Chapter 15

89.9K 2.7K 191
                                    

CHAPTER 15

MALAKAS akong napabuntong-hininga habang maingat na pinahiga si Destinee sa malapad kong kama.

After I kissed her ealier, she passed out. Sobrang lasing na lasing ito.

Pinagmasdan ko ang mukha nito at muli ay napabuntong-hininga ako. Sa tuwing nakikita ko ito parang nakikita ko si Chloe kay Destinee.

Sobrang magkamukha silang dalawa. Even her attitude sometimes, parang si Chloe talaga ito lalo na kapag nagsusungit. And even her smile and the way she move, nakikita ko lagi si Chloe dito.

And it frustrates me a lot. Hindi ko alam kung namimiss ko lang ba ang asawa ko kaya nakikita ko ito kay Destinee o dahil hindi ko lang makalimutan si Chloe.

Alam ko naman ni imposibleng bumalik si Chloe sa buhay ko. She's dead and I have to accept it.

Narinig ko ang mahinang pagdaing ni Destinee kaya hinaplos ko ang buhok nito. Isiniksik nito ang sarili sa akin na tila napagkamalan akong unan nito.

Patuloy kong hinaplos ang buhok nito.

"I'm sorry for shouting at you earlier." I murmured.

"I don't understand myself anymore, Des. I don't know anymore why I'm keeping you by my side. There's something in me that I want to make you pay for what you did but whenever I see you hurting... N-Nasasaktan din ako at hindi ko alam kung bakit. Naguguluhan ako." Mahinang sambit ko.

"Hindi lang isip ko ang naguguluhan. Pati puso ko." Bulong ko at muling napabuntong-hininga.

I don't know what to do anymore. Hindi ko na alam kung ano ang susundin ko. Ang tibok ng puso ko o ang hustisya para sa asawa ko. Sobrang naguguluhan ako.

Yes, I'm angry and I want to make her life miserable. Pero sa tuwing nagtatangka akong sirain ito, umuurong ako.

Gusto kong maniwala na wala itong kasalanan. Gusto kong patunayan na inosente ito. Should I dig more about that CCTV footage?

Pero natatakot ako na baka pakana nito ang lahat. Natatakot akong tanggapin iyon kaya kahit kaya kong mag-imbestiga pa ay hindi ko magawa.

Pero hindi ko mabibigyan ng katahimikan ang isip at puso ko kapag hindi ako nag-imbestiga pa ng mas malalim kung ano ang puno't dulo ng lahat.

Should I give her a chance? Should I trust her?

Tinitigan ko itong mabuti. Should I risk my heart for her? Paano kung siya nga talaga ang pumatay sa asawa ko? Kaya ko bang tanggapin?

Aaminin kong naapektuhan ako ng sobra nang mapanood ang footage. Hindi ako makapaniwala na magagawa nito iyon at hindi ko mahanap ang dahilan ng totoo nitong motibo.

Bumaba ang daliri ko sa malambot na daliri nito.

"Papatunayan kong inosente ka, Des. Whatever happens, I will accept it. J-Just don't leave by my side, please. Stay with me." Mahinang sambit ko.

Bakit nga ba hindi ko siya bigyan ng pagkakataon? Aminin ko man o sa hindi ay ito ang dahilan kung bakit nagdesisyon akong magpa-opera.

Si Destinee ang naging ilaw sa madilim kong mundo. Tinulungan ako nitong lumabas mula sa kadiliman nang wala itong kaide-ideya. Binigyan ako nito ng pag-asa at binalik nito ang dating ako. Nakakatawang isipin na ganoon nito kadaling ginulo ang mundo ko. Ginulo nito ang puso ko.

Panahon na siguro para kalimutan at tanggapin ko ang lahat. Anuman ang nangyari noon ay hindi na mababalik at hindi na magbabago.

Kailangan kong mag-umpisa ulit. At mag-uumpisa ako sa pamamagitan ng pagsunod sa sinisigaw ng puso ko.

Destinee Kim. What did you do to me?

