CHAPTER 35
NANGHIHINANG NAPAUPO ako sa sahig habang nakikita si James at Rein na abala sa pag-aasikaso sa walang malay kong asawa.
Ni hindi ko siya kayang tignan dahil sa namumutlang mukha nito. Tangina, natatakot ako. Sobrang natatakot ako at gusto kong magwala dahil parang wala man lang akong magawa para sa asawa ko.
"Check her vitals signs." Narinig kong utos ni James.
"Her hearbeat is weak and as well as her baby." Rein said.
Tumayo ako nang makitang tinignan ako ni James ng may pangangamba.
"Prepare the operating room." James said and walk towards me.
"Phyton." Pilit kong pinatatag ang boses.
"We will operate on her and we have to get rid of the baby. I need your permission on this, Ryder." Seryosong-seryoso ang mukha nito.
Pinagpapawisan ako at bahagyang nanginginig. Destinee won't like it. She wants me to protect our baby but fuck, her life is at stake now!
"H-Hindi ko alam ang gagawin ko, Phyton. Ayaw ng asawa ko ng ganito. O-Our baby. Fuck." Napasabunot ako sa sariling buhok.
"Naiinditindihan ko, Ryder. Walang sinumang ina ang gustong mapahamak ang anak nila. Pero kailangan nating gawin 'to, bud." Napahilamos ako sa mukha at kapagkuwan ay tinignan si James.
"Can't you save them both? Please?" Pagmamakaawa ko.
"It's too risky, Ryder. Napag-usapan na natin 'to noon pa man. Hindi ko lang inaasahan na magdadalang-tao siya. I'm really sorry." Malungkot ang mga mata nito.
"S-Save her. Please, Phyton. Save them both. Save our baby. Save my wife. I don't want to lose her again. I don't want to lose them. I don't want to suffer again, James. Please." Mahigpit ko itong hinawakan sa braso.
I heard James sighed.
"You know that I'll do everything for all of you, Ryder. Pero hindi ako Diyos na kayang gawin ang lahat. Tao lang din ako at limitado lang ang mga kaya kong gawin. Nasasaktan ako kapag nakikita kong isa sa inyo ay nasasaktan din. I can't do all things, Ryder." Marahas itong napabuntong-hininga.
"Let's just pray to God, bud. He is our greatest weapon. Gagawin ko ang makakaya ko pero hindi ako nangangako. Kung sakaling maka-survive man si Destinee, there's a big possibility that she'll lost her memories, again. Lahat-lahat, Ryder. Including the first time that you two meet each other again. Lahat ng iyon ay mawawala sa alaala niya. So please, whatever the outcome, prepare yourself. Dalawang bagay lang ang puwedeng mangyari, it's either she'll survive or she'll die during the operation." Malungkot na ginulo nito ang buhok ko.
"K-Kung hindi niya ako maalala, I don't care. Basta't buhay siya, 'yon lang ang importante. Do everything that you can. Please, Phyton. I beg you." Hindi ko mapigilang umiyak sa harapan nito.
Nakakabakla ang umiyak pero tangina, asawa ko ang pinag-uusapan dito.
Napatingin ako sa pinto ng emergency room nang makita nilabas mula doon ang asawa ko. Nilapitan ko ito at hinaplos ko ang buhok nito.
"You'll gonna be okay. Come back to me babe, please? You promise. You promise that you'll never leave me again. You promise babe and I trust you. Hihintayin kita basta bumalik ka lang. Please, babe. Mahal na mahal kita, alam mo 'yan. Sobrang mahal na mahal kita." Tumulo ang mga luha ko sa mukha nito.
Dumukwang ako at hinalikan ko ito sa mga labi.
"Balikan mo ako, babe. Come back to me as my Chloe and Destinee. I beg you." I whispered.
YOU ARE READING
Phoenix Series #8: My Cold Heart(COMPLETED)
RomanceMATURED CONTENT(R-18) Phoenix Series#8: Ryder Cole "You're my light. You pulled me up and let me get out from the dark. You bring back the old me. And if I let you go, I might not be able to see the light again. If I loose you, it will be my greates...