CHAPTER 18
"CHLOE MADRIGAL." Natigil ako sa paglalakad nang marinig ang pangalan ko.
Lumingon ako at nakita ko ang lalaking humarang sa akin noong nakaraang araw.
"May kailangan ka?" Tanong ko.
Namulsa ito at naglakad patungo sa akin.
"Ready yourself from now on. I'm gonna court you, Miss Chloe. And...you will be mine." Matamis itong ngumiti bago ako tinalikuran.
Napakurap ako at kapagkuwan ay napailing habang wala sa sariling napahawak sa dibdib.
That man made my heart beats so fast since the first time I saw him.
Nagising akong pawis na pawis. Kumunot ang noo ko at pilit na inaalala ang pangalan na binanggit ng lalaki sa panaginip ko pero kahit anong pilit ko ay hindi ko iyon matandaan.
Katulad ng mga naunang panaginip ko ay hindi ko makita ang mukha ng lalaki pero napagmasdan ko ang itim na itim na mga mata nito.
Mariin akong pumikit at napadaing nang maramdaman na naman ang pagsakit ng ulo ko.
Napamulat ako ng mga mata nang may humawak sa kamay ko na nasa ulo ko at natigilan ako nang sumalubong sa akin ang itim na itim na mga mata ni Ryder.
Napakurap ako at ngayon ko lang napagtanto na nasa kuwarto pala ako nito. I'm not on top of him anymore. Mukhang maayos ako nitong pinahiga sa tabi nito nang hindi ko namamalayan.
"You okay?" He asked, worried.
"I-I just had a nightmare." Tugon ko.
Hinaplos nito ang pisngi ko.
"What is it? Can you tell me?" May lambing sa boses nito.
"I don't know. I always dream of him but I can't see his face. Sumasakit ang ulo ko dahil sa kakaisip sa lalaking nasa panaginip ko." Napabuntong-hininga ako.
Hinawakan nito ang ulo ko at bahagya iyong hinilot.
"Don't force yourself and don't think too much." Anito at kinabig ako papalapit sa dibdib nito. Patagilid ako nitong niyakap.
Lihim akong napangiti. I felt comfortable in his arms.
"Madaling araw pa lang, bakit gising ka na?" Tanong ko.
"I woke up because of you. Dumadaing ka." Tugon nito.
Napangiwi ako.
"I'm sorry. Naistorbo ko ang tulog mo. Lilipat na ako sa kabilang kuwarto para-"
"No. Just stay here." He cut me off.
Bigla akong nanigas nang ibaon nito ang mukha sa leeg ko.
"R-Ryder-"
"Can I court you, Des?" He suddenly asked.
Napakurap ako at kumalas mula sa yakap nito.
"W-What did you say?"
Diretso itong tumingin sa mga mata ko at kapagkuwan ay hinawakan ang kamay ko.
"Gusto kitang ligawan. P-Puwede ba?" Alanganin itong ngumiti.
Wala sa sariling napahawak ako sa dibdib at hindi nakaimik.
Hinaplos nito ang pisngi ko.
"Let me court you and be mine." He whispered while looking at my lips.
Umangat ang tingin nito sa mga mata ko.
"I'll make you mine." Puno ng kaseryosohan ang boses at mga mata nito.
YOU ARE READING
Phoenix Series #8: My Cold Heart(COMPLETED)
RomanceMATURED CONTENT(R-18) Phoenix Series#8: Ryder Cole "You're my light. You pulled me up and let me get out from the dark. You bring back the old me. And if I let you go, I might not be able to see the light again. If I loose you, it will be my greates...