Muli ay napabuntong-hininga ako. Pinagtabuyan ko ito kanina at aasahan ko na bukas na bukas din ay mahihirapan akong suyuin ito.

Nakonsensya ako at halos ipukpok ko ang sariling ulo sa pader kanina nang makita kong umiyak ito sa mismong harapan ko nang sinigawan at pinagtabuyan ko.

Hinayaan ko itong umalis kanina at nagpalipas ako ng oras para magpalamig. Ayokong pairalin ulit ang init ng ulo ko sa harapan ni Destinee. I have to cool down.

At nang maayos na ako ay tinawagan ko ito pero hindi ito sumasagot. Halos hindi ko na mabilang kung ilang beses ko itong tinawagan at nag-alala ako kaya hinanap ko ito.

I track her location and I found her inside that club. Kung puwede ko lang putulin ang kamay ng lalaki na nakahawak sa katawan ni Destinee ay ginawa ko na. I was so livid earlier at nadagdagan pa nang makitang balak nitong painumin ng droga ang dalaga.

I won't let anyone mess with her. Not Destinee.

"Des..." Bahagya ko itong ginising nang muli itong dumaing.

She's having a nightmare. Pawisan ang mukha nito kaya mahina ko itong niyugyog.

"Wake up, Des." Sambit ko.

Mas lalo nitong isiniksik ang sarili sa akin at natigilan ako nang makitang umiiyak ito.

Pinunasan ko ang mga luha nito.

"Wake up, please." I said and I leaned in to kiss her lips.

Dahan-dahan itong nagmulat ng mga mata. Bahagya akong lumayo at nakipagtitigan sa dalaga.

"R-Ryder... B-Babe..." She murmured.

Napakurap ako sa sinabi nito. What did she call me?

"Des-" Natigilan ako nang hinawakan nito ang kamay ko.

"It's nice to be with you again, babe. I miss you so much." Anito at muling pumikit.

Bumaba ang tingin ko sa sling bag nito nang mahulog mula doon ang isang bagay na ikinanlamig ko ng husto.

Bigla akong nangilabot at napamura sa sarili. Kinuha ko iyon at tinitigang mabuti.

Hinigpitan ko ang paghawak sa kamay ng dalaga. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Sobrang lakas.

"Sino ka ba talaga, Destinee?" Naguguluhang tanong ko sa sarili.

Dahan-dahan kong binitawan ang kamay nito at tinungo ko ang wooden table. Umupo ako sa swivel chair at binuksan ko ang laptop.

Tinignan ko si Destinee na mahimbing ng natutulog at muling itinuon ang mga mata sa laptop ko. Hindi ako nakuntento at inilabas ko ang cellphone.

Tinawagan ko ang nag-iisang tao na mas makakatulong sa akin. And I hope he'll answer my call. He's not in good condition right now but I need him.

"Ryder." Nakahinga ako ng maluwag nang sinagot nito ang tawag.

"Xander. I'm sorry for disturbing you but can you help me, please? I need you. Please." I was begging.

Ilang sandali itong hindi tumugon.

"Xander, please. Ikaw lang ang makakatulong sa'kin. This is very important. Please." Kulang na lang ay lumuhod ako kung nasa harapan ko lang ito.

Napabuntong-hininga ito mula sa kabilang linya.

"Tell me what you want me to do and I'll help you." He said and I close my eyes tightly.

Nang magmulat ako ng mga mata ay tumuon iyon sa babaeng nakahiga sa kama ko.

Mahigpit kong naikuyom ang kamao.

"Destinee Kim Mcintosh. I want you to dig her identity. H-Her real identity." I murmured.

Pinatay ko ang tawag at tinitigan ang singsing na hawak ko. Ang singsing na nahulog mula sa bag ni Destinee.

Napatiim-bagang ako at muling lumapit kay Destinee. Isinuot ko ang singsing sa daliri nito at ilang sandali lang ay tumulo ang mga luha ko.

Babe...

To be continued...

Phoenix Series #8: My Cold Heart(COMPLETED)Where stories live. Discover now