Chapter 27

79.5K 2.3K 236
                                    

CHAPTER 27

"MANANG FLOR." Pawisan ang noo na tinawag ko ang mayordoma ng mansyon.

Kanina pa ako suka ng suka at sobrang sama talaga ng pakiramdam ko. Nanlalamig na ang pakiramdam ko at nahihilo.

"Hija! Maryusep kang bata ka! Ayos ka lang ba?" Natatarantang dinaluhan ako ni Manang Flor nang makita ako at kaagad akong pinaupo sa sofa ng living room.

"I-I'm really not feeling well." Nanghihinang sambit ko.

"Gusto mo bang tawagan ko si Sir Ryder para-"

"No, Manang. Ayokong mag-alala siya. Alam mo naman 'yon kaagad na natataranta pagdating sa'kin. Just call the driver and assist me to the the hospital for a check-up." Sabi ko at mariing pumikit.

Umalis si Ryder para asikasuhin ang mga negosyo nito at ayokong mag-alala ito. I want him to focus on his business. Matagal-tagal din nito iyong hindi naasikaso dahil sa kalagayan nito noon. He's the owner of his own distiller company and he have to focus on it.

"Sige, hija. Sandali, tatawagin ko na ang driver." Anito at narinig ako papalayong mga yabag nito.

Napabuntong-hininga ako. Araw-araw na lang ang sama-sama ng pakiramdam ko. Dagdagan pa ng ulo ko na panay din ang pagsakit.

Hinugot ko ang cellphone mula sa bulsa at nagpadala ng mensahe sa asawa ko. Sinabi ko lang na may pupuntahan ako at muli kong ibinalik sa bulsa ang cellphone ko.

Nakita ko si Manang Flor na humahangos na lumapit sa akin.

"May problema ba, Manang?" Nagtatakang tanong ko.

"S-Siguro sa susunod na araw ka na lang lumabas. D-Dito ka na lang muna." Namumutla ito at tila kabadong-kabado.

Kumunot ang noo ko.

"Manang-" Hindi ko natuloy ang sasabihin nang marinig ang boses ng isang babae.

Dire-diretso itong pumasok sa loob at nagsalubong ang mga mata namin.

Pakiramdam ko ay nanlamig ang buong katawan ko nang makita ang kabuuan nito.

Nang tuluyan itong makalapit sa akin ay malakas ako nitong sinampal na ikinabigla ko.

Gulat na tinignan ko ito.

"Umalis ka sa pamamahay na ito dahil ako ang legal na asawa!" Mapanganib na utos nito.

Bahagya akong napaatras at naguguluhang napatingin ako kay Manang Flor na ngayon ay pilit na pinapaalis ang babae pero tinulak lang ito ng huli.

"Y-You're alive." I said, confused.

She smirked at me.

"Yes, I'm alive. Ako si Chloe at ako ang asawa ni Ryder. Nandito ako para bawiin siya sa'yo." Anito at humakbang papalapit sa akin.

"Kaya habang nakakapagtimpi pa ako, umalis ka sa buhay ng asawa ko." Diniinan nito ang salitang asawa.

Napalunok ako at napahawak sa sarili kong ulo nang maramdaman ang pagkirot niyon. Anong nangyayari? Buhay si Chloe? Alam ba ni Ryder ito?

Naguguluhan ako sa mga nangyayari.

Matapang kong hinarap ang nagpakilalang Chloe at tinitigan ang buong mukha nito. Paanong nangyari na kamukhang-kamukha ko ito? Mas lalo akong naguluhan.

"Buhay ka at ngayon mo lang naisipang bumalik sa buhay ni Ryder? Pagkatapos ng maraming taon ngayon mo lang naisipang bumalik?" Natatawang tanong ko.

Bahagya itong natigilan na tila hindi inaasahan ang tanong kong iyon.

"Let's wait for my husband." Mariing usal ko.

Phoenix Series #8: My Cold Heart(COMPLETED)Where stories live. Discover now