Natanaw ni Mavis ang pagpasok ng sasakyan ni Rolf sa gate. Agad ang pagsikdo ng dibdib niya. Pagkatapos nilang mag-almusal kaninang umaga ay umalis ito. Maghapong nawala at pinanabikan na niya ang muli nitong pagbabalik. She didn't normally fall for strangers. At nahihiya siya sa sarili sa pagkakaroon ng ganoong uri ng damdamin sa isang lalaking noong isang gabi lang niya nakilala.
Sana man lang ay kasing-edad na ito ng Daddy Armando niya at hindi ganoon kalakas ang atraksiyon; if only he hadn't turned those dark eyes at her that made her feel that puzzling sensation come over her.
Nang muli niyang titigan ang papasok na sasakyan ay sa wari nag-iba ang modelo niyon sa mismong paningin niya. Nahalinhan ang magarang titanium pickup truck ng isang lumang modelong kotse. Hindi ito papasok sa driveway kundi tumatakbo sa isang aspaltadong kalsada sa pagitan ng mga bundok. Ang daan patungong Capistrano. She knew that now.
Nagsimula siyang gitian ng pawis. Her breathings were uneven. Sinisikap niyang huwag pumaimbulog sa pangitain. Humigpit ang pagkakahawak niya sa pasimano ng barandilya.
IPINASOK ni Rolf ang sasakyan sa garahe. He had to see his mother in Capistrano. Para makatiyak na iniinom nito ang mga bitaminang inireseta ng doktor at na hindi ito magtutungo sa farm at nagtatrabaho. Siya na rin ang nag-asikaso at humarap sa ilang namamakyaw.
Namatay ang Papang Amador niya anim na buwan pagkatapos silang magpakasal ni Bettina. Natagpuan itong nakahandusay sa loob ng banyo. Nabagok ang ulo nito sa baldosa. Ayon sa mga doktor ay maaaring inatake sa puso ang papang niya at nahilo. Magmula noon ay naging malulungkutin na ang mamang niya. Kaya naman hanggang maaari ay naaasikaso niya ang ina.
Alas-otso na ng gabi nang umalis siya sa Capistrano kanina. He was tired. Bukas ay ang mga tauhan naman sa asyenda ang kakausapin niya. Hindi niya matiyak kung hanggang saan niya kakayaning mangasiwa ng dalawang negosyong parehong nangangailangan ng kanyang lakas at isip at halos isang oras ang biyahe ang layo sa bawat lugar.
He wasn't complaining. Ang mga negosyo ay nagdadala sa kanila ng pananalaping ilang dobleng higit sa kanilang pangangailangan. Ang hindi niya gusto ay ang pakaunti nang pakaunting panahong nagugugol niya sa anak. Benjo had aired his complaints already. Kay Anna at sa mamang niya. Wala na nga raw itong mommy ay hindi pa laging kasama ang daddy.
Ilang beses na siya nitong niyayang magtungo naman daw sila sa Maynila. Na ipasyal naman daw niya ito sa Enchanted Kingdom. Nangangahulugan iyon ng pananatili sa Maynila nang dalawa hanggang tatlong araw. A smile tugged at his lips as he thought of his son. Benjo nearly survived that fatal day. Ayon sa mga doktor, kung nahuli lang siya nang ilang minuto sa pagdating sa ospital ay malamang na namatay ang bata kasama ng ina nito.
Ang kawalan ng panahon ay ang isa sa mga dahilan kung bakit napagpasyahan ni Rolf na ipagbili na lang sa kahati ang minana ni Benjo. Totoong may mga manggagawa siya at nangangasiwa pero mahirap magmantini ng dalawang tahanan. Matanda na ang mamang niya at hindi niya gustong patuloy pa rin itong magtrabaho sa tabakuhan at vegetable farm.
Subalit noong Sabado ng tanghali ay hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit bigla siyang nag-atubiling ipaalam kay Mavis na nais niyang ipagbili rito ang parte ni Benjo. Dapat ay iyon ang ginawa niya lalo at isinatinig na nito ang pagkasuklam sa lugar nila nang pauwi na sila mula sa Capistrano. At ang Bangui ay nakalamang lamang nang bahagya. She wouldn't want to stay in Bangui either.
Hindi niya maunawaan kung bakit sa kabila ng lahat ay hindi niya gustong maputol ang pagkikilala nila ng dalaga. At kung ipagbibili niya rito ang kalahati ng mana ni Benjo ay wala nang dahilan para magkita sila. Or she could go back to the States before he knew it. Or maybe Mavis wanted him to buy her share of the inheritance.
BINABASA MO ANG
Mystic (COMPLETED) (Published by PHR)
RomanceMavis met an accident on her way to Bangui, a town in Ilocos Norte. Ang nakapagtataka ay wala siyang maalala sa mismong aksidente, bago man o pagkatapos niyon. Subalit ang isip niya ay okupado ng mga pangitain na hindi kanya--ng isang babaeng nagdad...