Chapter 34

79.4K 2.1K 61
                                    

CHAPTER 34

"BABE, WHAT ARE YOU DOING HERE?" Napalingon ako sa nagsalita at kaagad na ngumiti nang makita ang asawa ko na nakatayo sa labas ng pinto ng kuwartong kinaroroonan ko.

I just smiled at him.

Naglakad ito patungo sa akin.

"Nagising ako tapos nabigla ako kasi wala ka sa tabi ko. Fuck, kapag wala ka sa tabi ko, natatakot ako." Anito at kaagad akong niyakap.

Tinugon ko ang yakap nito at hinaplos ko ang likod nito.

Should I tell him that I remember him already?

"Next time don't leave by my side again, please." May pakiusap sa boses nito.

"I won't, babe. I promise." Sabi ko at humiwalay sa yakap nito.

Tinignan ko ito sa mga mata at hinaplos ko ang pisngi nito.

"Naisipan ko lang pumasok dito. I'm sorry for invading your ex-wife's room. Sana huwag kang magagalit at-" He cut me off by kissing me on my lips.

"I love you so much, Destinee Kim Cole. Sobrang mahal na mahal kita." He murmured between my lips and he deepened the kiss.

I responded to his kisses with the same ferocity.

Nang maghiwalay ang mga labi namin ay tinitigan ko itong mabuti.

"Hindi ka galit?" Tanong ko.

"Bakit ako magagalit?"

"Dahil pumasok ako sa kuwarto ng namatay mong asawa. Naalala ko pa 'yong galit mo noong pinakialaman ko 'yong gitara niya." Nginitian ko ito, inaarok ito sa mga mata.

Alam kong alam na nito na ako si Chloe. At ang buong akala nito ay hindi pa bumabalik ang memorya ko. Maybe I should fix everything first before I tell him that I had my memories back.

Ayokong iwan ito ulit. Lalo pa't hindi ko alam kung matatanggal nga ba ang bala sa ulo ko dahil sa kagagawan ni Claire. It's still in my head. Hindi iyon naalis ng mga doktor na tumingin sa akin noon. Nararamdaman ko na rin ang madalas na pagsakit ng ulo ko na pilit ko lang tinatago sa asawa ko. Mas lalo iyong sumasakit nang bumalik na ang lahat ng memorya ko.

Alam ko rin na gumagawa si Ryder ng paraan at humihingi ng tulong sa mga kaibigan nitong doktor para maalis ang bala sa ulo ko. But I know that it's still not enough. Maliit lang ang chance kong maka-survive kung ooperahan man ako. Inaamin kong natatakot ako lalo pa't dinadala ko ang anak namin ni Ryder sa sinapupunan ko.

My husband just smiled and caressed my cheek.

"Hinding-hindi na ako magagalit. Pangako. And I'm sorry for being mean to you that time." Anito at hinalikan ako sa noo.

Humilig ako sa dibdib nito.

"Babe, can I ask you something?" I asked and hug him.

"What is it?" He asked.

"Paano kung may kamukha ako? Will you be able to recognize me?" Naramdaman kong nanigas ito sa tanong ko.

Bumitaw ito sa yakap ko at pinakatitigan ako sa mga mata. I'm waiting for him to answer my question but he just look at me seriously. Tinitigan nitong mabuti ang buong mukha ko at kapagkuwan ay ngumiti.

"Kung sakaling hindi kita makilala, anong gagawin mo?" Balik-tanong nito.

Sinalubong ko ang titig nito.

"Kahit mahal kita, iiwan kita." Tugon ko habang titig na titig sa mga mata nito.

Kung gagawa man si Claire ng paraan ulit para gamitin ang magkaparehong mukha namin, I hope that Ryder will recognize me this time.

Kinabig ako ng asawa ko at niyakap ng mahigpit.

"Makakapayag ba akong iwan mo ako? Hinding-hindi, babe. Hinding-hindi ako makakapayag. Pangako." Anito at mas lalong humigpit ang pagkakayakap sa'kin.

Ngumiti ako at tumango. I trust him. I trust my husband.

Sabay kaming bumalik sa kuwarto namin at magkayakap na natulog.

