Chapter 28

83.3K 2.3K 250
                                    

Goodmorning ! 😍💓

Sa mga nagpa-shout out po pala, I already have the list of your names and usernames. Sa story ni Prince po ang shout out ko dahil doon ako nagtanong sa mga gustong magpa-shout out. So, asahan na sa susunod na ud ko kay Prince, nando'n na mga pangalan niyo. Hihi. 💓

ENJOY READING ! 💓

CHAPTER 28

"BAKIT BA KASI BINIGLA MO? Ni hindi man lang niya yata napaghandaan."

"Aba malay ko namang hihimatayin pala ang tanginang 'yan? Tangina, nalaman lang na buntis ang asawa hinimatay ang gago."

Nagising ako sa pag-uusap na iyon. Nagmulat ako ng mga mata at napangiwi nang maramdaman ang pagkirot ng likod ko.

Mahina akong napadaing at nakita kong sabay na napatingin si Rein at Edsel sa'kin.

Bumangon ako mula sa kinahihigaan. Lumapit si Rein sa akin at kaagad akong binatukan.

"Hey!" Reklamo ko at napahawak ako sa sarili kong ulo.

"Para 'yan sa pagbuhat ko sa'yo kanina, tang'na ka. Ang bigat-bigat mo." Anito at si Edsel ay mahinang natawa.

"Isang 'you're wife is pregnant' lang pala ang magpapabagsak sa'yo, bud." Ani Edsel at tumawa ng malakas.

Tinignan ko ito ng masama at malakas kong hinagis ang unan sa mismong mukha nito.

Kahit ako ay hindi makapaniwalang hinimatay ako. Fuck!

Natatawang niyakap ni Edsel ang unan at ako ay kaagad na tumayo.

"Fuck. Ang sakit ng likod ko." Reklamo ko.

"Natural, bumagsak ka ba naman sa sahig." Naiiling na sambit ni Rein.

Napangiwi ako at biglang naisip ang asawa ko.

"Nasaan ako?" Tanong ko.

"You're in my office." Sagot ni Rein.

Tumango ako at kaagad na lumabas. Tinungo ko ang private room ni Destinee at pagpasok ko doon ay natigilan ako nang makita ko ang mga magulang nito.

Sabay na napatingin ang mga ito sa akin at kaagad ding napayuko.

Naikuyom ko ang mga kamao at napabuntong-hiningang isinara ko ang pinto.

Walang imik na lumapit ako sa asawa ko at hinawakan ko ang kamay nito.

"Hijo-"

"I already talk to you after I found out that Destinee is Chloe. And I already told you that I won't give her to you. You both take her away from me and you both chose to protect Claire. Hindi ko na hahayaang ilayo niyo ulit ang asawa ko sa'kin katulad ng ginawa niyo noon. Pinalabas niyong patay na ang asawa ko at hindi ko kayo mapapatawad." May diin ang bawat salita ko.

Napabuntong-hininga ang ama ni Destinee.

"Oo may kasalanan kami at pinagsisisihan namin iyon. Ginawa lang namin ang sa tingin namin ay nararapat at kung ano ang tama." Mahina akong natawa sa sinabi nito.

"Tama? Tama bang palabasin niyong patay na ang asawa ko? You even changed her name. Oh, you're rich and have connections that's why it wasn't hard for you to change her name. At ano ang kapalit? Para maprotektahan niyo ang baliw na isang anak niyo? Para hindi malaman ng mga tao sa paligid niyo na nababaliw na ang isang anak niyo? Bakit dahil pinoprotektahan niyo ang pangalan niyo at ayaw niyong mapahiya sa mga tao?" Nang-iinsulto akong tumawa.

Phoenix Series #8: My Cold Heart(COMPLETED)Where stories live. Discover now