CHAPTER 13
"YOU OKAY?" Ryder asked as he caress my hair.
Tumango ako at lumayo dito.
"I'm sorry, Sir. I-I'm just schocked." I said and bit my lower lip.
He just nodded at me.
"Lorenzo, ihatid mo si Destinee sa bahay nina Clyde at Noime. Doon sila magbibihis because she's one of the maid of honors. Susunod ako." Utos nito sa driver nito.
"M-Magpapaiwan ka? Anong gagawin mo? Hindi ka nakakakita at-"
"I can handle myself. Mauna ka na." Anito at lumabas ng kotse.
Sinara nito ang pinto ng kotse at akmang susunod ako nang pinatakbo na ni Lorenzo ang sasakyan.
"T-Teka, Lorenzo. Iiwan natin siya do'n? Baka kung mapaano siya." Nag-alalang sambit ko.
"Kaya ni Sir Ryder ang sarili niya, Miss Destinee." Tanging tugon ni Lorenzo.
Hindi ko mapigilan at lumingon ako sa kinaroroonan ni Ryder. Kitang-kita ko kung paano nitong kinuwelyuhan ang driver ng sasakyan na nakasalubong namin kanina at ang sunod na nangyari ay hindi ko na nakita dahil malayo na kami.
Is he going to be okay?
Hindi ako mapakali kahit nasa bahay na ako ng kaibigan nitong si Clyde. Nabihisan na ako at nalagyan ng make-up pero 'yong pag-aalala ko ay hindi pa rin maalis.
Noime told me that Ryder is going to be okay but I'm still worried. Hanggang sa makarating kami ng simbahan ay si Ryder pa rin ang nasa isip ko.
At nakahinga lang ako ng maluwag nang makita itong dumating kasama ang ibang mga kaibigan nito. He's wearing his tuxedo suit.
Poging bulag.
The wedding ceremony started. Habang nakatitig ako kay Noime ay napangiti ako. Kitang-kita kung gaano ito kasaya. Sa lahat ng naririto ay si Noime at Clyde ang may pinakamatamis at masayang ngiti sa mga labi.
Bumaba ang tingin ko sa wedding gown ni Noime.
"You'll be my forever man, babe. I'm only yours and I vow to love you until my last breath. I love you so much. Tanging kamatayan lang ang makakapaghiwalay sa'ting dalawa. Pangako 'yan." Nakangiting sambit ko habang nakatingin sa lalaking nasa harapan ko at isinuot ko ang singsing sa daliri nito.
Napahawak ako sa ulo ko nang sumakit na naman iyon. Bakit may mga eksenang pumapasok sa isip ko? Ano ang mga iyon?
Hanggang sa matapos ang seremonya ng kasal ay hindi na natanggal ang sakit ng ulo ko. Gusto ko ng umuwi at makapagpahinga. I'm really not feeling well today. Mukhang lalagnatin pa ako. Siguro ay magpapaalam na lang ako kay Ryder para makapagpahinga. Hindi ko na kakayanin hanggang sa reception.
Nagtipon-tipon ang mga babaeng walang asawa para saluhin ang ihahagis na bulaklak ni Noime. Bahagya akong dumistansya sa mga ito at sa pagkabigla ko ay napunta sa akin ang bulaklak at nasalo ko iyon.
Nanlaki ang mga mata ko at nagulat ako nang biglang inagaw ni Ryder ang bulaklak mula sa akin.
"Tangina, nababaliw ka na ba?!" Dumagundong ang boses nito.
Galit na galit ang mukha nito.
Napahawak ako sa dibdib ko. I'm struggling to breath. Kitang-kita ko ang pamumula ng balat ko. May mga pantal-pantal na sa mga kamay ko paakyat sa braso ko.
Mabilis akong binuhat ni Ryder at pinasok ako sa kotse nito. Lumapat ang labi nito sa mga labi ko para tulungan akong makahinga pero nahihirapan pa rin ako.
YOU ARE READING
Phoenix Series #8: My Cold Heart(COMPLETED)
RomanceMATURED CONTENT(R-18) Phoenix Series#8: Ryder Cole "You're my light. You pulled me up and let me get out from the dark. You bring back the old me. And if I let you go, I might not be able to see the light again. If I loose you, it will be my greates...