Chapter 38

80.9K 2.1K 106
                                    

CHAPTER 38

NAPATITIG AKO sa lalaking nakaupo sa gilid ng swimming pool habang sumisimsim ito ng alak at nakatingala lang sa madilim na kalangitan.

Napabuntong-hininga ako at nag-aalangan akong lapitan ito. It's been two weeks since he brought me here in his mansion.

Alam kong naninibago ito. Alam kong hindi ito ang nakasanayan nito. At alam ko din na malaki ang adjustment ang ginagawa nito para sa'kin.

I lost my memory of him. Sa tingin ko ay napaka-unfair niyon sa part nito. Sa loob ng dalawang linggo, iniiwasan ko ito dahil hindi ko talaga alam kung ano ang iaakto ko sa mismong harapan nito. Palagay ko ay nangangapa ako at nahihirapan ako dahil wala ako ni anumang maalala.

Nakikita ko kung gaano kahaba ang pasensya nito para sa'kin. Minsan ay gustong-gusto ako nitong hawakan, nakikita ko iyon, pero napapaatras ako. It's because I really don't know how to act in front of him, dagdagan pa na ang lakas-lakas ng tibok ng puso ko kapag nasa malapit lang ito.

Katabi ko ito sa pagtulog at minsan ay nararamdaman ko itong niyayakap ako ng mahigpit mula sa likod at binubulong nito kung gaano ako nito kamahal.

Sobrang nakaka-unfair lang. Naaawa na ako sa asawa ko at kung puwede ko lang pilitin ang sarili kong maalala ang lahat ay ginawa ko na.

There's a flashes of memories but it's all blurred.  I am being unfair to Ryder.

Muli ay napabuntong-hininga ako at kusang humakbang ang mga paa ko patungo sa asawa ko.

"Ryder." Tawag ko sa pangalan nito.

Lumingon ito sa akin at nakita ko ang bakas ng pagkagulat sa guwapong mukha nito. And here I am again, my heart beats so fast just by looking at this handsome man in front of me.

Ganito ba talaga ako kahit noon pa man? Ganito kalaki ang epekto nito sa'kin?

"Hey." Anito at tumayo.

Bahagya itong nabuwal kaya mabilis ko itong inalalayan.

"Mukhang lasing ka na." Mahinang sambit ko.

He chuckled.

"I'm sorry. Medyo tipsy lang but I'm not drunk. Nakikilala pa nga kita. Ikaw ang aking pinakamamahal na asawa." He said and smiled at me.

Tinitigan ako nito sa mga mata.

"Why are you here? Akala ko natutulog ka na." Anito at bumaba ang tingin nito sa mga labi ko.

Sobrang lapit ng mukha nito sa akin, tumatama ang mainit at mabangong hininga nito sa mukha ko. Napalunok ako nang maramdaman na tila hinahalukay ang loob ng tiyan ko. Tila kayraming paru-paro sa loob niyon.

"I-I can't sleep. Wala ka sa tabi ko kaya hinanap kita." Mahinang tugon ko.

"I'm sorry, uminom lang ako ng konti." Anito at hinawakan ako sa kamay. "Let's go back to our room. Bawal magpuyat ang buntis." Anito at ngumiti.

Pero ang ngiti nito ay hindi umaabot sa mga mata nito. Tinitigan ko itong mabuti sa mga mata.

"N-Nahihirapan ka na ba?" Tanong ko.

Natigilan ito at kapagkuwan ay napabuntong-hininga.

"Hindi ako nahihirapan, Des. I-I just miss my wife. I miss you..." Napakamot ito sa sentido. "Ang lapit-lapit mo lang sa'kin pero pakiramdam ko ay napakalayo mo. I just miss how we used to be but I'm not tired. Alam kong nahihirapan ka din and I understand. I really understand." Naikagat ko ang ibabang labi.

Masyado akong masuwerte dahil asawa ko ang lalaking ito.

"I'm sorry." Iyon lamang ang mga katagang namuntawi mula sa bibig ko at dahan-dahan ay humilig ako sa malapad na dibdib nito. "I'm sorry dahil nagkaganito tayo. I'm really sorry." I said and I felt his arms wrappad around my waist.

Phoenix Series #8: My Cold Heart(COMPLETED)Where stories live. Discover now