Chapter 8

83.3K 2.5K 554
                                    

CHAPTER 8

NAKAILANG GULONG na ako sa higaan ko pero hindi pa rin ako makatulog. Hindi ko makalimutan ang ngiti ni Ryder kanina at hindi ko alam kung bakit apektadong-apektado ako sa ngiting iyon.

"Anak ka ng nanay mong Ryder ka. Bakit kasi ngumiti ka?" Inis na kausap ko sa sarili at napasabunot sa buhok.

Bumaba ako mula sa kama at nag-inat. Naisipan kong lumabas at tinungo ang swimming pool sa likod.

Napangiti ako nang makita ang tubig. Parang ang sarap lumusong doon. Tumingin ako sa paligid. Alas diyes na ng gabi at kapag ganitong oras ay tulog na tulog na ang mga kasamahan ko sa mansyon.

Sa tatlong buwang bakasyon ko ay nagpa-swimming lesson ako kaya medyo marunong na akong lumangoy, hindi nga lang ganoon ka-expert pero puwede na.

Paunti-unti ay tinanggal ko ang tali ng suot kong pantulog at bumagsak iyon sa semento. Tanging bra and undies ko na lang ang natitira. I want to swim, kahit sandali lang.

Hindi ako nakuntento at tinanggal ko ang suot kong bra. Bumagsak iyon sa semento kasama ang pantulog ko.

Bumaba ako sa pool at ibinabad ang sarili sa tubig. Nanginig ako sa lamig pero gustong-gusto ko ang lamig ng tubig na dumikit sa katawan ko.

Nagpabalik-balik akong lumangoy sa pool hanggang sa maramdaman ko na parang hindi ako nag-iisa.

Tumigil ako sa paglangoy at luminga sa paligid pero wala akong makita. Nabigla ako napasigaw nang may gumalaw mula sa likod ko. Lumingon ako pero may matigas na kamay na pumigil sa akin para hindi tuluyang lumingon at tinakpan nito ang bibig ko.

"Shut up kung ayaw mong magising ang mga kasama natin sa mansyon." Narinig ko ang baritonong boses na iyon.

Nanlaki ang mga mata ko.

"Ryder!" Bulalas ko.

Bakit ito nandito? Kanina pa ba ito nandito sa pool?

"To answer your question, yes. Kanina pa ako nandito. Binulabog mo lang ako." Sambit nito na tila nabasa ang iniisip ko.

Bigla kong tinakpan ang hubad na dibdib ko at ito naman ay tila napasong binitawan ako.

"Are you naked?" He asked.

Naikagat ko ang ibabang labi.

"I-I took off my bra. A-Akala ko ako lang mag-isa dito." Nauutal na sambit ko.

He sighed.

"Don't do it again, please. Paano kapag may ibang makakita sa'yo?" May iritasyon sa boses nito.

Kaagad akong tumango at natigilan. Bakit tinatago ko ang sarili ko dito? Nakalimutan kong hindi naman talaga ito nakakakita.

Pumihit ako paharap dito.

"Tangina." Malutong itong napamura sa pagharap ko na parang nabigla ito sa ginawa ko.

What's his problem?

"G-Go back to your room." Mariing utos nito.

"At bakit? Naliligo pa ako at-"

"Just fucking go back to your room!" Malakas ang boses na muling utos nito.

"Sandali nga! Bakit sinisigawan mo ako? Puwede mo naman akong pabalikin sa kuwarto ko ng hindi sumisigaw. Itong bulag na 'to ang sungit-sungit." Supladang sambit ko at inilubog ang sarili sa tubig.

"Hindi mo naman ako nakikita. Dito lang ako. Babantayan kita. Hindi ka nakakakita baka bigla kang malunod diyan." Sarkastikong sambit ko.

Marahas itong napabuntong-hininga at narinig ko ang mahihinang pagmumura nito.

Phoenix Series #8: My Cold Heart(COMPLETED)Where stories live. Discover now