CHAPTER 39
HINDI NA AKO UMIMIK pa habang nagmamaneho ang asawa ko. Hindi na ako nagtanong pa kung saan ako nito dadalhin dahil mukhang wala din naman itong balak na sagutin ako.
Tinatahak nito ang daan patungo sa mansyon pero kumanan ito at hindi na pamilyar sa akin ang daan na tinahak nito.
Mula sa malayo ay nakikita ko ang puno ng mga grapes na napakaraming bunga.Napakunot ang noo ko dahil pamilyar ang lugar na iyon sa akin.
Nakikita kong may maliit na kubo malapit doon. Tumigil ang sasakyan nito hindi kalayuan sa mga grapes. Lumabas ito mula sa kotse at pinagbuksan ako ng pinto.
Walang imik na lumabas ako. Papalubog na ang araw kaya hindi na mainit sa kinaroroonan namin.
Gusto ko itong tanungin kung ano ang ginagawa namin dito pero napakaseryoso ng mukha nito kaya mas pinili ko na lang manahimik.
Mukhang hindi tama ang sinabi ko kanina na uuwi ako sa mga magulang ko at iiwan ko ito. Masyado akong nagpadala sa emosyon ko. Deserve naman nitong magpaliwanag. Nagselos lang talaga ako ng todo kanina nang makita kong may yumayakap na babae dito at hinahalikan ang leeg nito.
"Bakit iniwan mo ang babae mo do'n?" Inis na tanong ko.
I heard him sigh.
"I told you, hindi ko siya babae. She's my client. Malanding kliyente." I can see that he was pissed.
Nagsasalubong ang makakapal na kilay nito at kunot na kunot ang noo. At parang gusto kong matawa sa salitang ginamit nito. Malanding kliyente.
Malandi nga naman. Nilandi ang asawa ko.
"Nagpalandi ka naman." Sabi ko at sumimangot.
"Ganyan ba kababaw ang tingin mo sa'kin?" Seryosong tanong nito.
Natigilan ako at hindi nakaimik.
"Sa tingin mo basta-basta ako papatol sa ibang babae? Ganyan ba ang tingin mo sa'kin? Tangina, Des. Kahit itutok pa nila ang mga butas nila sa pagkalalaki ko, hinding-hindi ko papasukin. Butas mo nga lang nagpapatigas sa'kin, tangina." Naikagat ko ang ibabang labi sa mga narinig mula dito.
Hindi ko na alam kung matatawa ba ako sa mga salita nito.
"Anong ginagawa niyo do'n sa bathroom kung gano'n?" Tanong ko.
"Pinasok niya ako doon. Nabigla na nga lang ako." Sagot nito at napabuntong-hininga.
Hindi ako umimik.
"Hindi ka naniniwala? Des, I really want to strangle her earlier. Ayoko lang gawin kahit gustong-gusto ko dahil mali ang manakit ng babae. I swear, gustong-gusto kong sakalin ang babaeng 'yon dahil sa ginawa niya. Tapos dumating ka, nakita mo kami sa ganoong eksena. Tangina, takot na takot ako dahil alam ko kung ano ang iniisip mo. Pero please, maniwala ka na hindi kita niloloko at mas lalong hindi ko kayang mambabae. Hinding-hindi ko gagawin sa'yo 'yon dahil tangina masyado kitang mahal para lokohin at gaguhin ka. Mas mahal kita ng higit pa sa sarili ko, Destinee Kim. Maniwala ka naman sa'kin, please." Inabot nito ang kamay ko at hinawakan iyon ng mahigpit.
Nakita ko ang sinseridad sa mga mata nito at naniniwala ako sa asawa ko. Nakita ko naman kanina kung paano nitong sinubukan na itulak ang babae kanina papalayo dito.
"Okay." Sambit ko.
"Okay? Y-You mean, naniniwala ka na sa'kin?" May bakas na kasiyahan sa boses nito.
Naikagat ko ang ibabang labi at tumango.
Kinabig ako nito at niyakap ng mahigpit.
"Thank you, babe. Thank you." Anito na tila nabunutan ng tinik.
YOU ARE READING
Phoenix Series #8: My Cold Heart(COMPLETED)
RomanceMATURED CONTENT(R-18) Phoenix Series#8: Ryder Cole "You're my light. You pulled me up and let me get out from the dark. You bring back the old me. And if I let you go, I might not be able to see the light again. If I loose you, it will be my greates...