ng nakakainip at mahabang biyahe ang excitement niya. Inihahatid sila ni Armando sa bayan ng mommy niya. Armando promised them that her mother's car and some few appliances and pieces of selected furniture would be shipped to their new house in a few days' time.
Maliban sa nakikita niya sa daan patungong Baguio ay noon lang siya nakakita ng ganoong tanawing probinsiya. She always loved the countryside. Malayo sa lahat. Sa polusyon ng mga pabrika; sa nagkakaingay na mga busina ng sasakyan na gumigising sa kanya madilim pa lang. Higit sa lahat, hindi niya kailangang sumama sa mommy niya sa paglipat-lipat ng lugar dahil kanya ang bahay. Ipinamana sa kanya ng isang lolo na hindi niya nakilala o kadugo man lang.
At marahil ay hindi na rin siya lilipat ng paaralan. Tamang-tamang sa pasukan ay nasa unang semester siya sa ikalawang taon sa kolehiyo. She felt the excitement run through her vein. At kung permanente na silang maninirahan sa bayan ng mommy niya ay magkakaroon na siya ng mga permanenteng kaibigan.
Hindi pa rin maunawaan ni Mavis kung bakit sa kanya ipinamana ng mga umampon sa mommy niya ang kayamanan ng mga ito. Subalit hindi na mahalagang isipin pa iyon. Ang mahalaga ay mayaman na siya. A millionaire for that matter. Umalis sila ng Maynila wala pang alas-singko ng umaga at malapit nang humapon ay nasa daan pa rin sila. Kung may konsolasyon man ay sa Fort Ilocandia sila nananghalian. Kahit paano ay nag-enjoy siya roon.
Napag-alaman niya na ginawa ang Fort Ilocandia ng mga Marcoses para sa kasal ni Irene Marcos. She could imagine the grand wedding and a smile curved her lips. It must have been like a fairy tale. At kung siya ang masusunod ay gusto pa niyang galugarin ang maraming magagandang lugar sa bahaging iyon ng norte. At kanina pagkapananghali, pinayagan lang siya ng mommy niya na ikutin ang Fort Ilocandia at pagkatapos ay muli na naman silang bumiyahe patungo sa bayan ng mommy niya.
And they'd been driving again.
"Mom, malayo pa ba?"
BINABASA MO ANG
Mystic (COMPLETED) (Published by PHR)
RomanceMavis met an accident on her way to Bangui, a town in Ilocos Norte. Ang nakapagtataka ay wala siyang maalala sa mismong aksidente, bago man o pagkatapos niyon. Subalit ang isip niya ay okupado ng mga pangitain na hindi kanya--ng isang babaeng nagdad...