Chapter 25

91.6K 2.3K 134
                                    

CHAPTER 25

"BABE, are you okay?" Nag-aalalang tanong ko.

Kanina ko pa napapansing tahimik ang asawa ko. Medyo maputla ito at parang malalim ang iniisip.

Kaagad itong tumango at ngumiti. Ang ngiting hindi umabot sa mga mata nito.

Tumingin ako sa paligid at may nahagip ang mga mata ko. Naikuyom ko ang mga kamao. Mukhang alam ko na kung bakit nagkakaganito ang asawa ko.

"Babe, gusto mo bang umuwi na tayo? You're pale." Sambit ko at inalalayan itong tumayo.

"Sorry, medyo sumama lang ang pakiramdam ko."

Tumango ako at hinaplos ang buhok nito.

"It's okay, I understand. Uwi na tayo para makapagpahinga ka." Usal ko habang hawak-hawak ko ito sa kamay patungo sa parking lot.

Maingat ko itong inalalayan papasok sa loob ng kotse ko at kinabit ko ang seatbelt nito.

"Finish your ice cream. May pupuntahan lang ako, okay? Babalik din ako kaagad." Sambit ko at hinalikan ito sa noo.

"Saan ka pupunta?" Kunot-noong tanong nito.

I just smiled at her.

"Babalik din ako kaagad. Wait me here." I said and close the door of my car.

Naglakad ako pabalik sa mall at tinungo ang malapad na pader kung saan nagtatago ang taong pakay ko. Kanina ko pa ito napansing sinusundan kami.

Ayoko na sanang pansinin pero alam kong nilapitan nito ang asawa ko at hinding-hindi ko iyon palalampasin.

Halata ang pagkagulat sa mukha nito nang makita ako.

Hinawakan ko ito sa siko at hinila papasok sa comfort room ng mall. Sinara ko ang pinto at ni-lock iyon.

"Ryder-"

Hindi nito natapos ang sasabihin nang mahigpit kong hinawakan ang baba nito.

"Don't you dare mess with my wife." I warned.

Inalis nito ang kamay ko sa baba nito at sinalubong ang galit sa mga mata ko.

"I already mess with her years ago, Ryder." She said and caressed my cheek. "And I'm thankful that she's my twin. I was able to pretend like her in front of you." She smirked.

Naikuyom ko ang mga kamao.

"How could you do this to her? She's your twin and she loves you, Claire. Chloe loves you." Mariing usal ko.

"She loves me? Ryder, lumaki ako sa ampunan! Buong buhay niya kasama niya ang mga magulang namin. Lahat ng pagmamahal nasa kanya na! Lahat ng gusto niya nakukuha niya samantalang ako ay halos walang makain!  I envied her for having everything! She's happy and I was suffering! That's so unfair! Ako dapat ang masaya! Sana siya na lang dapat ang nawala! Sana siya na lang ang naging palaboy sa kalsada! Sana siya na lang ang nagutom at pinagsamantalahan! Sana siya na lang! Hinding-hindi ako makakapayag na maging masaya siya!" Naging hestirikal ito.

Mahina akong natawa.

"Kaya ba nagpanggap kang ikaw siya sa harapan ko? That's why you tried to kill us? You tried to kill her! You shoot her, Claire. You shoot her head that's why she lost her memories! She didn't lost her memory because of the accident. I saw the CCTV footage nad I saw how you shoot her!" Diniinan ko ang paghawak sa siko nito.

"Anong klaseng kapatid ka? Oo mahirap ang mga pinagdaanan mo pero hindi tama ang ginawa mo. Akala mo hindi ko malalaman? Nagtagumpay ka sa mga plano mo noon pero hinding-hindi ko na hahayaang saktan mo ulit ang asawa ko. Nagawa mo siyang ilayo sa'kin. Napaniwala mong ikaw siya noon at buong buhay kong pagsisisihan iyon. I won't let you destroy us again. Poprotektahan ko ang asawa ko mula sa'yo. Hinding-hindi mo na kami masisira so you better stop this. I'm watching you, Ms. Madrigal." Umatras ako mula dito at pigil na pigil ko ang galit.

Phoenix Series #8: My Cold Heart(COMPLETED)Where stories live. Discover now