Nakapaligo na si Mavis nang lumabas siya ng silid niya. Sa oras na nakabadya sa cell phone niya ay kinse minutos bago mag-alas-diyes. She looked around the house. Sa liwanag ng araw na tumatagos sa salamin ng malalaking bintana ay ipinahihiwatig ang karangyaan ng bahay na may sinaunang disenyo. Luma subalit naroroon pa rin ang pagiging grandioso. Yari sa mahuhusay na kahoy. Kumikislap iyon hindi dahil sa barnis kundi dahil iyon ang naturalesa ng kahoy kapag matanda na.
Ang magkabilang bahagi ng pasilyo kung saan nahati ang malalaking silid ay nagtagpo sa isang malaking sitting room. Nakapalibot ang barandilya sa sitting room at natatanaw ang sala sa ibaba.
Nilingon niya muna ang katabing silid at iniisip kung naroroon pa ang lalaki. Pero kusang itinanggi ng isip niya iyon. Ang mga tagaprobinsiya ay maagang nagsisipaggising. Nagpatuloy siya sa pagtungo sa dako ng hagdan at dahan-dahang bumaba.
Nasa gitna na siya ng hagdan nang mula sa kung saan ay lumitaw ang batang lalaki na tiningala siya. May hawak itong tutang puting-puti ang balahibo.
"So you're awake!" anito at nginitian siya. "'Morning."
Quite a handsome boy. His shiny and straight bangs almost covered his eyes. Tinawag nitong "daddy" ang lalaki kagabi. Kung gayon ay may asawa na ang lalaki bagaman hindi niya nakita kagabi. Natitiyak niyang ang babae kagabi ay hindi ina nito dahil narinig niya nang tawagin ito ng bata ng "Tita."
May kurot ng panghihinayang siyang naramdaman na may pagkamangha niyang agad itinaboy mula sa isip. Wala siyang natatandaang nagkaroon siya ng ganoong damdamin sa isang lalaki. Lalo at estranghero at may-asawa.
She had two failed relationships before. At iisa lang ang dahilan ng hindi matagumpay niyang relasyon sa mga naging boyfriend niya. Ito'y ang flashes niya na kahit sa mga dinner date ay sumusumpong. She was a "nutcase." Iyon ang taguri ng mga ex-boyfriend niya sa kanya.
Ibinalik niya ang pansin sa bata. Nakangiti ito sa kanya. The smile made her feel welcome, easing the strangeness that she felt.
"Good morning," ganting-bati ni Mavis at naupo sa may baitang malapit na sa ibaba. "Ang ganda ng tuta mo. Ano ang pangalan niya?"
The boy smiled at her. "Whitie. And it's a boy."
"Ah, okay." She chuckled. Inabot niya ang ulo ng tuta at hinaplos. Kumawala ang aso mula sa mga kamay ng bata at dinilaan ang paa niya.
"He likes you!" he exclaimed. "Pero si Tita Anna at si Lolo Fermin ay 'di gusto si Whitie."
Lolo Fermin must be the old man she saw last night. "Mahilig din ako sa tuta. Back home, we have retrievers."
"Bigay siya ng doctor ko kasi 'di ako umiyak nang magpa-shots ako. At Whitie na talaga pangalan niya."
"Whitie's okay. Bagay sa kanya."
Nagkibit ng mga balikat ang bata. "Nag-breakfast na kami," wika nito at ngumiti sa kanya. "Daddy said that we shouldn't wake you up because you're tired. Pero sabi ni Daddy, tirhan ka ng food. Champorado saka tuyo. And there's pakbet and rice." The boy grimaced. She suppressed her own. "I don't like tuyo and pakbet," idinagdag nito at naupo sa tabi niya. "Ikaw?"
She smiled back and whispered conspiratorily. "Oh, don't tell, pero pareho tayo."
The boy giggled. "Ano ang pangalan mo?"
"Mavis. And you are Benjo."
"Yes, that's my name," sagot nito.
"And I bet it came from Benjamin."
BINABASA MO ANG
Mystic (COMPLETED) (Published by PHR)
RomanceMavis met an accident on her way to Bangui, a town in Ilocos Norte. Ang nakapagtataka ay wala siyang maalala sa mismong aksidente, bago man o pagkatapos niyon. Subalit ang isip niya ay okupado ng mga pangitain na hindi kanya--ng isang babaeng nagdad...