CHAPTER 16
NAGISING AKONG masakit na masakit ang ulo. Nagmulat ako ng mga mata at napahawak ako sa sariling ulo at napadaing.
Mariin akong pumikit at inalala ang mga nangyari kagabi. Halos wala na akong matandaan. Sobrang nalasing ako. Ang dami ko nga yata talagang nainom na alak.
Ang huling natatandaan ko ay ang mukha ni Ryder na nasa loob ng club.
Bigla akong napamulat ng mga mata.Tama ba ang natatandaan ko? Nandoon si Ryder sa club?
Muli akong napadaing at bumangon. Akmang bababa na ako sa kama nang matigilan. Napahawak pa ako sa dibdib ko dahil sa pagkagulat.
I saw Ryder sitting on the couch while looking at me. Seryoso itong nakatingin sa akin na tila anumang sandali ay papagalitan ako nito.
Salubong ang mga kilay nito at walang emosyon ang mga mata kaya napangiwi ako.
Will he scold me kasi naglasing ako? Pero wala na itong pakialam sa kung anuman ang ginawa ko. Pinagtabuyan ako nito, remember?
Tumayo ito mula sa couch at lumapit habang hindi inaalis ang tingin sa akin.
"N-Nandiyan ka pala." Alanganin akong napangiti at inikot ko ang paningin.
Nasa loob ako ng kuwarto nito.
"I-I should go." Mahinang sambit ko at bumaba sa kama.
Hindi ito kumibo nang makatayo ako pero hinawakan ako nito sa siko.
"Kumain ka muna bago ka umalis." Anito at walang kibong hinila ako.
Nagpatianod ako hanggang sa pinaupo ako nito sa harap ng maliit na dining table.
Napatingin ako sa harapan ko. Siya ba ang nagluto? Hindi ko napapansin si Manang Flor.
"Eat." Utos nito.
Napangiwi ako. Pakiramdam ko ay bibitayin ako pagkatapos nito.
"I-I can't eat. My head is-"
Inabot nito ang dalawang tableta ng gamot sa akin.
"That's for your headache. Take that." Seryosong usal nito.
Walang imik na tinanggap ko iyon at ininom.
"Pilitin mong kumain kahit konti lang." Anito at umupo sa bakanteng upuan na nasa harapan ko.
"Hindi ka kakain?" Tanong ko nang makitang tinitignan lang ako nito.
Umiling ito.
"I had coffee earlier." Tugon nito at inabot ang plato na nasa harapan ko at nilagyan nito iyon ng kanin at ulam.
Nilapag nito sa harapan ko ang plato nang matapos nitong lagyan ng pagkain.
"Ubusin mo 'yan." Anito.
Tumango ako at umusal ng pasasalamat. Nakakapagduda ang kabaitan nito ngayon.
"Are you gonna fire me?" Mahinang tanong ko.
Why did you ask? Sabi mo magre-resign ka pero bakit parang takot kang mawalan ng trabaho? O takot ka lang mahiwalay sa kanya, Destinee?
"Why would I?" Balik-tanong nito.
"K-Kasi pasaway ako at-"
"Just finish your foods and we'll discuss that later." He cut me off.
Walang imik na nag-umpisa akong kumain. Kahit naiilang ay pinilit kong umakto ng normal sa harapan nito.
Medyo naparami ang kain ko dahil masasarap ang ulam. Paborito ko ang lahat ng iyon lalo na kapag sa almusal.
Napatigil ako sa kalagitnaan ng pagsubo nang makitang titig na titig si Ryder sa akin. Kanina pa nito iyon ginagawa.
YOU ARE READING
Phoenix Series #8: My Cold Heart(COMPLETED)
RomanceMATURED CONTENT(R-18) Phoenix Series#8: Ryder Cole "You're my light. You pulled me up and let me get out from the dark. You bring back the old me. And if I let you go, I might not be able to see the light again. If I loose you, it will be my greates...