Chapter 5

81.4K 2.8K 262
                                    

CHAPTER 5

"MGA WALANG SILBI!" Dumagundong ang boses ko at pigil na pigil ko ang galit.

"Bakit niyo hinayaang makalabas si Bolt sa kwadra? Alam niyong hindi maganda ang kondisyon niya ngayon! Hindi ko kayo binabayaran para lang maging pabaya!"

Dumating ang dalawa kong tauhan para ibalita na nakawala si Bolt, ang paborito kong kabayo, mula sa kwadra.

Narinig kong may humahangos na lumapit sa amin at nagsalita.

"S-Sir, nakabalik na po si Bolt sa kwadra pero 'yong ng nurse mo ay nawawala. Pinaghahanap na siya ngayon at-"

"What?" Kumunot ang noo ko at biglang hinaklit sa kuwelyo ang tauhan ko na kadarating lang.

"Ulitin mo ang sinabi mo." Mariing utos ko.

"Y-Yong nurse mo po, Sir. Kasama niya si Bolt kanina. Siya ang naglabas kay Bolt mula sa kwadra pero wala siya. H-Hindi namin siya makita at-"

"Why did you tell me this just now?!" Galit na sigaw ko.

"N-Ngayon lang po namin nalaman na si Ma'am Destinee ang naglabas kay Bolt, Sir. Hinahanap na po siya ng iba." Tugon nito.

Fuck!

"Call the others! Hanapin niyo si Destinee!" Mariing utos ko at kaagad akong binalot ng pag-aalala.

"Manang Flor." Tawag ko sa mayordoma.

"S-Sir?"

"Ilang oras ng nawawala si Destinee?" Pilit kong maging mahinahon.

"A-Apat na oras na po, Sir." Tugon nito.

Tangina! Ganoon katagal?

"Apat na oras at ngayon niyo lang sinabi?" Napasabunot ako sa sariling buhok.

"A-Akala ko po kasi ay nasa kuwarto lang niya siya. S-sorry po, Sir." Nanginginig ang boses nito.

Mahina akong napamura. Apat na oras. Malakas ang ulan sa labas at ang apat na oras nawawala ito ay nakakabahala!

"Manong Glenn, call the chief of police. Tell him to send his 20 men here to search for Destinee. Make it faster!" Mariing utos ko.

"Masusunod po, Sir Ryder." Tugon nito at ilang minuto lang ay dumating na ang mga kapulisan at hindi na nag-aksaya ng panahon.

Wala akong pakialam kahit madami akong naaabala ngayon. Hindi ako mapakali at hindi ako matatahimik hangga't hindi nahahanap ang dalaga!

"Tutulong din ako sa paghahanap." Paalam ni Lorenzo sa akin.

"Ako din." Narinig kong sambit ni Gardo.

"Sasama na ako sa inyo." Si Manong Glenn ang huling nagsalita.

Puno ng frustrasyon na napasabunot ako sa sarili kong buhok.

"Wala pa rin bang balita, Manang Flor?" Kinakabahang tanong ko.

"Wala pa po, Sir." Tugon ng mayordoma.

Pabalik-balik akong naglalakad. Hindi talaga ako mapakali! I even shouted at her earlier at aaminin ko na nakonsensya ako sa ginawa ko.

Ilang oras pa ang lumipas pero wala pa ring balita. Fuck! Bakit ang tagal?!

Ngayon ko pinagsisisihan na hindi ako nakakakita. Pakiramdam ko ay wala akong silbi. Kung sanang hindi lang ako bulag ay ako na mismo ang maghahanap sa dalaga. I never felt so useless like this before!

Gusto kong ako mismo ang maghahanap dito pero wala akong magawa.

"Fuck. Fuck. Fuck." Paulit-ulit akong nagmumura. Parang mababaliw ako na hindi ko maintindihan.

Hindi ko alam kung bakit ganito na lang ako mag-alala para sa dalaga. Ganitong-ganito ako sa asawa ko noon at hindi ko akalain na mararamdaman ko ito ulit sa ibang babae.

"Sir, saan ka pupunta?" Pinigilan ako sa braso ni Manang Flor nang makitang papalabas ako.

"Tutulong ako sa paghahanap, Manang. Hindi pwedeng tumayo lang ako dito at maghintay." Puno ng frustrasyong sambit ko.

