Eighteen

22.2K 590 10
                                    


Malayo pa si Mavis ay natanaw na niya si Rolf habang nire-repair nito ang mga sirang bakod sa bahaging iyon ng lupain ng mga Andrade. She hadn't intended to chance upon him. Sinundan lang niya ang madamo at tuyong lupang landas pabalik sa malaking bahay.

Ang malaking kabayo nito ay nakatali sa kabilang gilid ng bakod. Hindi marahil nito naririnig ang pagdating niya dahil abala ito sa pagpupukpok ng poste pabaon sa lupa. Inihinto niya sandali ang marahang pagpapatakbo sa kabayo. Then she watched him with fascination. He was half-naked. Kahit sa distansiya niya ay natatanaw niya ang pawis nito na kumikislap mula sa sikat ng papahapong araw.

She admired the play of rippling muscles and straining tendons of his shoulders and back as he hammered the post. Kumikislap ang buhok nito na basa na ng pawis. The worn fabric of his jeans stretched taut over lean hips and muscular thighs.

He was never particular about a man's behind. Para sa kanya ay sa babae lang malaking bagay iyon. Until that moment. She never thought that a butt could look so sexy in a man. Humuhulma iyon sa suot nitong masikip na pantalong maong.

Mayamaya pa ay huminto sa pagpukpok si Rolf at sinipat kung naibaon na nang husto ang poste. At nang masiyahan ay lumingon upang kuhanin ang rolyo ng barbed wire nang matigilan ito. Luminga ito sa may bahagi niya, squinted his eyes from the afternoon sun. Natitiyak niyang sa pagkakayuko ay una nitong nakita ang mga paa ng kabayo. Tuluyan na itong nagtuwid ng katawan at humarap sa kanya, arms akimbo.

"Hi," bati niya.

"Hi, yourself. Ibinigay sa iyo ni Tiyo Fermin si Juno?"

"He wasn't around. Pinangahasan kong kuhanin." Hinaplos niya ang ulo ng kabayo. "So her name's Juno. Ano naman ang pangalan ng stallion mo?"

"Beast."

She chuckled. "How original."

"Sinadya mo ba akong puntahan dito?"

"Don't flatter yourself," she said pouting. May anino ng ngiting nakasungaw sa mga labi niya. "Inikot ko ang buong lupain at nakita ko ang mga nanginginaing baka. Pagkatapos ay sinundan ko ang landas. Pauwi na ako."

"Ah. So, inaalam mo na kung hanggang saan ang lalagyan mo ng boundaries, kung sakali."

She shrugged carelessly. Hindi maiwasang pagtuunan ni Mavis ng tingin ang hubad nitong dibdib. Nakalatag doon ang maninipis na balahibo. His belly was flat and the six-abs were... she blinked and reigned her naughty thoughts.

"Tama ba ako?" ani Rolf na may himig ng kaaliwan ang tinig, knowing full well that she was staring. "Inaalam mo na ang boundaries ng lupain mo?"

May init na gumapang sa mga pisngi niya. She cleared her throat and bravely met his eyes. "In a way, yes. If you don't mind, mas gusto ko ang bahagi sa silangan."

Kumunot ang noo ni Rolf. "Bakit doon? Mas magubat sa bahaging iyon at madalang na ang mga puno ng niyog?"

"Gusto ko iyong tanawing nagtatagpo ang dagat at ilog. Besides bulubundukin ang lugar doon."

"At iyon ang gusto mo? Why?" Lumalim ang kunot ng noo nito.

"Mas angkop iyon sa negosyong gusto ko, kung sakali."

"And that is?"

"A first-class beach resort."

Tumango-tango si Rolf sa paraang sinasang-ayunan ang sinabi niya. She looked around her and sigh. "I like this place. If ever na gusto kong magtayo ng resort, ang bahaging pinili ko ay akmang-akma..." she said softly.

Mystic (COMPLETED) (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon