Chapter 17

90.8K 2.5K 107
                                    

CHAPTER 17

"R-RYDER, y-you're bleeding." Nanlaki ang mga mata ko.

Akmang hahawakan ko ang sugat nito nang pigilan ako nito at nabigla ako nang pinahawak nito sa akin ang baril na hawak nito.

"T-Teka, anong gagawin ko dito?" Natatarantang tanong ko.

"Use it." Anito at hinaplos ang buhok ko.

"W-What? Ryder, I don't know how to use this!" Bulalas ko.

"Of course you know how to use it, babe. I trust you. Use that if needed, okay? Promise me, you won't get hurt." Anito habang sapo ang mukha ko.

"I'll leave you for a while. I will just face those motherfuckers. Just keep safe, okay? Do you hear me, babe? Kapag may galos ka kahit konti lang, I will punish you. Maliwanag ba?" Bigla akong napatango sa kaseryosohan sa boses nito.

Ngumiti ito at mariin akong hinalikan sa noo bago lumabas ng kotse. Napapalunok na tinignan ko ito habang papunta ito sa tatlong kotse na humarang sa sasakyan namin.

What's happening? Na-ambush ba kami? Pero bakit? Dahil ba anak ito ng presidente? May nagtatangka sa buhay ni Ryder?

Inis na napasabunot ako sa buhok at tinignan ang baril na hawak ko. Natatakot ako at nag-aalala para kay Ryder. May sugat ito sa braso at...

Napapitlag ako nang makarinig ng sunod-sunod na putok ng baril mula sa labas.

Muli akong napatingin kay Ryder at halos mapaawang ang mga labi ko sa nakikita. Kung saan man nito nakuha ang hawak na baril ngayon ay hindi ko na alam.

Ang nakakuha ng atensyon ko ay kung paano nitong napatumba ang mga armadong lalaki sa isang putok lang. Asintadong-asintado ang bawat pagtama ng bala sa dibdib at ulo ng mga kalaban nito.

Napakabilis ng mga kilos nito na halos hindi ko na masundan. Nag-aalala ako na baka matamaan ito ng bala dahil nag-iisa lang ito at pinagtutulungan pa ng mga armadong lalaki. Pero nakakamangha kung paano nitong naiiwasan ang lahat hanggang sa nakita kong nag-iisang lalaki na lang ang natitira.

Nakita ko ang pagbuka ng bibig ni Ryder na tila may sinasabi sa lalaki at ngumisi. Tumingin ang lalaki sa akin at nangilabot ako nang nginisihan ako nito at kapagkuwan ay muling tumingin kay Ryder at nagsalita.

Madilim ang mukhang kinuwelyuhan ito ni Ryder at walang pag-aatubiling hinawakan nito ang buhok ng lalaki at hinampas nito ang ulo ng lalaki sa pader malapit dito na ikinasinghap ko.

I never thought that Ryder could be violent like this. Galit ang nakikita ko sa mukha nito.

Lumabas ako mula sa kotse nang makita na halos wala na sa sarili si Ryder. Paulit-ulit nitong hinahampas sa pader ang ulo ng lalaking halos wala ng buhay.

Akmang hahakbang ako nang makitang binitawan nito ang lalaki na ikinahinga ko ng maluwag.

Napalingon ako sa gawing kanan ko at nasilaw sa ilaw ng sasakyan. Humaharurot iyon papunta sa kinaroroonan ni Ryder na ikinanlaki ng mga mata ko.

That car is going to hit Ryder!

Tila may sariling isip na umangat ang mga kamay ko at pinaputok ang hawak na baril. Tumama ang bala sa mismong ulo ng driver ng kotse at biglang tumigil ang sasakyan ilang dangkal lang mula kay Ryder.

Napakurap ako at nanginginig ang mga kamay na binitawan ko ang baril.

"D-Did I just kill someone?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa sarili at napasabunot sa sariling buhok.

Paano ko nagawa iyon? I don't even know how to use gun but I killed that man without blinking! Paano ko siyang nabaril sa ulo ng ganoon kadali?

Napatitig ako sa mga kamay ko. Tila may sariling isip ang mga iyon kanina. Parang alam na alam ng mga kamay ko kung paanong gamitin ang baril at kung paano ang tamang pagputok niyon.

Phoenix Series #8: My Cold Heart(COMPLETED)Where stories live. Discover now