CHAPTER 6
HAPPIEST BIRTHDAY sa aking ate, Noime Cuballes.🤗😍 Hi, ate ko! You're my living Phoenix girl ever. Thank you for being part of the Phoenixian's group. Thank you for supporting me and my stories. Original Phoenixian ka for me. I love you po. Stay kind and beautiful as always. Whatever struggles you've been facing, I know malalampasan mo lahat. Stay happy and stay strong with your living Clyde and Claude. God bless you po.🤗😘
ANG TUNOG NG KAMPANA. Ang nakakabinging preno ng sasakyan. Ang itim na kabayo. Ang malaking mansyon at ang lalaking hindi ko maaninag ang mukha ay nasa harapan ko at matamis na nakangiti habang nakatingin sa akin.
Paunti-unti ay lumayo ito sa akin at lumapit sa babaeng kamukhang-kamukha ko. I watched them as they kissed each other like there's no tomorrow. Pinagmamasdan ko ang mga ito habang nagdurugo ang puso ko.
"How could you do this to me? I trust you. Inagaw mo siya sa'kin. Kinukuha mo ang hindi sa'yo. Paano mo nagagawa ito? Pinagkatiwalaan kita. Bakit? Bakit?" Namuntawi ang mga katagang iyon mula sa bibig ko habang walang humpay na lumuluha.
Hingal na hingal na nagmulat ako ng mga mata at napadaing nang maramdaman ang pagkirot ng ulo ko.
"Hey. Are you okay?" Narinig ko ang baritonong boses na iyon.
"Sir- R-Ryder." Sambit ko sa pangalan nito nang makilala ko ito.
Hinawakan nito ang kamay ko.
"Finally you're awake. How's your feeling? May masakit ba sa'yo?" Kaagad na tanong nito.
Gusto kong magtaka sa pag-aalala sa boses nito.
"I-I'm okay. Anong nangyari?" Naguguluhang tanong ko at mariing pumikit.
Bumalik sa isip ko ang nangyari.
"Nahulog ako sa kabayo." Kagat-labing sagot ko sa sariling tanong.
Medyo napapitlag ako nang sinalat nito ang noo ko.
"Bumaba na ang lagnat mo." Tila nakahinga ito ng maluwag.
Pinalibot ko ang paningin at napangiwi ako nang makitang nasa loob ako ng kuwarto ni Ryder.
"I'm sorry. N-Naabala pa yata kita." Nahihiyang sabi ko.
Hindi na ito umimik pa hanggang sa pumasok si Manang Flor.
"Salamat naman at gising ka na, hija. Napuyat si Sir Ry-"
"Manang." Nahimigan ko ang babala sa boses ni Ryder.
Napangiwi ang mayordoma at kaagad akong nilapitan.
"Kumain ka na muna para tuluyan ka ng gumaling, ha? Susubuan kita." Nakangiting sambit nito.
Alanganin akong ngumiti.
"Salamat po, Manang." Nahihiyang sambit ko.
"Walang anuman basta para sa'yo." Nanatili ang ngiti sa mga labi nito.
"Call the doctor after she finish her food, Manang Flor." Bilin ni Ryder bago ito lumabas ng kuwarto.
Hinarap ko si Manang Flor.
"I want to thank him pero ang seryoso kasi niya." Nahihiyang sambit ko.
Natawa si Manang Flor.
"Nag-alala sa'yo kagabi." Pabulong na sambit nito.
"Kahit sino naman yata mag-aalala talaga siya, Manang." Mahinang sabi ko at ito ay makahulugan lang ngumiti.
Habang sinusubuan ako nito ay titig na titig ito sa akin. Nakaramdam ako ng konting pagkailang.
YOU ARE READING
Phoenix Series #8: My Cold Heart(COMPLETED)
RomanceMATURED CONTENT(R-18) Phoenix Series#8: Ryder Cole "You're my light. You pulled me up and let me get out from the dark. You bring back the old me. And if I let you go, I might not be able to see the light again. If I loose you, it will be my greates...