Seven

23.4K 616 8
                                    


IBINALIK ni Mavis ang isip sa kasalukuyan. Dahan-dahan ang pagmamaneho niya habang isa-isang sinuyod ng tingin ang main road para sa numero ng building na nasa calling card.

Nang bigla siyang magmenor nang masulyapan ang isang pamilyar na building. Northern Doctors Hospital. She couldn't understand why it had to be familiar. Na para bang nakikita niyang palagi ang gusaling iyon. Alam niyang iyon ang pangalan ng ospital na pinagdalhan sa kanila ng stepfather niya noong maaksidente sila. Subalit wala siyang malay nang idating doon.

Ang mga kamay niyang nakahawak sa manibela ay biglang nanginig at kailangan niyang ihinto ang sasakyan sa gilid ng pader malapit sa mismong gate ng ospital. At tulad sa isang sine ay nagsimulang gumitaw sa isip niya ang pamilyar na pangyayari.

Ang driver ng pickup truck ay halos suruin ang gate ng ospital. Naririnig niya ang ingit ng gulong nito. Pagkatapos ay marahas na nagpreno at sa kung paano na lang ipinarada ang sasakyan sa harap ng ER.

Pagkatapos ay diniinan nito ang busina nang malakas at sunod-sunod. Sapat upang sumungaw ang isang nurse at hospital attendant mula sa ER.

Nakita ni Mavis ang sindak sa mukha ng lalaki nang lumabas ito ng sasakyan at umikot sa passenger side. Halos matanggal ang pinto mula sa mga hinges nito sa marahas nitong pagbukas niyon. May kinuha itong babae mula roon.

The woman's chest was bleeding.

And she was very much pregnant!

Itinakbo ng lalaki ang babae papasok sa ospital. Mavis saw something swing from the man's neck. It looked like a necklace. Yes. In her vision, the necklace looked very familiar.

Sinalubong ito ng isang stretcher at tinulungan ng isang attendant na isakay roon ang babaeng duguan. "Ano ang nangyari?" asked one of the hospital personnel.

"My wife was shot! Oh, god... oh, god..."

BUSINA ng nagdaang sasakyan ang nagpagitla kay Mavis. Napasinghap siya nang malakas. Ang mga kamay niyang sa wari'y tinakasan ng dugo ay mariing nakahawak sa steering wheel. Nanlalaki ang mga mata niyang nakatitig sa hospital building na nasa harap niya.

Muli, pagkatapos ng pangitain ay nasa dibdib niya ang kamay at nakadaklot doon. Umaasang makakakita siya ng dugong umaagos mula sa dibdib na para bang siya mismo ang babaeng dinala sa ospital at sugatan.

She was breathing hard. She placed her forehead against the steering wheel and sobbed softly. May ilang sandaling nanatili siya sa ganoong ayos hanggang sa muling makarinig ng malakas na busina ng sasakyan. Mabilis siyang nag-angat ng paningin. Isa iyong pampasaherong jeep na gumilid at pumara sa mismong unahan niya at nagbaba ng pasahero.

Kumuha siya ng tissue mula sa kahon ng Kleenex na nasa katabing upuan at pinunasan ang mga mata. Sinulyapan niya ang ER at kinakabahang muling makakita ng mga pangitain. Subalit tahimik ang labas ng building. Ang bumaba mula sa jeep ay pumasok sa gate at lumakad patungo sa main building.

Natanto ni Mavis na ang mga pangitain ay palinaw nang palinaw kung ihahambing sa nakalipas na mga taon. Kung noon ay nararamdaman niyang siya ang babaeng binubuhat ng lalaki, sa wari ay hindi ganoon kanina. It was as if she was only an spectator. Pinagmamasdan ang isang nakasisindak na pangyayari. Higit kailanman, ngayon siya nakatitiyak na sa pagbabalik niyang iyon ay malulutas niya ang hiwagang nangyayari sa kanya.

Mystic (COMPLETED) (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon