"MAY NAWALA ka yatang butones diyan sa blusa mo?" wika ni Anna.
Ilang sandali bago narehistro sa isip ni Mavis ang sinabi nito. She was still half intoxicated by those moments she had with Rolf. Niyuko niya ang sarili at napasinghap. Totoo ang sinasabi nito! Pinamumulahan siya ng mukha. Ni hindi niya naramdamang may butones na nawala sa blouse niya kanina. Malisyosang nagtawa si Anna.
"Kung sa bagay ay sa ibang bansa ka na halos nagdalaga," anito makaraan. "Hindi kataka-takang kay dali mong ipinagduldulan ang sarili mo kay Rolf sa loob lamang ng ilang araw."
May ilang beses siyang humugot ng hininga bago sa pigil na galit at pagkapahiya ay nilingon ito. "Ano ang problema mo, Anna? Nagseselos ka ba? May relasyon ba kayo ni Rolf?"
Isang matalim na sulyap ang ipinukol nito sa kanya at sa pagmamaneho na itinuon ang buong konsentrasyon.
Tahimik na nagbuntong-hininga si Mavis. Napapahiya siya sa sarili dahil sa nangyari sa kanila ni Rolf kanina. Muntik na siyang makalimot at ipinagpapasalamat niya lang na ang tinig at kontrol na sandali niyang naiwala ay muli niyang nahagip. She had never been so brazen before. Not even with her ex-fiancé.
But she also wanted to know the truth. Sa kabila ng hindi maipaliwanag na damdamin para kay Rolf ay hindi rin naman niya gustong mapagitna sa pagitan ng dalawa—kung may ugnayan man nga ang mga ito.
"Hindi ka na sumagot, Anna. Nagseselos ka ba kaya ganyan na lang ang galit mo sa akin?"
"Wala kaming relasyon at hindi ako nagseselos sa iyo!" mariing sabi nito, ang mga mata ay nakatuon sa bako-bako at maalikabok na daan pauwi sa malaking bahay, iniiwasan ang malalaking lubak at baka mabalaho sila.
She sighed. Hindi niya matiyak kung nagsasabi ito ng totoo. Nakita niya ang pag-ilap ng mga mata nito. It was obvious that Anna didn't like her. At karaniwan na ay paninibugho lamang ang maaaring dahilan ng disgusto nito sa kanya. Itinuon na rin niya ang mga mata sa unahan. Si Rolf ay nilampasan na sila at nauuna na.
"Ano ang plano mo?" anito makaraan ang ilang sandali. "Mananatili ka ba rito sa Bangui?"
"Sa palagay ko ay hindi ikaw ang dapat kong kausapin sa bagay na iyan," she said, sinisikap maging neutral ang tono.
"Plano ni Rolf na ipagbili ang bahagi ng mana ni Benjo sa iyo," anito makaraan ang ilang sandali. "Matagal na niyang binalak iyon dahil nahihirapan siyang magparoo't parito sa Capistrano. Siguro'y makabubuting bilhin mo ang bahagi ng bata."
Lumalim ang kunot ng noo niya. Paanong hindi nasabi ni Rolf sa kanya kanina iyon? "Hindi ko gustong ipakipag-usap ang mga bagay na iyan sa iyo, Anna. Business man o personal. Gayunman, kung iyon mismo ang gusto ni Rolf ay nakahanda akong bilhin ang bahagi ng mana ni Benjo." Itinuon ni Mavis ang paningin sa tanawin sa labas, ipinahihiwatig na pinuputol na niya ang usapan sa kanilang dalawa.
Subalit tila manhid ito at muling nagsalita. "Kailangan ni Rolf ng asawang pagyayamanin siya at may pagpapahalaga sa trabaho niya at kay Benjo. Matanda na si Tiya Asuncion, hindi niya kayang gampanan ang pangangalaga kay Benjo. Kailangan ni Rolf ng matinong babae..."
"I don't understand you!"
"Naaakit sa iyo si Rolf at pinagbibigyan mo!" Anna snapped back. "Pinaglalaruan mo siya. Pampaalis ng inip mo habang naririto ka. Bukas-makalawa ay babalik ka sa pinanggalingan mo..."
She wanted to give the malicious woman a tongue-lashing of her own. Pero para ano? May karapatan ito sa sariling opinyon sa kanya. Wala nang salita pang namagitan sa kanila hanggang sa makarating sila ng bahay.
Hustong pagpasok ni Mavis sa malaking sala ay siya ring pagbaba ni Rolf mula sa malaking hagdan. Sa maikling sandali ay agad itong nakapaligo at nakapagbihis. Basa pa ang buhok nito nang bumababa. Sa sala ay naroon si Benjo kasama si Solita de Gracia. Well, ang ayos ng babae ay akmang-akma sa propesyon nito. Hindi tulad noong una niya itong nakatagpo, napuna niyang naka-makeup ito at maayos ang suot sa navy pants at cream-colored blouse.
She was smiling affectionately at Benjo. At nang makita nito ang pagbaba ni Rolf ay ganoon ding uri ng ngiti ang ibinigay nito.
Rolf smiled. "Nagsimula na ba kayong dalawa?" tanong nito nang masulyapan siya sa may entrada ng dining room at sala. "Hey..." he said.
Huli na para umiwas. Sana'y hindi mapuna ni Solita na kulang ng isang butones ang blusa niya. Kung sa bagay ay ang panghuling butones naman iyon. Rolf stared at her as if he was going to devour her. Embers of desire still flickered in his eyes. Agad siyang umiwas ng tingin.
"Tita Mavis!" exclaimed Benjo. Agad tumayo mula sa pang-isahang sofa ang bata at sinalubong siya, saka niyakap sa mga binti. "'Lika, samahan mo kami ni Teacher Solita."
"Ikaw talaga, Benjo. Hindi ka na nasanay tawagin akong 'tita.'" Ginulo nito ang buhok ng bata. "Ipinakita mo ba kay Mavis ang hangganan ng mana niya, Rolf?"
"Tama ka, Solita," sagot nito pero sa kanya nakatingin.
"Siguro naman ngayon ay maipakikipag-usap mo na ang pagbebenta ng mana ni Benjo. And by next school year ay settled na kung saan papasok si Benjo. Sa Capistrano na, 'di ba?"
Walang malisya sa tinig ni Solita kundi ang naroroon ay paghahayag ng totoo. Ngayong ikalawang beses na niyang narinig ang bagay na iyon ay naniniwala siyang pinagplanuhang ipagbili ni Rolf ang share ni Benjo.
Iyon talaga ang inaasam ni Mavis nang patungo siya sa Bangui mula sa Maynila. Subalit paanong naging iba ang pangmalas niya ngayon sa mga bagay-bagay? It was as if she didn't want for the father and son to leave this place.
"Baka sa ibang araw ay mapag-usapan namin ni Mavis, Solita. Pero sa ngayon ay hindi pa gaanong natatagalan si Mavis mula nang dumating. At plano niyang manatili rito kaya walang dapat ipagmadali."
"Really?" Solita said as she turned to Mavis, a little bit surprised. "Gusto mong manatili sa maliit na bayang ito?" She looked embarrassed. "Hindi kasi tayo nagkaroon ng pagkakataong mag-usap noong nakaraang gabi."
She smiled warmly at the older woman. "Ang kalahati ng bahay na ito at ang lupain lamang ang masasabi kong pag-aari ko, Solita. And they happened to be here in this town."
"Ipagpaumanhin mo at huwag isiping nanghihimasok ako pero hindi sumagi sa isip ko na ang isang tulad mo'y mananatili sa bayang ito. In fact, 'yong posibilidad na ipagbili mo ang bahagi mo ang maaaring isipin ng isa."
"It has never part of my plan to sell the property I inherited. Five years ago, my mother and I decided to settle here. We never made it." She shrugged. "Until now."
Solita opened her mouth then closed it again. Sa wari'y tila nawalan ito ng sasabihin. Pagkatapos ay nagkibit ng mga balikat. "That's a bit surprising, you know. People who grew up in the city wouldn't want to settle down in a town like Bangui."
"Oh, I love this town. Sa bahay na ito ipinanganak ang mommy ko. Baka sa servant's quarter..." She laughed softly. Walang hinanakit at pait sa tinig. "Dito rin siya lumaki hanggang sa edad disisais."
"Totoo ba ang sinasabi mo?" She turned to Rolf for confirmation.
"Iyon ang katotohanan, Solita. Tagarito ang mga ninuno ni Mavis. On both sides. Her father's family were from Burgos. Maybe she could start searching her roots one of these days."
"I'm speechless," Solita said smiling. "Ganoon pa man, welcome to this town, Mavis."
"Thank you," she said softly, sinulyapan saglit si Rolf na sa wari niya ay nag-aapoy ang mga titig sa kanya. Titig lang nito pero nag-iinit na ang pakiramdam niya. "Maiiwan ko na muna kayo." Lumakad na siya patungo sa hagdan papanhik sa silid niya.
BINABASA MO ANG
Mystic (COMPLETED) (Published by PHR)
RomanceMavis met an accident on her way to Bangui, a town in Ilocos Norte. Ang nakapagtataka ay wala siyang maalala sa mismong aksidente, bago man o pagkatapos niyon. Subalit ang isip niya ay okupado ng mga pangitain na hindi kanya--ng isang babaeng nagdad...