CHAPTER 9
NAPAPANSIN KONG napapalayo na kami. Ramdam ko pa rin ang hininga ni Ryder sa batok ko.
"A-Alam mo ba ang pinupuntahan natin? Baka maligaw tayo. Hindi ko saulado ang lugar na 'to." Sabi ko at nagpalinga-linga.
Napatingin ako sa harap at napanganga ako nang makakita ng puno ng grapes. Napakagandang tignan dahil punong-puno ang mga iyon ng bunga.
Sa gilid ay may nakita akong maliit na kubo.
"Wow." Namamanghang bulalas ko.
Biglang nanigas ang katawan ko nang pinatong ni Ryder ang baba nito sa balikat ko.
"Nagustuhan mo ba?" Mahinang tanong nito.
Napalunok ako.
"Ah, y-yes. Ang ganda. Ang daming grapes." Sambit ko.
"I'm glad you like it. Thankfully, alam ko pa ang direksyon papunta dito." Anito at gumapang ang mga kamay nito payakap sa tiyan ko.
"R-Ryder-"
"You smell good." Anito at napabuntong-hininga.
"I have something to confess." He said as he hug me from behind.
"A-Ano 'yon?" Mahinang tanong ko.
"Hindi ako nakakatulog ng maayos sa gabi dahil sa'yo." Halos pabulong na sambit nito.
"B-Bakit naman?" Tanong ko, kabado.
Humigpit ang pagkakayakap nito sa akin mula sa likod.
"I don't know. It's just that..." Malalim itong napabuntong-hininga. "You smell like my wife, Destinee. And your voice... Y-You sound like her. Hindi ko pinansin noong una pero... h-habang tumatagal, nagiging kaboses mo siya. And the taste of your lips, I feel like I've tasted it for how many times before." Nahihirapang sambit nito.
Natigilan ako at kapagkuwan ay mapait na ngumiti. I just confessed to myself that I fell in love with this man but here he is, talking about his wife and I can hear the vulnerability in his voice. He misses her a lot, I can see it.
"I'm not your wife, Ryder." Mariing usal ko, hindi pinahalata ang iritasyon at selos sa boses ko.
Shit! Nagseselos ako sa patay!
"I know. I know that, Destinee." Anito at ako naman ay napabuntong-hininga.
Inalis ko ang mga kamay nito sa akin.
"Namimiss mo lang siya kaya ka ganyan. Don't use me just to please yourself. Magkaiba kami at hindi ko na kasalanan kung magkaboses o magkaamoy kami ng asawa mo. Don't you ever use me, Ryder. Ayokong ginagamit ako." Sinasaktan mo ako, punyeta kang bulag ka.
"I know and I'm sorry. And I just want you to know na wala akong balak na gamitin ka. Sinasabi ko lang ang nasa loob ko. Sinasabi ko lang ang totoo. Alam ko naman na hindi ko na maibabalik ang asawa ko." Seryosong sambit nito, bumalik ang kasungitan.
Hindi na ako umimik pa hanggang sa bumaba ito mula sa kabayo. Inilahad nito ang kamay sa akin para alalayan akong makababa.
Napabuntong-hininga ako at inabot ko ang kamay nito. Tinulungan ako nitong makababa mula sa kabayo. Hinawakan ako nito sa beywang para tuluyan ako nitong maibaba.
Nang makaapak ang mga paa ko sa lupa ay hindi kaagad ako nito binitawan. Nakita kong bumaba ang tingin nito sa ibabang labi ko. Tumiim ang bagang nito na para bang may nakita itong hindi kaaya-aya doon.
Did he saw my wound on my lips? Uh, I almost forgot, he can't see me anyway. Paranoid lang talaga ako dahil may napansin na naman akong emosyon sa mga mata nito na kaagad din namang nagiging blangko kapag tinitignan ko.
"Masakit ba?" Tanong nito.
"H-Ha?"
Binitawan ako nito at namulsa.
"I bit your lower lip last night. Baka nasugatan kita." Anito.
Napangiwi ako.
"Hindi. Wala namang sugat." Pagsisinungaling ko.
Sumeryoso ang mukha nito at muling tumiim ang bagang nito.
Hindi ko ito pinansin at nilampasan ko ito. Patakbo kong tinungo ang mga puno ng grapes at aliw na aliw kong pinagmasdan ang mga bunga.
Abot kamay ko lang ang mga iyon at parang kaysarap pitasin.
"Pwede mong tikman." Napapitlag ako nang may nagsalita mula sa likod ko.
Ni hindi ko man lang naramdaman na nakalapit na pala si Ryder sa akin.
"Pwede? Safe bang kainin?" Tanong ko.
"Of course it's safe." Tugon nito.
Napangiwi ako.
"Baka sumakit ang tiyan ko. May chemical 'yan, di' ba? Huwag na lang." Sabi ko at napanguso.
Parang ang sarap-sarap pa namang kainin ng grapes kaya nanghihinayang ako.
Nilampasan ako nito at kumuha ng isang pirasong grapes. Humarap ito sa akin at inabot ang kinuha nito.
Umiling ako kahit hindi ako nito nakikita.
"No thanks. Magpitas na lang tayo at dalhin natin sa-" Natigilan ako nang kinagat nito ang grapes na hawak.
At sa pagkabigla ko ay kinabig ako nito sa beywang at siniil ako ng halik sa labi. Nanlaki ang mga mata ko at akmang itutulak ko ito nang mas lalo ako nitong hinapit sa beywang at naramdaman ko ang pagtulak ng dila nito sa grapes sa loob ng bibig ko.
Natikman ko ang lasa niyon.
Bahagyang lumayo si Ryder sa akin.
"Masarap?" Mahinang tanong nito.
"M-Masarap." Tugon ko.
"Ang alin?"
"H-Ha?"
"Alin ang masarap? The grapes or my lips?"
Napakurap ako sa tanong nito.
"H-Ha? Ah... AAno... M-Mas masarap ang..." I couldn't finish what I want to say.
"Let me help you decide, then." He said and claimed my lips again.
His kiss is different from last night. He is gentle this time. Puno iyon ng pagsuyo na tila ingat-ingat ito at ninanamnam ang halik. Wala sa sariling tinugon ko ang halik nito na parang awtomatiko ko ng tinutugon iyon noon pa man.
Umikot ang kamay nito sa likod ko at mas lalong pinalalim ang halik. We kissed like we are both thirsty for this. Parang pareho kaming sabik na sabik sa isa't-isa. Parang matagal na naming ginagawa ang bagay na ito. It feels natural. So natural.
Nang pareho kaming naubusan ng hangin ay sabay ding naghiwalay ang mga labi namin. Napahawak ako sa dibdib ko at napatingin kay Ryder.
Nakapikit ito na tila ninanamnam ang kakatapos na halik. At nang magmulat ito ng mga mata ay dumaang emosyon doon na kaagad ding nawala at naging blangko.
"Tangina." Malutong itong napamura at muli akong siniil ng halik sa mga labi.
Awtomatiko ko iyong tinugon at nagpaubaya nang buhatin ako nito at naglakad ito patungo sa maliit na kubo habang hindi naghihiwalay ang mga labi namin.
To be continued...
YOU ARE READING
Phoenix Series #8: My Cold Heart(COMPLETED)
RomanceMATURED CONTENT(R-18) Phoenix Series#8: Ryder Cole "You're my light. You pulled me up and let me get out from the dark. You bring back the old me. And if I let you go, I might not be able to see the light again. If I loose you, it will be my greates...