Kinabukasan ay nagising akong kayakap pa rin ang asawa ko. Napangiti ako at kapagkuwan ay hinalikan ko ito sa mga labi.

Napakahimbing ng tulog nito kaya hindi ko muna ito ginising. Dahan-dahan kong inalis ang mga kamay nito sa katawan ko at walang ingay na bumaba ako mula sa kama.

Dumiretso ako sa banyo nang makaramdam ng pagsusuka. I'm always like this every morning. It's part of my pregnancy.

Pawis na pawis ang noo ko nang matapos akong magsuka. Napahawak ako sa tiyan ko at napailing.

"Baby, 'wag mo namang pahirapan si mommy, please." Bulong ko at ngumiti.

Masaya ako dahil dinadala ko ang anak namin ni Ryder. I'm excited to see our baby.

Nag toothbrush ako at naghilamos. Habang pinupunasan ang basang mukha ko ay natigilan ako nang makaramdam ng pananakit ng ulo.

Mahina akong napadaing dahil sa sakit at mariin akong napapikit.

Naikagat ko ang ibabang labi at napasandal sa tile na pader ng banyo. Nagmulat ako ng mga mata at hindi ko napigilan ang pagsigaw nang maramdaman ang mas lalong pagkirot ng ulo ko. Para iyong mabibiyak dahil sa sobrang sakit.

Sa ganoong eksena ako naabutan ni Ryder na humahangos na lumapit sa'kin.

"Babe, are you okay?" Kaagad ako nitong dinaluhan.

Pilit akong ngumiti.

"I-I'm okay." Tugon ko at pawisan ang mga kamay na humawak ako sa braso nito.

"Are you sure? Babe, you're pale." Puno ng pag-alala ang nakikita ko sa mga mata nito.

"I-I'm okay and-"

"No, you're not okay. May nararamdaman ka ba? Masakit ba ang ulo mo? Tell me!" Medyo tumaas ang boses nito dahil sa sobrang pag-aalala.

"Babe, I'm okay." Pilit ko itong pinapakalma.

"Dadalhin kita sa hospital." Anito at iginiya ako patungo sa kama.

Pinaupo ako nito doon at kapagkuwan ay mabilis itong nag toothbrush at nagbihis.

"Let's go. I'll bring you to the hospital." He really looks worried.

"Ryder, okay nga lang ako. Don't worry too much and-" Natigil ako sa pagsasalita at napahawak sa ulo ko.

It was so really painful.

Napasigaw ako sa sakit at napasabunot sa buhok ko. Kusang tumulo ang mga luha ko at nakaramdam ako ng kaba.

Kaagad akong binuhat ng asawa ko at ako ay patuloy na dumadaing sa sakit.

Naramdaman kong pinasok ako nito sa loob ng kotse nito at sinapo nito ang mukha ko.

"Babe, listen to me. You have bullet in your head. K-Kailangan mong maoperahan kaagad so please, hang on there. Please. Lumaban ka, okay? Please." Nagmamakaawa at maluha-luha ang mga mata nito.

Nginitian ko ito at hinaplos ko ang pisngi nito.

"I know.  I know." I said and cried. "B-But please, p-protect our baby. Mangako ka, Ryder. I don't want to lose our baby. Please." Nakikiusap na sambit ko.

"Babe-"

"Mangako ka." Mariing usal ko.

Marahas itong napabuntong-hininga at napasabunot sa buhok.

"Damn, Destinee. Don't make it hard for me, please. Tangina, minsan ka ng nawala sa'kin so please don't leave me again." Tuluyan itong umiyak.

Mapait akong ngumiti at pumikit. Nang magmulat ako ng mga mata ay lumuluhang tinignan ko ito.

"Mahal na mahal kita, Ryder. Sobrang mahal na mahal kita. I will always be your Chloe and as well as your Destinee Kim." Sambit ko at inabot ko ang labi nito at siniil ng halik.

Pumikit ako at hinayaan kong bumagsak ang mga kamay ko.

I never thought that it will be our last kiss. It will be my last kiss with my Ryder Cole.

To be continued...

Phoenix Series #8: My Cold Heart(COMPLETED)Where stories live. Discover now