Happy New Year, everyone ! 🤩Thank you for being part of my 2019. Hoping na kasama ko pa rin kayo sa 2020. More stories to write. I love you ! 💛
CHAPTER 43
"YOU DON'T HAVE TO WORRY, the baby's safe. Just be careful next time." The doctor said and smiled.
Nakahinga ako ng maluwag sa narinig at napatingin sa asawa ko. Nang lumabas ang doctor ay sinapo ko ang mukha ni Destinee.
Tumitig ito sa mga mata ko at napaluha.
"Takot na takot ako." Anito at humilig sa dibdib ko.
Mahigpit ko itong niyakap. Natakot din ako kanina nang makita ang dugo sa mga hita nito.
"Takot na takot ako sa mga lalaking 'yon. Takot na takot ako dahil akala ko mawawala ang baby natin. Kailan matatapos ang lahat ng ito, Ryder? Napapagod na ako." Humagulhol ito ng iyak.
Naikuyom ko ang kamao.
"Tatapusin natin 'to, babe. Pangako, tatapusin natin 'to." Tiim-bagang na sambit ko.
Kumalas ito ng yakap sa'kin at tinignan ako.
"Thank you for saving me." Anito at sinapo ang mukha ko. "Akala ko hindi ka na darating. S-Si Claire, gusto ka niyang kunin sa'kin ulit. Gusto ka niyang agawin. Akala ko mawawala ka na sa'kin. Akala ko makukuha ka niya ulit mula sa'kin." Umaagos ang masaganang luha sa mga mata nito.
Parang dinudurog ang puso ko sa nakikita. Bakas ang sakit at takot sa mga mata ng asawa ko.
"Babe, listen to me. That won't happen again. I told you, right? She can't ruin us again. Hinding-hindi niya ako makukuha sa'yo." Sambit ko habang pinupunasan ko ang mga luha nito.
"N-Nagpanggap siya sa harapan mo." Sambit nito.
"Yeah, I know. But I know my wife very well." I said and caressed her cheek.
Inipit ko ang buhok nito sa tenga at hinawakan ang kaliwang tenga nito.
"I noticed that you have mole here." Sambit ko at bumaba ang kamay ko sa leeg nito. "And you have birthmark here." I said and look at her eyes.
Kinuha ko ang kamay nito at tinapat iyon sa dibdib ko, sa tapat ng puso ko.
"And my heart only beats for you. The moment she hug me, I don't feel anything. Kaya pala kapag siya ang kasama ko noon, wala akong nararamdaman. I feel empty before whenever she's with me but I just ignore those feelings. But this time, I know my heart very well, babe. Nagkamali ako noon at hinding-hindi na iyon mauulit. You're twin is good in pretending, yes. Pero noon iyon at hinding-hindi na uubra ngayon. I won't let her take me away from you, Destinee Kim. I won't." Nangangako ang boses ko.
Tumango ito at hinalikan ako sa mga labi.
"Salamat. Salamat dahil nakinig ka puso mo. Thank you, Ryder." Anito at pinalalim ang halik.
Ilang sandali naming pinagsaluhan ang mapusok at malalim na halik bago naghiwalay ang mga labi namin.
"Paano mo ako nahanap?" Tanong nito.
Hinawakan ko ito sa pulsuhan at ngumiti.
"While you were asleep in the hospital after your operation, I injected a micro-chip tracking device on you." I explained and caressed her wrist.
"Y-You did?" Hindi makapaniwalang tanong nito.
I nodded and smiled.
"Galit ka ba?" Tanong ko.
Umiling ito.
"I'm not. Ang galing mo nga." Anito na ikinatawa ko.
"Magaling naman talaga ako." Pagmamayabang ko.
Tumango ito bilang pag-sang ayon.
"Magaling sa lahat ng bagay. Lalo na sa kainan." Pilyang sambit nito.
