CHAPTER 20
"HAPPY BIRTHDAY, Lorenzo!" Sabay naming binati si Lorenzo sa araw ng birthday nito.
Naghanda kami ng konting salo-salo sa likod ng bahay. Nag barbecue kami at marami ding alak.
"Hindi yata makakauwi si Sir Ryder ngayon?" Mahinang tanong ni Manang Flor sa akin.
"Mukhang hindi na po, Manang. He's with his friends. May inaasikaso lang daw sila. I heard him talking with someone yesterday at parang may naririnig akong misyon." Tugon ko.
Kung anong misyon iyon ay hindi ko na alam. Minsan ay napapaisip ako kung ano ba talaga ang trabaho ni Ryder. Minsan na ako nitong sinama sa SPIC noon na pagmamay-ari ng kaibigan nitong si James Karl Smith at wala akong ideya kung ano ang trabaho nito doon at ng mga kaibigan nito.
But I can see that they are not just an ordinary people. There's something in them whenever I see them together. I already met Ryder's friends and they're aura shouts safety as well as danger.
Sila ang klase ng mga tao na kayang magbiro, magpatawa at maging mabait sa harap mo pero kapag gumawa ka ng kasamaan ay susuklian nila iyon ng kademonyohan.
Two days ng wala si Ryder. Mukhang mahalaga ang inasikaso nito para hindi makauwi dito sa mansyon ng dalawang araw. I already miss him kahit panay naman ang tawag nito sa akin. Mas iba pa rin na nakikita at nakakasama mo ito.
And he's been courting me for almost a month now. Kung saan-saan ako nito pinapasyal at kapag solo namin ang isa't-isa ay panay ang yakap nito sa akin.
Napapansin kong pigil na pigil nito ang sarili na huwag akong halikan na parang katapusan na ng pagpipigil nito sa sarili kapag nahalikan ako nito ulit.
Ganoon ba talaga katindi ang epekto ko kay Ryder? Parang hindi kapani-paniwala. Parang kailan lang ay panay ang pagsusungit at pagtataboy nito sa akin at ibang Ryder ang nakikita ko ngayon. Kung noon ay masungit ito, ngayon ay kabaliktaran. He's being clingy and sweet. Malayong-malayo sa Ryder na nakilala ko noong unang tungtong ko sa mansyon.
Hinugot ko ang cellphone mula sa bulsa ko nang tumunog iyon. Napangiti ako nang makita ang pangalan ni Ryder sa screen ng phone ko.
"Bukas pa ako makakauwi. Did you eat your dinner?" Kaagad na bungad nito.
"No. Naghanda kami ng konting salo-salo. Birthday ng driver mo." Tugon ko.
"Si Lorenzo?" Parang bigla itong naalarma.
"Yes. We're going to drink tonight. I'm with Manang Flor and the rest of the maids. Nandito rin 'yong mga trabahador mo sa kwadra." Sambit ko.
"Huwag kang uminom. Halos lalaki ang mga kasama mo and I don't like it." Bigla ay naging iritado ito.
Napasimangot ako.
"Nakakahiya naman kung hindi ako iinom." Tugon ko.
"I already warned you, Destinee Kim. Kapag nagpakalasing ka, I will punish you." Mariing sabi nito.
I rolled my eyes.
"Wala ka naman dito kaya hindi mo ako mapaparusahan." Ngumisi ako at pinatay ang tawag.
I even turn off my phone para hindi ako nito matawagan. Bahala siya sa buhay niya.
Hindi ba nito alam kung gaano ko ito namiss? Dalawang araw itong nawala kaya nagtatampo ako. Balak ko pa naman sanang sagutin na ito. Ayoko ng patagalin dahil doon din naman ang kahihinatnan namin.
Pero dahil wala ito ay mukhang nagbago na ang isip ko.
Naglakad ako patungo kay Manang Flor at tinulungan ko itong mag-ihaw.
Si Lorenzo at ang ibang trabahador ay nag-umpisa ng mag-inuman sa isang pabilog na mesa.
Ang mga maids naman ay nagtatawanan sa kabilang mesa. Sumenyas ang mga ito na lumapit ako. Nakangiting lumapit ako sa mga ito at umupo sa bakanteng upuan.
We started chatting and drinking alcohols. Halos ilang oras din kaming nag-uusap habang walang tigil ang pag-inom ng alak. Medyo nakaramdam na ako ng hilo dahil umiikot na ang paningin ko.
Nakita ko si Lorenzo na papalapit sa akin at alanganing ngumiti.
"Miss Destinee, puwede ba kitang maisayaw? Kahit pa-birthday gift mo na lang sa'kin." Anito at napakamot sa ulo.
Tumango ako.
"Sure." Sabi ko at tumayo.
Bahagya akong nabuwal at natawa na lang nang hawakan ako ni Lorenzo sa kamay para alalayan.
"Mukhang lasing ka na. Magpahinga ka na kaya?" Anito.
Umiling ako.
"Okay pa ako. Kaya ko 'to." Natatawang sambit ko.
"Huwag mo ng pilitin, Miss Des. Tara ihahatid kita sa kuwarto mo para-"
"Let me handle her." Narinig ko ang baritonong boses na iyon.
Lumingon ako at nakita si Ryder na madilim ang mukhang nakatingin sa akin. Anong ginagawa nito dito? Akala ko ba bukas pa ito makakauwi?
"Goodevening po, Sir Ryder." Narinig kong sambit ni Lorenzo at binitawan ako.
Ryder just nodded and walk towards me.
Mataman itong nakatingin sa akin at inilapit ang bibig sa tenga ko.
"Let's go to my room." Bulong nito sa mapanganib na boses na ikinatayo ng mga balahibo ko.
Hinawakan ako nito sa siko at tinignan si Lorenzo.
"Happy Birthday. Bumili ako ng alak para pandagdag. Kunin mo na lang sa kotse ko. Bukas na kita bibigyan ng regalo." Anito kay Lorenzo habang inaabot ang susi ng kotse nito.
Muli itong tumingin sa akin.
"Are you ready, babe? I'm serious. I will really punish you." Seryosong sambit nito.
Mahina lang akong natawa at napakapit sa damit nito. Napakabigat ng talukap ng mga mata ko. Gusto ng pumikit ng mga iyon.
Inalalayan ako nitong maglakad papasok sa mansyon. Nang hindi makatiis ay binuhat ako nito hanggang sa makapasok kami sa mismong kuwarto nito. I can tell that it's his room. Kahit lasing ako ay alam na alam ko ang mabangong amoy nito na pumupuno sa kabuuan ng kuwarto.
"Look at you. You're so drunk." Napailing ito.
"Bakit umuwi ka? Akala ko ba bukas ka pa makakauwi?" Nakasimangot na tanong ko.
Hindi ako nito pinansin at may inabot sa akin. Ngayon ko lang napansin ang brown envelope na dala-dala nito.
"What's this?" Tanong ko nang mahawakan iyon. Nilabas ko ang papel sa loob niyon.
"Sign it." Utos nito.
"Ano nga 'to?" Muling tanong ko.
"Just sign it and you'll know tomorrow." Tugon nito habang inaabot ang ballpen sa akin.
Kinuha ko iyon at pumirma sa papel. Hindi na ako nag-abalang basahin iyon dahil nahihilo na talaga ako. Gustong-gusto ko ng matulog.
Ipinasok ko ang papel sa loob ng brown envelope at ibinigay iyon sa binata. Kinuha nito iyon at hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba ang pag-angat ng gilid ng labi nito.
"Sleep now. Bukas na kita paparusahan kapag hindi ka na lasing." Anito habang pinapahiga ako sa kama.
Pumikit ako.
"Goodnight." I murmured.
Bago ako tuluyang makatulog ay naramdaman kong may ipinasok ito sa palasingsingan ko.
"Sleep well, my Mrs. Cole." He whispered and kiss me on the lips.
To be continued...
YOU ARE READING
Phoenix Series #8: My Cold Heart(COMPLETED)
RomanceMATURED CONTENT(R-18) Phoenix Series#8: Ryder Cole "You're my light. You pulled me up and let me get out from the dark. You bring back the old me. And if I let you go, I might not be able to see the light again. If I loose you, it will be my greates...