Chapter 12

83.9K 2.4K 125
                                    

CHAPTER 12

"WHAT'S YOUR name?" The man asked, smiling.

I'm wearing my all-white uniform and hugging my book on my chest. I have class for today and I'm on a rush and this man suddenly made me stop from walking just to ask my name.

I ignored him. I started to walk again pero makulit ito at hinarangan ako ulit.

"Hey. I just want to know your name. I have a crush on you and if you just let me, I want to court you. I'm from IT Department. You're from Nursing Department, right? Matagal na kitang napapansin at ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na lapitan ka." Anito at napakamot pa sa ulo at alanganing ngumiti.

"You can ask anyone to know my name." Seryosong sambit ko.

Ngumiwi ito.

"But I want to know it from you." He murmured.

I sighed.

"I'm sorry pero nagmamadali ako."

"Just your name, please." He pleaded.

Muli ay napabuntong-hininga ako.

"My name is..."

Nagmulat ako ng mga mata. Matamlay na bumangon ako mula sa kama at napasabunot sa sariling buhok.

My dream every night frustrates me a lot. Ni hindi ko nakikita ang mukha ng lalaking pumapasok lagi sa panaginip ko.

Tinatamad ang katawan na pumasok ako ng bathroom. Naligo ako at nag toothbrush. Nang matapos sa pagbibihis ay tinitigan ko ang sariling repleksyon sa salamin.

Ang putla ng mukha ko. Stress, maybe? Ang daming pumapasok sa isip ko at mukhang magkakasakit pa yata ako.

Kinapa ko ang noo at bahagyang mainit ang temperatura ko. I want to take my leave for today but Ryder needs me. He will attend his friend's wedding, Clyde Hernandez and Noime Ysabelle Cuballes.

Kahit saan ito pumunta ay sinasama ako nito.

Lumabas ako mula sa kuwarto at muntik pa akong mapatalon sa gulat nang makita si Ryder na prenteng nakaupo sa mahabang sofa ng salas.

"Kanina ka pa diyan?" Tanong ko.

Hindi ito nagsalita at tumayo.

"We're getting late. Kailangan bang ako pa ang maghihintay sa'yo? Are you gonna come with me o maiiwan ka na lang dito?"

I rolled my eyes at him. Heto na naman kami. Ang aga-aga nagsusungit na naman.

"I have no choice. Lagi mo naman talaga akong sinasama kahit saan ka pumunta. Hindi mo lang ako nurse, ginawa mo pa akong alalay." Pabulong na sambit ko.

"What?" Nagsalubong ang mga kilay nito.

Napabuntong-hininga ako.

"Wala po, Sir." Sambit ko.

I'm always with him wherever he goes. Sinasama talaga ako nito kahit saan ito mapunta. I already met his friends. Infairness, ang gaganda at ang guguwapo ng mga kaibigan nito. Lalo na 'yong asawa ni Princess na si James. I like his green eyes.

"I'm happy for Noime." Nakangiting sambit ko.

Ikakasal na si Noime sa kasintahan nito. I'm happy for them. Minsan ko na ring nakakausap at nakakasama si Noime noon. She's kind and sweet.

"Are you sick?" He asked, frowning.

"H-Ha? Hindi." Pagsisinungaling ko.

Kapag sinabi kong masama ang pakiramdam ko, mas lalo itong magsusungit. Nakakasawa din ang pagiging masungit nito. Parang kailan lang, medyo mabait na ang lalaking 'to sa'kin lalo na pagkatapos nang nangyari sa kubo noon pero heto at bumalik na naman sa pagiging masungit. Dumoble pa nga. At wala talaga akong natatandaang may ginawa akong kasalanan dito.

Phoenix Series #8: My Cold Heart(COMPLETED)Where stories live. Discover now