Twenty - two

21.4K 572 24
                                    


Ilang sandali pa ay nakapaligo at nakapagpalit na si Mavis ng damit. Lumabas siya ng silid at napahinto nang marinig ang mahinang tawanan. Hindi niya gustong manubok pero hindi rin naman siya makapagpakita dahil walang dahilan para bumaba siya.

Nang sandali siyang sumilip ay parehong nasa sala sina Rolf, Solita, at Anna. And she even caught Rolf laughing at a certain joke from Solita. At may isang bagay siyang napuna—parehong nakatitig ang dalawang babae kay Rolf na puno ng pag-ibig ang mga mata. She should know. She was a woman. At natitiyak niyang kung kasama siya ng mga ito ay baka iyon din ang makita sa kanya ng sino mang nagmamasid.

Now she was certain Anna had feelings for Rolf. Tumalikod siya at muling nagbalik sa silid at sandaling nahiga.

Nagitla pa si Mavis nang marinig ang tunog ng papaalis na sasakyan. Nagmadali siyang sumilip sa veranda. Nahuli pa niya ang ilaw sa likurang sasakyan bago iyon nakalabas ng gate. Matagal din siyang naidlip dahil madilim na ang buong paligid.

Bumalik siya sa silid niya at binuksan ang ilaw. Dinampot niya ang kanyang relo sa ibabaw ng side table. Ilang minuto na lang at alas-siyete na ng gabi. Lumabas siya at bumaba. Inabutan niya si Anna na nagliligpit ng mga tasang pinagkapehan at mga gamit na platitong may mga tinidor.

"Si Solita ba ang umalis? Si Benjo?"

"Inihatid ni Rolf si Solita sa Capistrano. Si Benjo ay katutulog lang." Tumalikod na ito patungong kusina bitbit ang tray ng mga tasa at mug.

"May... maitutulong ba ako sa paghahanda ng hapunan?"

"Gabi na para sa paghahanda ng hapunan. Si Rolf ay sa bahay ng mamang niya at malamang doon na rin magpapalipas ng gabi lalo at doon din naman ang trabaho niya bukas."

"Ikaw, hindi ka na ba maghahapunan?"

"Mabigat sa tiyan ang bikong pasalubong ni Solita kaya malamang ay ikaw na lang ang kakain. May mga natira pa naman sa ulam kanina, initin mo na lang."

Sumunod siya sa kusina. Sa mesa ay naroon ang bilao ng biko at kalahati pa ang natira. "Siguro'y biko na rin lang ang kakainin ko at kape." Binuksan niya ang cupboard at kumuha ng platito at tasa.

"Sana'y kumbinsihin mo si Rolf na ipagbili ang bahagi ng lupain ni Benjo," pag-ulit ni Anna sa topic na sinabi nito sa kanya nang hapong iyon.

She sighed patiently. "Anna, bakit kailangan kong kumbinsihin si Rolf gayong may sarili naman siyang pagpapasya? If and when he decided to sell, rest assured I am willing to buy out."

Ibinagsak ni Anna ang basahan sa sink counter. "Iyon ang plano niya bago ka pa dumating! Kung nagkataong hindi abala si Attorney Marquez ay baka naipahanda na niya ang Deed of Sale. Hindi ko naiintindihan ang biglang pag-aantala niya. At natitiyak kong may kinalaman ka roon. He's enjoying you."

Itinuon ni Mavis ang pansin sa paghihiwa ng biko at inilagay sa platito. Sinisikap niyang pairalin ang hinahon at huwag patulan ang pagkamalisyosa nito. "Bakit ikaw ang ganoon na lang ang pagnanais na ipagbili ni Rolf ang kalahati ng mana?"

Hindi itinago ni Anna ang galit nang sumagot. "Una, nahahati ang panahon at atensiyon ni Rolf dito at sa Capistrano; pangalawa, kailangang madesisyunan kung saan mag-aaral si Benjo; pangatlo, habang nakikita ng marami si Rolf na naririto sa Bangui ay lalo lamang hindi mamamatay ang usap-usapang pinatay niya ang asawa niya!"

Nabitin sa ere ang tinidor na hawak niya. "W-what?"

Biglang umilap ang mga mata ni Anna. Hindi marahil nito balak ibulalas ang sinabi. Tumalikod at muling dinampot ang basahan at wala sa loob na nagpunas ng tiled counter.

Mystic (COMPLETED) (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon