Twenty - three

19.8K 555 5
                                    


"SANA'Y ingatan mo iyang bata. Sobrang likot niyang si Benjo," pahabol ni Anna na talaga naman sanang hindi ipapasama kay Mavis ang bata subalit nag-iiyak ito.

"Huwag kang mag-alala, Anna. Sa grocery lang naman kami pupunta."

"At saka sa McDo," giit ni Benjo.

She smiled at him. "At sa McDo." Isinakay na niya si Benjo sa likod at kinabitan ng seat belt.

"Bakit dito ako sa likod?" nakasimangot nitong tanong. "'Pag si Daddy, doon ako sa harap."

She pinched the boy's nose. "Si Daddy iyon. Behave, sweetheart."

Pasakay na siya sa driver's seat nang maulinigan pa niya ang pag-ring ng telepono sa loob ng bahay. Alanganing bumalik sa loob ng bahay si Anna. Pinaandar na niya ang four-wheel drive palabas ng garahe.

Una silang nagtungo sa McDonald's pagkarating nila sa Laoag. Agad tinungo ni Benjo ang palaruan at sabik na nakipaglaro sa mga naroroong kabataan. Hinayaan niyang maglaro nang mahigit sa kalahating oras ang bata bago niya niyayang kumain na.

"Sana talaga mommy kita," patuloy ni Benjo habang isinasawsaw sa gravy ang chicken nito.

"Dahil dinala kita rito sa fast food?" She was amused. She was hungry. Pero hindi niya makuhang mapangalahati man lang ang breaded chicken na in-order niya. She didn't like fast foods. And she wondered why children always did.

"'Di lang iyon. Wala akong mommy, eh."

"Para mo na rin namang mommy si Tita Anna, ah." She hated to say that. She was fishing. At gusto niyang mainis sa sarili. Pero aminin man niya o hindi ay may bahagi ng dibdib niya ang nakadarama ng pagseselos kay Anna.

Ngumuso ang bata. Kinuha ni Mavis ang paper napkin at pinahiran ang gravy sa bibig nito.

"Tita Anna's not always around." He attacked his chocolate flavored sundae with gusto. At bago pa niya matanong kung ano ang ibig nitong sabihin ay nagsalita na uli ito. "Sana, Tita Mavis, lagi tayo rito sa McDo."

"Oh, well, if it's okay with your dad. Maybe once a week."

"Promise?"

"Promise. Ubusin mo na ang pagkain mo at pupunta pa tayo sa grocery."

"Ubos—" Hindi nito natapos ang sasabihin. Kumislap ang ang mga mata ni Benjo na napatingin sa likuran niya. "It's Teacher Solita and Tito Val."

Napalingon si Mavis. Hustong natuon din sa dako nila ang mga mata ni Solita. Napangiti ito. Sa tabi nito ay isang lalaking marahil ay setenta na ang edad at may gamit na aluminum walker.

"Benjo... Mavis!" Kumaway sa dako nila si Solita. Lumakad ito patungo sa kanila kasunod ang kasama na halos hindi maiangat ang aluminum walker. "Glad to find you here."

"Hi, Solita." Sinulyapan niya ang matandang lalaki.

"Ang aking asawa nga pala, si Val. Dear, si Mavis. Siya ang kahati ni Benjo sa propiedad ng mga Andrade. Naaalala mo ba?"

Noon lang napansin ni Mavis na medyo tabingi ang mukha ng asawa nito. Must have suffered from stroke. "How are you, Sir?"

Isang ngiti na nahirapan pang gumuhit sa bibig nito ang itinugon ng lalaki. Nang bumaba sa silya niya si Benjo ay tumayo na rin si Mavis.

"We really have to go, Solita... Mr. de Gracia. Dadaan pa kami sa grocery ni Benjo."

"Of course. Natutuwa ako at naipasyal mo ang bata." She tsked. A frown on her forehead. "Hindi nagagawa ni Anna ang bagay na iyan. Kailangan ng bata na paminsan-minsang ipinapasyal."

"Bye, Teacher Solita. Bye, Tito Val."

"Bye, Benjo. I'll see you the day after tomorrow."

Mystic (COMPLETED) (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon