Chapter 31

79.5K 2K 123
                                    

Sorry for the late update. Enjoy reading ! 💓

See you sa mga sasama sa mini-meet up at SM North ! 🤗💖

CHAPTER 31

"CHLOE MADRIGAL." Natigil ako sa paglalakad nang marinig ang pangalan ko.

Lumingon ako at nakita ko ang lalaking humarang sa akin noong nakaraang araw.

"May kailangan ka?" Tanong ko.

Namulsa ito at naglakad patungo sa akin.

"Ready yourself from now on. I'm gonna court you, Miss Chloe. And...you will be mine." Matamis itong ngumiti bago ako tinalikuran.

Napakurap ako at kapagkuwan ay napailing habang wala sa sariling napahawak sa dibdib.

That man made my heart beats so fast since the first time I saw him.

Muli akong napailing at nagpatuloy sa paglalakad. It's foundation today in our university kaya abala ang lahat ng mga estudyante. May mga palabas at pakulo ang iba't-ibang departments.

Ang Nursing Department ay naghanda ng sayaw at kanta. Naghanda din ng banda at ako ang kinuhang vocalist. Ang ibang departments naman ay may kung anu-anong pakulo. Meron pa ngang surprise wedding daw sa kung sinuman ang matiyempuhan nilang dumadaan na mga estudyante, couple man ang mga ito o hindi.

Meron na akong nakikitang babaeng estudyante kanina na basta na lang hinila at pinosasan kasama ang mga nahila din nilang lalaking estudyante at pinasok na sa wedding booth.

Kaninang umaga ang opening ceremony. Hindi lang ako maagang dumating dahil medyo masama ang pakiramdam ko.

"Are you ready later? Tatlong kanta ang kakantahin mo. Masama pa naman ang pakiramdam mo. Kaya mo ba?" Tanong ni Philip, ito ang drummer namin.

Tumango ako at ngumiti.

"Tatlo lang naman. Kakayanin." Sambit ko habang tinitignan ang lyrics sa papel na hawak ko.

"We will start 30 minutes from now. Be ready, team." Iyon ang sabi isa pa naming kasama.

Hinanda namin ang mga instrumentong gagamitin. Nasa loob kami ng stadium at paunti-unti ay pumapasok na ang mga kapwa naming estudyante. Parami sila ng parami at mukhang interesado sa hinanda namin.

Bigla tuloy akong kinakaban. Inaalala ko ang boses ko dahil baka mapiyok ako lalo pa't medyo napaos ako dahil sa sama ng pakiramdam ko.

Lumapit si Philip sa akin at inabot ang gitarang gagamitin ko.

"Kaya mo 'yan." Anito at mahinang tinapik ang balikat ko.

"Thank you." Nakangiwing sambit ko at napabuntong-hininga.

"Nasaan si Cedric?" Kunot-noong tanong ko.

Isa din ito sa mga vocalist. Actually ay ito ang makaka-duet ko sa unang kanta na kakantahin namin.

"Oo nga no? Nasaan na 'yon?" Si Philip na napakamot pa sa ulo.

Napailing ako.

"Kantahin ko na lang lahat kung sakaling hindi siya makakarating. Kakayanin naman." Sabi ko na lang habang kinakalabit ang gitara ko para masigurado kung maayos iyon.

Phoenix Series #8: My Cold Heart(COMPLETED)Where stories live. Discover now