"M-may... kinatakutan ang kabayo. B-biglang umalma... at nahulog ako..." Mavis closed her eyes tightly. Ano ang sasabihin ni Rolf kapag sinabi niya ritong may nagtangkang bumaril sa kanya? Maniniwala ba ito?
Napuno ng kalituhan ang isip niya. Why would someone want to kill her? Wala siyang maraming taong kakilala at kahalubilo magmula nang dumating siya sa asyenda.
Napahakbang si Rolf palapit sa kanya. "Are you hurt? Aling bahagi ng katawan mo ang nasaktan?" Iniupo siya nito sa gilid ng pang-isahang katreng kawayan na nakadikit sa mismong dingding ng kubo.
Umiling siya. "H-hindi ako nasaktan, Rolf. Sa... makapal na damo ako bumagsak. Pauwi na kami nang... nang biglang umalma ang kabayo na... parang may kinatakutan."
He let out a sigh of relief. Hinawi nito mula sa mukha niya ang basang buhok at pinagsalikop sa likod ng ulo niya. Nagsasalubong ang mga kilay nito nang makita ang dalawang gasgas niya sa baba. "May gasgas ka sa mukha!" Pagkatapos ay hinawakan ang mga braso niya na may mga gasgas din. "You said you weren't hurt?"
"Not from the fall. H-hinabol ko si Juno. Hindi ko nakita kung saan siya tumakbo. Sa talahiban ako napasuot. Doon marahil galing ang mga iyan."
"Lagyan natin kaagad ng antiseptic iyan pagdating sa bahay." Binitiwan nito ang mga braso niya. "Ipinagpapasalamat kong sa bahaging ito ng gubat ka nakalabas. Kung nagkataon ay mahihirapan kang hanapin ang daan pauwi kung sumuong ka sa kakahuyan."
"H-how far is this place from the house?"
"Halos isang kilometro. Malayo rin ito sa dagat. Pero sa kabila nitong mga malalaking puno ay ang ilog. Kung susundan mo ang agos ng ilog ay sa dagat ang tuloy mo. Lamang, paano kung hindi ka rito lumabas. Baka mahirapan kang hanapin ang daan at abutin ng gabi bago mo matunton ang ilog. At malakas ang ulan! Iniisip ko pa lang na naliligaw ka rito sa gubat ay nag-aalala na ako."
"Nagulat ako nang makita kita..."
"Nasa southeast area kami ng surveyor nang magsimulang lumakas ang ulan. Ipinasya kong bukas na ituloy ang gagawin. Nasa malapit na rin lang ako rito ay minabuti ko nang dito magtungo at magpatila dahil naisip kong baka naiwan ko rito ang..." Humakbang ito patungo sa kinakitaan ni Mavis ng cell phone, "cell phone ko. Tama ako. Naiwan ko nga ito rito noong isang linggong narito kami ni Benjo. Pinaglaruan ito ng anak ko at nawala na sa isip ko nang umuwi kami."
Wala sa loob siyang napatango. Hindi nito narinig ang dalawang putok ng baril dahil maaaring sumabay iyon sa kulog at kidlat.
"Isa pa, gusto kong suriin ang kubo kung matibay pa. At balak kong itanong na rin sa iyo kung gugustuhin mong manatili ang kubo rito sa bahagi ng propiedad mo..." He paused. Then he looked down at her. "Ano ang ikinatakot ni Juno?"
Hindi makaapuhap ng isasagot si Mavis. Paano niya sasabihin dito na may bumaril sa kanya? Paniniwalaan ba siya gayong kahit siya ay hindi makapaniwala? Wala siyang kaaway. Bakit siya pagtatangkaan?
"H-hindi ko alam. Basta na lang umalma..."
He sighed. "Malamang na bumalik na sa malaking bahay si Juno."
"Bakit hindi ka magsuot ng T-shirt?" aniya makalipas ng ilang sandaling katahimikan. Sinulyapan niya ang extra T-shirt na nakasabit sa bahagi ng dingding.
"Hindi ka ba komportableng nakahubad ako?" he asked softly.
Hindi siya sumagot. Tumayo siya at tinungo ang bintana. Hindi niya gustong salubungin ang ibinabadya ng mga mata nito. They were hot and suggestive. At nag-iisa sila sa kubong iyon sa gitna ng gubat.
BINABASA MO ANG
Mystic (COMPLETED) (Published by PHR)
RomanceMavis met an accident on her way to Bangui, a town in Ilocos Norte. Ang nakapagtataka ay wala siyang maalala sa mismong aksidente, bago man o pagkatapos niyon. Subalit ang isip niya ay okupado ng mga pangitain na hindi kanya--ng isang babaeng nagdad...