Mahina akong natawa at kapagkuwan ay natigilan. Paunti-unti ay kumunot ang noo ko nang may ma-realized.
Gusto na nitong matapos ang lahat. Ang ibig ang sabihin...
"You remember everything?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
Natawa ito at kapagkuwan ay tumango.
"Really?" Mabilis kong sinapo ang mukha nito.
Nakangiting tumango ito.
"Yes, babe." Anito.
Masayang niyakap ko ito.
"Oh God, I really love you so much." I said and she chuckled.
Mabilis kong tinawag si James para matignan kung maayos lang ba talaga ang kalagayan ng asawa ko. He did check her condition and he said that she's really doing fine.
Kanina pa nagamot ang sugat sa ulo ng asawa ko at nagpapasalamat talaga ako dahil hindi malala ang kalagayan nito.
"Monitor her from time to time." Bilin ni James bago umalis.
Hinawakan ko ang kamay ng asawa ko.
"Magpahinga ka muna, babe. Mamaya lang ay nandito na ang mga magulang mo. They're with Claire now." Sambit ko.
Kumunot ang noo nito kaya kaagad akong nagsalita.
"Claire is in jail now." Mahinang sambit ko.
Bakas ang pagkagulat sa mga mata nito.
"Y-You mean-"
"Yes, she's in jail. Ang mga magulang mo mismo ang nagpakulong sa kanya." Putol ko sa sasabihin nito.
Malakas itong napabuntong-hininga.
"Are they okay?" She looks worried.
"Babe-"
"Alam kong maraming ginawang masama si Claire sa'kin, sa ating dalawa. Pero nag-aalala ako sa mga magulang ko. Kahit gaano pa kasama ang kambal ko, she's still their daughter. Their own flesh and blood." She sighed.
"They will be okay. Kaya sa kanila ko binigay si Claire dahil nangako silang aayusin nila ang lahat. They have no choice, babe. Kung ako lang," Tumiim ang bagang ko. "gusto ko siyang pagdusahin pero naisip ko na kapatid mo pa rin siya. Kaya ang mga magulang mo na ang bahala sa kanila but I won't stay still. I will still monitor her even if she's in jail now." Titig na titig ito sa mga mata ko.
"Salamat, babe. Salamat sa lahat ng ginagawa mo para sa'kin." Anito sa mahinang boses.
Hinaplos ko ang buhok nito.
"Lahat gagawin ko para sa'yo." Sambit ko na ikinangiti nito.
"I know and I'm very thankful that I have you in my life." She said.
Dumukwang ako at hinalikan ko ito sa noo.
"May tanong pa pala ako." Sambit nito.
"What is it, babe?"
"Mag-isa mong...ahm, those men earlier, I saw them dead and..."
Mahigpit ko itong hinawakan sa kamay.
"I killed them." Diretsong sambit ko habang titig na titig sa mga mata nito. "Are you afraid? Because I kill people?" Nag-aalangang tanong ko.
She knows that I'm a secret agent but she never seen me killing people.
Dahan-dahan ay umiling ito.
"I'm not." Anito at hinaplos ang pisngi ko. "Kilala kita, Ryder. Alam kong hindi ka basta-basta pumapatay. Hindi ka pumapatay ng mga inosente. You only did that for me." She said and smiled at me.
She gave a peck on my lips.
"And you know what? You look so hot earlier. I feel like I'm a princess and you're my prince whom save me from those men." She continued, smiling.
"You're not just my princess, babe. You're my queen. My everything." I murmured as I kiss her on the lips.
We will have our happy ending together. And that's a promise. I will do everything for this woman.
To be continued...
YOU ARE READING
Phoenix Series #8: My Cold Heart(COMPLETED)
RomanceMATURED CONTENT(R-18) Phoenix Series#8: Ryder Cole "You're my light. You pulled me up and let me get out from the dark. You bring back the old me. And if I let you go, I might not be able to see the light again. If I loose you, it will be my greates...