"Sir Ryder, malakas ang ulan sa labas. Hayaan mo na ang mga tauhan mo at ang pulisya na maghanap kay Destinee. At hindi ka nakakakita, Sir. Baka kung mapaano ka lang." Pigil nito sa akin.

Marahas akong napabuntong-hininga. Fuck this! Sising-sisi ako na hindi ako nakakakita!

Naalarma ako nang marinig ang kaguluhan mula sa labas.

"Diyos ko po!" Narinig kong bulalas ni Manang Flor.

"Anong nangyayari, Manang Flor?" Tanong ko.

"Dala na nila si Destinee, Sir. Diyos kong bata, ang putla-putla."

"Call our doctor, please. Tell her to make it faster, Manang." Kaagad na utos ko.

"Sir Ryder." Narinig ko si Manong Glenn.

"How is she?" Kinakabahang tanong ko.

"Basang-basa sa ulan, Sir. Mahina ang pulso niya at mataas ang lagnat." Tugon nito.

"Dalhin niyo siya sa kuwarto ko, please." Sambit ko.

"Sige, Sir." Narinig kong may inutusan si Manong Glenn.

"Parating na ang doctor, Sir Ryder." Narinig kong sabi ni Manang Flor.

"Asikasuhin mo si Destinee, Manang. Bihisan mo, please. Ikaw na ang bahala." Parang nanghihinang utos ko. Kinakain ako ng matinding pag-aalala.

"Sige, Sir. Bibihisan ko na po." Kaagad na tugon ni Manang Flor.

Ilang sandali lang ay dumating na ang doktor. Nakaupo ako sa couch na nasa loob ng kuwarto ko habang  naghihintay ng sasabihin ng doktor.

"Bababa din ang lagnat niya. Nilagyan ko siya ng dextrose dahil ang hina ng pulso niya. Mukhang tumama ang ulo niya sa matigas na bagay but she's fine, walang ibang damage. Just monitor her temperature, Mr. Cole." Paliwanang ng doktor. Sa sinabi nito ay medyo nakahinga ako ng maluwag.

Nagpasalamat ako dito bago ito umalis.

"Iiwan muna kita, Sir. Babalik din ako mamaya para asikasuhin si Destinee." Sambit ng mayordoma.

"Salamat, Manang." Mahinang tugon ko.

Narinig ko itong sinara ang pinto ng kuwarto ko. Lumapit ako sa dalaga at kinapa ko ang kamay nitong walang dextrose. Ramdam ko ang init ng katawan nito.

Wala sa sariling hinaplos ko ang pisngi nito at hinawakan ko ang malambot na labi nito.

Napakunot ang noo ko. Why I'm feeling this way? Sa paraan ng paghawak ko dito ay parang natural lang iyon. Pakiramdam ko ay matagal ko na itong ginagawa sa dalaga kahit alam kong hindi naman.

Hindi ko napigilan ang sarili at dumukwang ako. Mabilis kong nahanap ang labi nito at dinampian ko iyon ng halik. Even her soft lips felt familiar. Una kong naramdaman iyon nang unang beses na magtagpo ang labi namin.

Is that why I kissed her again in her room that time? Dahil hindi ako matahimik sa nararamdaman kong pamilyar na labi nito?

"Magpagaling ka, please. You made me worried. Fuck. I don't even know why I felt this way towards you. Anong ginawa mo sa'kin, Destinee Kim?" Mahinang sambit ko nang makalayo mula dito.

Napahilot ako sa sentido at hinugot ko ang cellphone mula sa bulsa ko. May pinindot ako at kaagad kong nilagay sa tenga ang cellphone ko.

"Dr. Liam Cole." Bungad ko nang sagutin nito ang tawag. "Can you set me a schedule for my operation?" Mahinang tanong ko.

"Fuck. Ryder Cole, totoo ba 'to?" Hindi makapaniwalang tanong nito mula sa kabilang linya.

"Yes, cous. It's true and I'm serious. I want to do it as soon as possible." Seryosong sambit ko at pinatay ang tawag.

Muli kong hinawakan sa kamay ang dalaga. Ayoko ng maulit ang kanina na parang wala akong silbi. Not gonna happen again.

I want to see this woman. I want to see her face and especially her smile. I want to see everything about her.

Fuck. Destinee Kim, what did you do to me?

To be continued...

Phoenix Series #8: My Cold Heart(COMPLETED)Where stories live. Discover now