CHAPTER 37
"A-ASAWA TALAGA KITA?" Hindi ko alam kung maiinis ako o matatawa sa tanong ni Destinee.
Naiwan kaming dalawa sa private room nito pagkatapos masigurado ni James na maayos ang kalagayan nito.
Hinawakan ko ito sa kamay at ngumiti.
"Hindi ka ba naniniwala?" Mahinang tanong ko.
Tinitigan ako nitong mabuti.
"Naniniwala." Tugon nito at umangat ang isang kamay nito at itinapat iyon sa dibdib, sa tapat ng puso nito.
"S-Sa totoo lang, ang lakas-lakas ng tibok ng puso ko kanina no'ng hinalikan mo ako. T-Tapos ngayon, ang lakas pa din. Sobrang lakas ng puso ko lalo pa't kaharap kita." Sambit nito at naikagat ang ibabang labi.
Napaka-inosente ng pagkakasabi nito niyon na tila ba unang beses pa lang nito iyong naramdaman.
I chuckled.
"It's because you love so much, babe." I murmured and look at her lovingly.
Titig na titig lang ito sa akin.
"Ang guwapo mo." Diretsong sambit nito.
I stilled because of what she said. I don't really know what to response. Bagkus ay parang naramdaman ko ang pag-init ng buong mukha ko.
"You're blushing." She smiled.
"I-I'm not." Tanggi ko at wala sa sariling binitawan ko ang kamay nito pero nabigla ako nang hilahin nito ang kamay ko na parang takot na takot itong bitawan ko ito.
"Don't let go of my hand, please." She begged.
Umangat ang isang kamay ko at hinaplos ko ang pisngi nito.
"I won't. I'm sorry." I murmured.
"K-Kung asawa kita, ibig sabihin kasal tayo, hindi ba? Do we have kids?" She asked.
Ngumiti ako at hinaplos ko ang tiyan nito.
"Nasa sinapupunan mo pa siya." Nakangiting tugon ko.
Namilog ang mga mata nito.
"Really? Safe ba siya? I-I mean, naoperahan ako at-"
"Yes, babe. Don't worry, our baby is safe." Putol ko sa sasabihin nito habang patuloy kong hinahaplos ang tiyan nito.
Tila nakahinga ito ng maluwag nang marinig ang sinabi ko.
"I'm sorry." She said all of the sudden.
Kinuotan ko ito ng noo.
"For what?" I asked.
"D-Dahil hindi kita maalala. I'm sorry." She really looks apologetic.
Sa ekspresyon ng mukha nito ay tila isang napakalaking kasalanan ang hindi ako nito maalala.
"Babe." Hinaplos ko ang pisngi nito. "I don't care as long as you're here with me. I really don't care." I said and kiss her on the lips.
Kaagad nitong tinugon ang halik ko na mabilis ko ding itinigil dahil baka kung saan pa iyon mapunta. Kagigising lang nito at lalo pa ay naoperahan ito.
Titig na titig kami sa isa't-isa nang maghiwalay ang mga labi namin.
"Okay lang ba talaga sa'yo? I can't remember you and I will be a burden to you and-"
"Hell, no." I cut her off. "Kahit kailan hindi ka magiging pabigat sa'kin, Des. Hinding-hindi." Patuloy ko.
Unti-unti ay ngumiti ito.
YOU ARE READING
Phoenix Series #8: My Cold Heart(COMPLETED)
RomanceMATURED CONTENT(R-18) Phoenix Series#8: Ryder Cole "You're my light. You pulled me up and let me get out from the dark. You bring back the old me. And if I let you go, I might not be able to see the light again. If I loose you, it will be my greates...