Hinawakan ni Benjo ang kamay ni Mavis. "Ganyan din si Tita Mavis kanina, Daddy. Her hands trembled, natapon niya ang coffee sa sahig."
"May sakit ka ba, naning?" tanong uli ng matandang babae.
"Wala po akong sakit, Ma'am..." Ang mga mata ni Mavis ay hindi sinasadyang natuon kay Anna. Nakatitig ito sa kanya sa paraang tila gawa-gawa lang niya ang sandaling pagkahilo.
Pagkatapos ay umusal ito na ihahanda na ang mesa para sa maagang tanghalian at tumalikod.
"Iyan ba ang dahilan kung bakit inabot nang limang taon bago mo naisipang magtungo rito?" tanong ni Rolf. "And coming to this place must have reminded you of that accident." It was more of a statement than a question.
She wiped her perspiration with her hands and shook her head. "No. It's my mother's choice not to come back. At doon sa huling tanong mo ay natitiyak kong hindi. I wasn't traumatized by the accident. Dahil wala akong natatandaan sa aksidenteng nangyari sa amin. Nothing before and nothing after."
Lumalim ang kunot sa noo nito. "And why is that? May amnesia ka ba?" Kinuha nito ang basong napangalahati niya ang laman.
Muli siyang umiling. "Naaalala ko ang lahat maliban sa mismong aksidente. Para sa siyensiya ay isa pa ring kamangha-mangha ang utak ng tao. Marahil ay hindi gustong tandaan ng isip ko ang mga bagay na nagdulot ng matinding pinsala sa akin. Iyon ang paliwanag ng mga doktor."
"At hindi na kayo nagbalik na mag-ina rito," patuloy ni Asuncion. "Hindi ko kayo masisisi. Sa Amerika na kayo nanirahan mula noon? Kailan nga ba nangyari ang aksidente mong iyon?"
"Buwan ng Mayo. Five years ago."
Isang malakas na pagsinghap ang narinig niya mula sa matandang babae. Pagkatapos ay nagkatinginan ang mag-ina.
Muling lumabas sa sala si Anna at inanunsiyo na nakahanda na ang mesa. Akma siyang hahawakan ni Rolf sa braso upang alalayan sa pagtayo. Disimulado niyang iniwasan ang kamay nito at tumayong mag-isa. Then she reached for Benjo's hand instead.
Nang lingunin ni Mavis si Rolf ay nakita niya ang anino ng ngiting nakasungaw sa mga labi nito. It almost buckled Mavis's knees. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ni Benjo at hinila na patungo sa dining room.
Sa hapag-kainan ay napuna niya na wala ang matandang lalaking nakita niya ng sinundang gabi. "W-wala po yata ang matandang lalaki..."
"Kung si Tiyong Fermin ang tinutukoy mo ay huwag mo siyang intindihin," ani Rolf. "He keeps to himself. Nasa likod ang bunkhouse malapit sa kuwadra at doon niya piniling maglagi. Pumapasok lang iyon dito kapag kumukuha ng pagkain."
"Ano ngayon ang plano mo, naning?" tanong naman ni Asuncion.
"Balak ko pong bumalik ngayon sa opisina ng abogado. May kailangan lang ho akong linawin."
"Sumabay ka na sa amin nang sa ganoon ay hindi mo kailangang magmaneho. I'll drop you at the lawyer's office then I'll bring my mother to her doctor. Kapag tapos ka na ay tawagan mo ako at susunduin kita. Here's my—" He stopped in midsentence then muttered something under his breath.
"Bakit hindi ka na lang bumili ng bagong cell phone, Rolf," ani Asuncion. "Tiyak na tuluyan nang nawala ang cell phone mo."
"Hindi ko mapagkaabalahan, Mamang. Isa pa'y nandiyan lang marahil iyan sa kung saan." Tumaas ang mga mata nito sa kanya. "So, what is it?"
Pabor sa kanya iyon dahil nararamdaman pa rin niya ang pagod mula sa mahabang oras na pagmamaneho mula Maynila kahapon. "Kung hindi ako makakaabala."
BINABASA MO ANG
Mystic (COMPLETED) (Published by PHR)
RomanceMavis met an accident on her way to Bangui, a town in Ilocos Norte. Ang nakapagtataka ay wala siyang maalala sa mismong aksidente, bago man o pagkatapos niyon. Subalit ang isip niya ay okupado ng mga pangitain na hindi kanya--ng isang babaeng nagdad...