•SHORT UPDATE•
Enjoy reading ! 💛
I'll try to update again later at dawn. Nasa work pa kasi ako now. Hihi. Lablab.😍
PS: A few more chapters and we will say goodbye to our baby Ryder. Awww. I will miss him.
CHAPTER 41
NAPANGITI AKO nang makita ang text message ng asawa ko.
Ilang minuto pa at lalapag na ang sinasakyan kong chopper sa mismong rooftop ng kompanya ko.
Kanina pa akong atat na atat na makauwi dahil gustong-gusto ko nang mayakap at mahalikan ang asawa ko.
Fuck! Sobrang lalim na ng pagmamahal ko sa asawa ko at aminado akong baliw na baliw ako kay Destinee Kim noon pa man. Noong si Chloe pa lang ito at mas lalo ko itong minamahal ngayon.
Kung hindi lang talaga importante ang pagpunta sa Davao ay hinding-hindi ako aalis sa tabi ng asawa ko.
Ilang sandali lang ay lumapag na ang chopper at kaagad akong lumabas. Sumaludo sa akin ang piloto ng chopper at tinanguan ko lang ito.
Sabik na sabik na talaga akong makita ang asawa ko. Alam kong nasa opisina ko na ito ngayon at hinihintay ako.
Damn. I can't wait to hug her and kiss her fervently. Ilang oras lang kaming hindi nagkita pero parang ilang taon iyon para sa'kin.
Sumakay ako ng elevator at tinungo ang floor kung nasaan ang opisina ko. Dire-diretso akong pumasok sa loob ng opisina ko at napangiti nang makita ang asawa kong nakaupo sa sofa.
Nagsalubong ang mga mata namin at kaagad itong tumayo. Nakangiting naglakad ito papalapit sa akin.
"Hey, my beautiful wife." Nakangiting bati ko.
"Babe." Sinugod ako nito ng yakap.
Ang kaninang matamis na ngiti sa mga labi ko ay biglang nawala nang yakapin ako nito.
Kumalas ito mula sa pagkakayakap sa'kin at hinarap ako. Matamis ang ngiti sa mga labi nito.
"I miss you." She said and claim my lips.
Lihim kong naikuyom ang mga kamao. Natapos ang halik sa pagitan naming dalawa nang hindi ako tumutugon.
Tinitigan ko itong mabuti, partikular ang buong mukha nito.
Wala sa sariling hinawi ko ang buhok nito at inipit ang buhok nito sa tenga. Pasimple kong tinignan ang kaliwang tenga nito pababa sa leeg nito.
"How was your day?" Mahinang tanong ko.
"Okay lang naman. I'm with Manang Flor earlier. Pumunta kami sa mall at namili ako ng mga gamit para sa baby natin." Nakangiting tugon nito.
I was just looking at her and I nodded.
"Kanina ka pa ba dito?" Muling tanong ko.
"Not at all. Halos kadarating ko lang." Anito habang titig na titig sa mga mata ko.
Hinawakan ko ang braso nito. Napadiin ang pagkakahawak ko doon pero mukhang hindi nito iyon napapansin.
Hinila ko ito at pinaupo sa sofa.
"Just sit there. I have something for you." I said and walk towards my table.
Pinindot ko ang intercom at kinausap ko ang sekretarya ko.
"Copy, Sir. Ihahatid ko po diyan. Just give me five minutes." My secretary said from the other line after she heard what I've said.
Itinuon ko ang tingin sa asawa ko at kaagad ako nitong nginitian. Ilang sandali lang ay may kumatok sa pinto ng opisina ko.
Naglakad ako patungo doon at binuksan iyon. Magiliw akong nagpasalamat sa sekretarya ko pagkatapos nitong iabot ang isang bungkos ng red roses sa'kin.
Sinara ko ang pinto at naglakad patungo sa babaeng nakaupo sa sofa.
"For you, babe." Inabot ko ang bulaklak dito.
Nakangiting kinuha nito iyon mula sa akin at nagpasalamat.
"So sweet. Thank you, babe." Masayang sabi nito at inamoy ang bulaklak na hawak.
Pinagmasdan ko lang ito at pilit kong kinokontrol ang sarili na hindi makagawa ng hakbang na alam kong pagsisisihan ko kapag nagpadalos-dalos ako.
"I already reserved the restaurant. Puwede bang mauna ka na muna do'n, babe? Susunod din ako. May tatapusin lang ako. Promise, sandali lang ako." Sambit ko at kaagad naman itong tumango.
I gave her the address of the restaurant.
"Hintayin na lang kaya kita?" Tanong nito.
"No need. Sige na, susunod din ako." Sabi ko at hinalikan ko ito sa pisngi.
Nakangiting tumango ito at lumabas mula sa opisina ko.
Nang tuluyan itong makalabas ay tila nanghihinang napaupo ako sa sofa. Nanginginig ang buong laman ko sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko ngayon. Kaba at matinding takot.
She's not her. She's not my Destinee Kim, goddamit!
Sa nanginginig na mga kamay ay binunot ko ang cellphone mula sa bulsa ko at tinawagan si James.
"I need your help." Kaagad na bungad ko nang sagutin nito ang tawag.
"May problema ba?" Tanong nito mula sa kabilang linya.
Tumayo ako at tinungo ang laptop ko. May kinonekta ako doon.
"Don't bother the Phoenix and just lend me your 10 snipers, Phyton. I need them." I greeted my teeth.
"Okay, I'll give them to you. What else I can do for you?" Seryosong tanong nito.
Tiim-bagang na nakatingin lang ako sa harap ng laptop ko.
"Kill those men whom I payed to guard my wife. They are all useless!" Mariin at mapanganib na utos ko.
May binayaran akong limang agents na sekretong nagbabantay sa asawa ko pero tangina! Ano ang nangyari at napahamak pa rin ang asawa ko?!
Narinig ko ang pagbuntong-hininga nito.
"Let us hear their explanation first, Ryder. Huwag tayong padalos-dalos. Alam mo kung gaano katuso 'yang kambal ng asawa mo." Anito mula sa kabilang linya.
"I'll call you when I'm done here. Thanks for your help, Pyhton." I said and ended the call.
Madilim ang mukhang nakatingin lang ako sa laptop ko at malakas kong naisuntok ang mesa ko nang sa wakas ay nakita ko ang hinanahanap. Nakahinga ako ng maluwag nang makita ang red dot na iyon pero hindi pa rin mawala ang kaba sa dibdib ko.
Napatiim-bagang ako.
Please be safe, wife. Please.
I'm just thankful that I injected a micro-chip tracking device on my wife. Malaki ang maitutulong niyon sa'kin para mabilis ko itong mahanap.
Muli kong naikuyom ang kamao ko. My wife's twin sister is really crazy. Hindi ito nag-aalinlangang ipahamak ang asawa ko para lang makuha nito ang mga gusto.
"You can't trick me this time." Tiim-bagang na sambit ko.
James sent me a message. Maghihintay ito ng signal ko para kumilos.
Napabuntong-hininga ako. I have to make Claire believe that I don't know anything.
Hang on there, babe. Just wait for me and I'll come to you.
To be continued...
YOU ARE READING
Phoenix Series #8: My Cold Heart(COMPLETED)
RomanceMATURED CONTENT(R-18) Phoenix Series#8: Ryder Cole "You're my light. You pulled me up and let me get out from the dark. You bring back the old me. And if I let you go, I might not be able to see the light again. If I loose you, it will be my greates...