Dalawang araw ang lumipas. Natitiyak ni Mavis na ang pag-uusap nila ni Rolf nang madaling-araw na iyon ay nagbigay ng strain sa pagitan nilang dalawa. Mas na nagmumula sa kanya ang pag-iwas.
"Maaari ba tayong mag-usap?" anito nang mapagbuksan niya ng pinto ng silid niya.
"Gabi na, Rolf. Gusto kong magpahinga."
"Alas-otso pasado pa lang, Mavis," he said wearily. "Hindi ka sumabay sa hapunan nang marinig mong dumating ako. Magmula nang manggaling tayo sa tree house ay nararamdaman kong sadya mo akong iniiwasan. I demand to know why?"
Umiwas siya ng tingin. "Naguguluhan ako sa nangyayari sa akin. Gusto kong mag-isip."
"Sweetheart, nandito ako at sinisikap kong tumulong. Kaninang umaga, bago ako tumuloy sa Capistrano ay nagtungo ako sa local LTO at inaalam ko kung sino ang may-ari ng plakang TNV-541. Pero wala roon ang taong in-charge. Hindi mo ako kailangang iwasan..." naghihinakit nitong sabi.
"Rolf, please. Hayaan mo muna akong mag-isip at—"
"I miss you, sweetheart." Inabot siya nito at ikinulong sa mga braso. "Please don't shut me out."
Ako rin naman, ang gusto niyang sabihin pero litong-lito siya sa kung ano ang dapat na isipin. Nag-init ang sulok ng mga mata niya. She had involved herself with him with one single reason—her feeling. Wala naman talaga siyang alam sa pagkatao ni Rolf.
She blinked her tears away. Nilabanan niya ang damdamin at kumawala at umatras sa loob ng silid niya. "Gusto ko nang magpahinga, Rolf, please..." She ignored the pain she saw in his eyes.
"All right," he said with a mixture of resignation and grimness in his tone. "I will give you space. Pero pansamantala lang, Mavis. Hindi ako papayag na manatili tayong ganito."
Isasara na niya ang pinto nang pigilan nito. "Huwag kang aalis ng bahay nang hindi ako kasama." Pagkasabi niyon ay ito na mismo ang humila sa pinto pasara.
Nanatiling nakasandal si Mavis sa likod ng pinto. Nasasaktan siya sa ginagawa niyang pag-iwas dito. Hindi niya gustong maghinala pero lahat ng motibo ay sa inheritance lamang nagtutukoy.
Kinabukasan paggising niya ay nakaalis na si Rolf patungo sa Capistrano.
"Sasama ako sa iyo sa windmills, Tita Mavs," hiling ni Benjo nang malamang pupunta siya sa kinaroroonan ng windmills.
"Huwag na, Benjo, baka magalit si Daddy mo. Hindi kita naipagpaalam." Sinulyapan niya si Anna na nag-alikabok sa paligid. Alam niyang naririnig siya nito at natitiyak niyang kokontra ito sa sandaling isama niya ang bata.
"'Di rin naman tayo nagpaalam nang magpunta tayo sa McDo, ah. Pero 'di nagalit si Daddy."
She wrinkled her nose at him. "I don't want to push my luck. Promise, dadalhin kita uli si McDo. But not today, kiddo."
She asked Anna for directions to the windmills. Itinuro nitong may isang makitid at maalikabok na daan patungo sa windmills. Gamit ang four-wheel drive ay tinunton niya ang daan. Anna said it was more or less, two kilometers from the Andrade properties, using the shortcut road.
Tama si Rolf. Hindi siya dapat umalis nang nag-iisa. But she was bored. She had talked to her parents already last night. Hindi niya sinabi ang mga pagtatangka sa kanya dahil mag-aalala lang ang mga magulang. Lalo na ang mommy niya. Gayon man, pumayag ang mag-asawang bumalik sa Pilipinas at tulungan siya sa negosyong balak niya. As usual her mother had argued vehemently. Pero napahinuhod niya ito sa tulong na rin ni Armando. Darating ang mga magulang niya pagkatapos ng dalawang linggo.
BINABASA MO ANG
Mystic (COMPLETED) (Published by PHR)
RomanceMavis met an accident on her way to Bangui, a town in Ilocos Norte. Ang nakapagtataka ay wala siyang maalala sa mismong aksidente, bago man o pagkatapos niyon. Subalit ang isip niya ay okupado ng mga pangitain na hindi kanya--ng isang babaeng nagdad...