"Mavis, what's wrong? Mavis!" He was shaking her shoulders.
Isang malakas na pagsinghap ang ginawa ni Mavis. Tila siya inilubog sa tubig nang matagal at ngayon ay iniaahon. She greedily sucked in air. At tulad ng dati ay dinaklot niya ang dibdib.
"Mavis, what's wrong with you?"
"R-Rolf..."
Inakay siya ni Rolf patungo sa lilim ng punong-akasya at iniupo sa damuhan. Kinuha nito ang kamisetang nakasampay sa alambre at banayad na pinunasan ang pawis niya sa noo.
"It... was an old car..." she muttered hurriedly. "May... may pasahero sa likuran ng sasakyan..."
"What are you talking about?"
Her eyes wide as she stared at him. Nabigla lang siya. Hindi niya gustong isiwalat ang bagay na iyon. Hindi siya paniniwalaan nito. O kahit na sinong tao.
"My god, Mavis, you're nuts!" Iyon ang sinabi ng ex-fiancé niya sa kanya. Hindi niya malilimutan ang disgust sa mga mata nito habang tinititigan siya matapos nitong masaksihan nang dalawang beses ang nangyayari sa kanya sa tuwing dumarating ang mga pangitain. She had no choice but told her fiancé about the visions. Two days later, kinansela nito ang kasal nila.
Dinusa niya ang sakit at kahihiyan. At nasa iisang estado sila nakatira ng ex-fiancé niya at pareho silang may common friends. Nakikita niya sa mga mata ng mga ito ang habag sa tuwing nakakatagpo niya ang mga ito.
Hindi niya gustong makita ang ganoong anyo mula kay Rolf. Pero paano niya nakita ang lahat ng iyon? Paano ipaliliwanag na ang pagkamatay ng asawa nito ay nakita niya? Iyon ba ang dahilan kung bakit wala siyang maalala sa nangyaring aksidente sa kanila ng mommy at stepfather niya? Dahil ang buong alaala niya sa bahaging iyon ay okupado ng nangyari sa asawa ni Rolf?
Anong misteryo ang nangyayaring ito?
"Ipinipilit kong sabihin mo sa akin kung ano ang nangyari sa iyo, Mavis," patuloy ni Rolf. "When I saw you, you were shaking like a leaf. Nawawalan ng kulay ang mukha mo. Kailangang magpatingin ka sa doktor."
"N-nalimutan mong galing ako sa Amerika, Rolf. I'm sick and tired of doctors... of psychiatrists..."
"You need medical help. Something is wrong with you." Puno ng pag-aalala ang tinig nito.
"Oh, boy. Didn't I know that?" she said sarcastically.
Rolf ignored it. "Hindi maaaring manatili kang ganyan. Maaari mong ikapahamak ang nangyayaring ito sa iyo, Mavis."
"Rolf, this is my—"
"Listen to me, Mavis. You were saying things like old car at pasahero sa likuran. Ano ang ibig mong sabihin? You said you don't remember what happened to you?"
"It is another of my spell. No big deal. Now, let go of me."
"Hindi ordinaryong spell ang nararanasan mo. Gusto kong sabihin mo sa akin kung ano ang nangyayari sa tuwing sinusumpong ka!" The hard set of his jaw indicated that he needed answer; that she couldn't get away with it this time.
And Mavis had only one thing in mind to avoid the question. "Kiss me, Rolf," she said softly, without blinking.
He sucked in his breath and stared into her eyes. "Kung pakana mo lang ito para hagkan kita ay hindi mo kailangang pahirapan pa ang sarili mo. One word and—"
"Sshh." Inilagay niya sa leeg nito ang kamay niya, hinila patungo sa kanya at siya na mismo ang humalik dito.
MAVIS was surprised to feel that his lips were soft but firm. There was a quick rush of air on her cheek as Rolf breathed. Nararamdaman niya ang tensiyon mula sa katawan nito. It was as if he suddenly turned to stone. She had never been this brazen and wanton before.
BINABASA MO ANG
Mystic (COMPLETED) (Published by PHR)
RomanceMavis met an accident on her way to Bangui, a town in Ilocos Norte. Ang nakapagtataka ay wala siyang maalala sa mismong aksidente, bago man o pagkatapos niyon. Subalit ang isip niya ay okupado ng mga pangitain na hindi kanya--ng isang babaeng nagdad...