Chapter 1

96.5K 2.9K 919
                                    

CHAPTER 1

"NASAAN na naman ang lalaking 'yon?" Inis na tanong ko sarili at sumimangot.

Isang buwan na akong private nurse ni Sir Ryder at ang mokong ay talagang pinapahirapan ako ng husto. Palagi akong sinisinghalan. Palagi akong inaaway at sinisigawan na akala mo naman may menstruation araw-araw.

Dinaig pa ako sa kasungitan. Hindi rin pumapalya sa pagpapalayas sa'kin araw-araw. At ang malala, kapag alam nitong malapit na ang oras ng pag-inom nito ng gamot ay nawawala ito.

"Nasa kuwadra po siya, Miss Destinee. Kasama niya ang asawa ko. Kanina pa siya nagpahatid doon." Magalang na sabi ng mayordoma sa akin. Narinig siguro ang tanong ko.

Napabuntong-hininga ako.

"He's there again." Komento ko.

Sa isang buwan ko dito ay napapansin kong doon siya namamalagi.

Tumango ang mayordoma.

"Palagi niyang pinupuntahan ang paborito niyang kabayo doon. Regalo kasi iyon ng asawa niya noong magkasintahan pa lang sila." Paliwanag nito.

Tumango ako. Kaya naman pala palaging naroroon. Inaalala pala ang asawa.

"Puntahan ko po, ha? Kailangan na kasi niyang inumin ang gamot niya." Sabi ko.

"Gusto mo bang ihatid kita? Hindi ka pa yata nakakapunta do'n." Alok nito.

"Ayos lang po. Medyo malayo ang kwadra mula dito pero hindi naman po siguro ako maliligaw." Nakangiting sabi ko at magalang na nagpaalam.

Naglakad ako patungo sa likod ng mansyon. Medyo maglalakad pa ako ng malayo. Napatingala ako sa kalangitan. Magdidilim na pero mas lalo yatang dumilim dahil makulimlim ang panahon.

Napabuntong-hininga ako at nag-umpisang maglakad. Nang makarating sa kwadra ay naaliw pa ako dahil maraming kabayo doon. Pinaghalong brown, itim at puti ang kulay ng mga kabayo. Gusto ko silang lapitan kaso baka magwala at mapahamak pa ako.

Malinis din ang kwadra. Hindi gaanong nangangamoy. Mukhang alagang-alaga din ng mga tauhan.

Hinanap ng mga mata ko si Ryder. Nakita ko ito sa pinakadulo. Nasa harap ito ng malaki at kulay itim na kabayo. Hinihimas-himas nito ang ulo ng kabayo at kinakausap.

"Ma'am Destinee, ano pong ginagawa niyo dito?" Napalingon ako sa nagsalita.

Nginitian ko nang makilala ang asawa ng mayordoma sa mansyon.

"Kailangan ko pong painumin ng gamot ang amo natin." Tugon ko.

Ngumiti ito.

"Kanina ko pa nga pinipilit na umuwi kasi inaalala ko din 'yong gamot niya atsaka mukhang uulan." Napakamot ito sa ulo.

"Ako na pong bahala dito, Manong Glenn. Balik ka na po sa mansyon. Ako na ang mag aassist kay Sir Ryder pabalik sa mansyon." Sabi ko at ngumiti.

"Sigurado ka, hija? Magtatalo na naman kayong dalawa sigurado." Natatawang sambit nito.

Natawa na rin ako. Saksi kasi ang mga ito sa isang buwan na sinasagot-sagot ko ang amo ng mga ito.

"Ang sungit-sungit kasi, Mang Glenn. Sarap turukan." Pairap na sambit ko.

"Hija, mag-iingat ka baka ikaw ang maturukan." Pilyong usal nito.

"Whatever, Mang Glenn. Sige na, balik ka na sa mansyon. Ako na ang bahala kay Sir Ryder." Pagtataboy ko dito.

Natatawang tumango ito at umalis na. Humakbang ako papalapit kay Ryder.

"What are you doing here?" Hindi pa man ako tuluyang nakalapit dito ay nagtanong na ito habang nakatalikod ito sa akin.

Phoenix Series #8: My Cold Heart(COMPLETED)Where stories live. Discover now