Thirty

24.4K 604 22
                                    


"No, Rolf. I know you didn't kill your wife."

May bahagi ng puso ni Rolf ang lubusang natuwa sa sinabi ni Mavis. Gayunma'y nagtataka siya sa katiyakan ng tono nito. "Paano mo nasabi iyan nang walang alinlangan? Hindi mo ako lubusang kilala, Mavis..."

Umiwas ito ng tingin. Napuno ng kawalang katiyakan ang mukha. "Siguro ay sapat para ipagkaloob ko sa iyo ang aking sarili," she told him calmly.

His jaw clenched. "Iyan ba ang dahilan?" he snapped. "I fucked Donna, too!" He saw her wince at his vulgarity but he was angry all of a sudden. Maybe because he desperately needed assurance from her that she believed in him. Not because they had wild sex together.

"O gusto mo lang bigyan ng justification ang ginawa mong pagkakaloob ng sarili mo sa akin?" Huli na para bawiin niya ang sinabi. Hurt and embarrassment crossed her eyes. Tumayo ito at tahimik na inabot ang basang damit na nakasampay sa bintana at nagsimulang magbihis.

He felt like a complete jerk. "Damn it, Mavis! Sagutin mo ako. Bakit ganyan na lang ang katiyakan sa tono mo na hindi ako ang pumatay sa asawa ko? Ang mga taong kilala ako mula pagkabata ay nag-alinlangan. Marami ang naniwala. Lalo at heto, ang tingin nila ay nagpapakasasa ako sa milyones na ipinamana kay Bettina. Para sa maraming tao sa bayang ito at sa Capistrano ay isa akong mamamatay-tao!"

She looked at him and must have seen the anguish in his face because her voice gentled. "Donna didn't trust you. But I do, Rolf. I know you didn't kill your wife."

"Knowing and believing are two different things, Mavis," he said. "Believing is almost synonymous to trusting. But knowing? It must have proof. At ipinahihiwatig mo iyan."

"Nagkamali lang ako ng gamit ng salita..." She avoided his eyes. Itinali nito ang sintas ng pantalon.

"Hindi ka magkakamali ng paggamit ng salita, Mavis." Bumaba ang tono niya at humakbang palapit dito at kinabig ito sa dibdib. "Pero ano man iyon ay gusto kong paraanin pansamantala," he said, his breath stirring the hairs on top of her head.

Nararamdaman ni Rolf na may inililihim ito sa kanya. Wala siya kahit na kapirasong hinala kung ano. Pero nakikita niya ang lambong na iyon sa mga mata ni Mavis sa maraming pagkakataon.

Kanina, nang pumanhik ito sa kubo ay nakita niya sa anyo nito ang kakaibang takot. Takot na nakita na niyang minsan sa mukha ni Bettina. Bagaman iglap iyong nawala nang magsimula siyang mag-usisa kung ano ang nangyari dito. His strong desire to make her his overrode his curiosity. And the thought that her fall from the horse must have shaken her.

Ngayon lang niya natanto na ang isang sanay nang mangabayong tulad ni Mavis ay hindi matatakot nang ganoon dahil lang naihulog ng kabayo lalo at hindi naman talaga nasaktan.

"Mahina na ang ulan," aniya at inakay ito palabas ng tree house. "Tayo nang umuwi at baka nakabalik na rin sina Anna at Benjo."

Tulad ng inaasahan ay nakabalik na sa malaking bahay si Juno. Mapang-uring tingin ang isinalubong ni Anna kay Mavis. She tried to ignore her as much as possible. Mavis spent the whole afternoon with Benjo.

NANG gabing iyon ay naalimpungatan si Mavis nang maramdamang may ibang tao sa silid niya. Sa mismong kama niya. She would have screamed had Rolf's mouth not covered hers and kissed her hard. The familiar scent calmed her. At sa isang iglap ay nahalinhan iyon ng paggapang ng sensasyon sa katawan niya.

Itinaas nito ang pantulog niya sa ibabaw ng dibdib niya. He took one nipple in his mouth and suckled it as if it were berry. Mavis moaned deliciously. Mula pa sa hapunan ay nakapagitan na sa kanila ang sexual tension. At wala na rin silang pakialam kung napupuna man ni Anna ang kakaibang tinging ipinupukol ni Rolf sa kanya. Somehow, inaasahan na niya ito sa silid niya. Ang nangyari sa tree house ang umokupa sa buong isip at pagkatao niya kaninang nahiga siya. She could still feel him inside of her. And she wanted him to make love to her again.

Mystic (COMPLETED) (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon