Goodmorning ! 🤗😍
Tatapusin ko na talaga 'to. Promise !! 'Wag lang akong landiin ni Prince. Haha ! 😅😂
💓 ENJOY READING ! 💓
CHAPTER 29
NAPAPIKIT AKO at napangiti nang maramdaman ang masuyong pagyakap ng asawa ko mula sa likod ko.
"How's my wife? Hindi ka ba naiinip dito sa opisina ko?" Tanong nito at masuyong hinalikan ang leeg ko.
Pumihit ako at hinarap ko ito. Kaagad ako nitong sinalubong ng mariing halik sa mga labi. Tinugon ko iyon ng buong puso at nang maghiwalay ang mga labi namin ay mataman ko itong tinitigan.
Ilang araw na ang nakalipas mula nang lumabas ako sa hospital. After the accident, halos ayaw na nitong umalis sa tabi ko.
Kahit sa opisina nito ay sinasama ako na parang takot na takot itong mawala sa paningin ko.
Masuyo ko itong nginitian at hinalikan ko ito sa noo dahilan para mapangiti ito.
"Hindi naman ako naiinip. I shop online kaya nalibang ako." Tugon ko at masuyo akong humilig sa malapad na dibdib nito.
"Hmm... Anong pinamili ng asawa ko?" Masuyong tanong nito habang hinahaplos ang buhok ko.
"Baby stuffs." Nakangiting tugon ko.
Sa hospital ay sinabi na ng asawa ko sa akin na buntis ako. Ni hindi ko man lang napansin iyon. Kaya pala palaging masama ang pakiramdam ko at kung anu-anong mga pagkain ng hinahanap ko.
Natawa din ako dahil nagsumbong ang kaibigan nitong si Rein na hinimatay daw ang asawa ko nang malamang buntis ako. Hindi ko akalain na mahihimatay ang isang Ryder Cole dahil lang sa nalamang buntis ako.
"Why shop online? Puwede tayong pumunta sa mall para mamili kung gusto mo." Anito at kaagad akong umiling.
"No. Ayokong abalahin ka. Maganda naman ang mga damit sa online. I know the seller personally. And besides, naaliw ako sa mga baby stuffs kaya inorder ko na." Sabi ko at tumingala sa asawa ko.
Umayos ako ng tayo at tinitigan kong mabuti ang guwapong mukha nito. Wala pa ring nagbago. Mula noong unang nagpakilala ito sa akin hanggang ngayon ay napaka-guwapo pa rin nito at napakatikas.
"Babe, I have something to say." I said and caressed his cheek.
"What is it, babe?"
Titig na titig ako sa mga nito.
"Whatever happens, always follow your heart." Sabi ko at hinawakan ko ang dibdib nito kung saan nakatapat ang puso nito.
"And once you follow your heart, makikilala mo kung sino ang kasama mo. Malalaman mo kung sino ang nasa harapan mo. Kung totoo ba siya o kung siya ba talaga ang tinitibok ng puso mo." Makahulugang sabi ko.
Kumunot ang noo nito.
"Babe, what are you-"
"Just always follow your heart, babe. I know how much you love me and I will trust you." Sabi ko at ngumiti.
We've been fooled once and we'll make sure that it won't happen again. Please, kilalanin mo kung sino talaga ako. Malaki ang tiwala ko sa'yo, babe.
Kahit nagtataka ay tumango ang asawa ko.
Hinalikan ko ito sa mga labi na kaagad naman nitong tinugon. Nang maghiwalay ang mga labi namin ay awtomatiko nitong hinawakan ang tiyan ko.
YOU ARE READING
Phoenix Series #8: My Cold Heart(COMPLETED)
RomanceMATURED CONTENT(R-18) Phoenix Series#8: Ryder Cole "You're my light. You pulled me up and let me get out from the dark. You bring back the old me. And if I let you go, I might not be able to see the light again. If I loose you, it will be my greates...