CHAPTER 10
Sorry busy si author at hindi maka-focus kaya walang update ng ilang araw. Hope you'll stay there and wait for me. Busy lang talaga ako these past few days and hope you'll understand. God bless po and enjoy reading.
PS: Siningit ko lang 'tong ud ko. Hehe.
NAPAATRAS AKO nang makita si Ryder sa dining room. Tinawag ako ni Manang Flor para kumain pero hindi ko inaasahan na naririto si Ryder.
Sa kuwarto nito ito lagi kumakain kaya nakakapagtaka na nandito ito ngayon.
Napatingin ako kay Manang Flor at sinenyasan na mamaya na ako kakain. Makahulugan itong ngumiti pero hindi ko ito pinansan at tumalikod.
"Destinee." Nakaisang hakbang pa lang ako nang magsalita ang lalaking gusto ko sanang iwasan.
Naikagat ko ang ibabang labi at pumihit paharap. Naramdaman na naman ako nito. Ang lakas talaga ng pakiramdam ng bulag na 'to.
"Y-Yes, Sir?" Mahinang tanong ko at napangiwi.
I don't want to call him Ryder anymore dahil iba ang pumapasok sa isip ko.
"Samahan mo akong kumain." Anito at hinila ang upuan sa tabi nito.
Si Manang Flor ay kaagad kaming iniwan at wala akong nagawa kundi ang umupo sa tabi ni Ryder.
Walang imik itong kumain at ako ay tahimik na ring kumakain.
"How's the food?" Tanong nito.
"Masarap." Tugon ko at uminom ng tubig.
Napatingin ako dito nang ibinaba nito ang hawak na kutsara't-tinidor.
"Talaga? Para sa'kin, mas masarap ang kinain ko last week sa... kubo." Mahinang usal nito at bumahid ang nakakaaliw na ngiti sa mga labi nito.
Diretso kong nalunok ang tubig na ininom ko. Kulang na lang pati baso ay lunukin ko.
Punyetang bulag 'to!
Sobrang init ng buong mukha ko. Ang kubo na yata ang pinaka-sinusumpa kong lugar sa buong mundo. Ang ginawa nito sa akin doon ay nagpapatunay na naging marupok ako at habang-buhay iyong nakatatak sa isip ko.
Pagbagsak kong ibinaba ang basong hawak sa mesa. Pinapakalma ko ang sarili para lang huwag ko itong hampasin ng plato.
"Tapos na akong kumain." Sambit ko.
Dali-dali akong tumayo at bago pa man ako makahakbang ay hinawakan na ako nito sa siko at pabagsak akong napaupo sa kandungan nito.
"Ryder!" Bulalas ko.
Itinulak ko ito sa dibdib at nagtangka akong tumayo pero mabilis ako nitong hinawakan sa mga hita para pigilan ako.
Pinagpapawisan ako sa pagdikit ng katawan namin. Ito ang iniiwasan ko. Ang muling magdikit ang katawan naming dalawa.
"Isang linggo mo na akong iniiwasan. Gusto mo bang maparusahan?" Bulong nito sa tenga ko.
Nanayo ang mga balahibo ko dahil sa init ng hininga nito.
"P-Parusa?" Mahinang tanong ko.
Tumango ito.
"Yeah. Parusa. 'Yong nakakatirik ng mata." Anas nito at gumapang ang kamay nito sa hita ko.
"Yong nakakabaliw." Hinimas nito ang hita kong litaw na litaw dahil sa cotton shorts na suot ko.
"Sa sobrang nakakabaliw ay paulit-ulit mo na lang isisigaw ang pangalan ko katulad ng ginawa mo sa kubo." Patuloy nito sa nang-aakit at mapanganib na boses.
YOU ARE READING
Phoenix Series #8: My Cold Heart(COMPLETED)
RomanceMATURED CONTENT(R-18) Phoenix Series#8: Ryder Cole "You're my light. You pulled me up and let me get out from the dark. You bring back the old me. And if I let you go, I might not be able to see the light again. If I loose you, it will be my greates...