CHAPTER 22
I'm back!!!😂
Sorry ang tagal kong nawala. Busy lang talaga. Umuwi akong Bulacan tapos nag Baguio pa kami. Ang ending, nagkasakit.😅 I'm not feeling well kahapon pa but I tried to update. Pasensya talaga. Sana nandyan pa rin kayo kahit medyo bumabagal na updates ko. Nandito lang naman ako. Hindi ko kayo iiwan. God bless!🤗😘
NAALIMPUNGATAN si Ryder nang marinig nito ang malakas na sigaw ko.
Pupungas-pungas na bumangon ito at ganoon na lamang ang pagkagulat sa mukha nito nang tumama ang hinagis kong cellphone sa noo nito.
"Fuck." Mahina itong napamura.
"Gago ka! Anong ibig sabihin nito?" Halos magwala ako sa tanong kong iyon at hinagis ko ang papel sa harapan nito.
Kinuha nito iyon at tinignan.
"It's just a marriage contract." Tila wala lang na tugon nito at diretsong tumingin sa mga mata ko. "Our marriage contract." He continued.
Mahina akong natawa.
"Are you kidding me, Ryder? It's a marriage contract! Can't you see it? It's a marriage contract! Hindi biro 'yan!" Halos magwala ako sa harapan nito.
"Babe-"
"Huwag mo akong tawaging babe, punyeta ka!" Sigaw ko.
Napangiwi ito.
"Babe, bad ang magmura." Anito at bumaba ang tingin nito sa harapan nito. "Tumatayo 'to kapag nagmumura ka." Anito at ngumisi nang muling tumingin sa akin.
Napaawang ang mga labi ko. I can't believe this man!
Gigil na kinuha ko ang unan at pinaghahampas ko ito.
"Gago ka! Anong ginawa mo?! Pinapirma mo ako ng marriage contract! Nababaliw ka na ba?!" Galit na galit na sambit ko habang pinghahampas ko ito ng unan.
Hindi nito iniilagan ang bawat hampas ko. Mas lalo akong nanggigigil dahil tumatawa ito.
Nababaliw na talaga!
"Akin na 'yang marriage contract, pupunitin ko!" Sabi ko at akmang kukunin iyon nang pigilan ako nito.
Inilayo nito ang marriage contract mula sa akin.
"You signed this and you can't do anything about it. Sa ayaw at sa gusto mo, mag-asawa na tayo, babe. Nag honeymoon na nga tayo, hindi ba?" Ngumisi ito habang hawak-hawak ang kamay ko.
"Nababaliw ka na talaga." Hindi makapaniwalang sambit ko.
"Nababaliw? Siguro nga. Nababaliw sa'yo." Anas nito habang diretsong nakatingin sa mga mata ko at kapagkuwan ay bumaba ang tingin nito sa labi ko.
Napabuntong-hininga ako.
"Ryder, stop this, please. Bakit mo ba ginagawa 'to? Hindi biro ang kasal. Baka nabibigla ka lang. Gusto mo lang ako pero hindi mo ako mahal." Diniinan ko ang huling salita.
Marahan ako nitong hinila at kapagkuwan ay eksperto nitong inalis ang kumot na nakabalot sa katawan ko. Tumambad ang hubad kong katawan sa harapan nito.
Maingat ako nitong pinahiga sa kama at pumaibabaw sa akin habang titig na titig sa mga mata ko. Nakatukod ang magkabilang kamay nito sa kama.
"Sinong may sabing hindi kita mahal?" Mahinang tanong nito.
"Ryder-"
"Mahal kita, Des." He cut me off.
"M-Mahal mo ako?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
YOU ARE READING
Phoenix Series #8: My Cold Heart(COMPLETED)
RomanceMATURED CONTENT(R-18) Phoenix Series#8: Ryder Cole "You're my light. You pulled me up and let me get out from the dark. You bring back the old me. And if I let you go, I might not be able to see the light again. If I loose you, it will be my greates...