CHAPTER 7
"KAILAN KA BABALIK sa trabaho mo? Ilang buwan ka ng nandito. Sobrang bait naman yata ng amo mo, anak?" Tinaasan ako ng kilay ng ina ko habang kumakain akong mansanas sa loob ng kuwarto ko.
Nginitian ko ito.
"Mama naman. Anong magagawa ko eh gusto niya akong magbakasyon? Lakas ng trip no'n." Sabi ko at pinatong sa platito ang mansanas.
Malambing kong niyakap ang ina.
"Minsan nga lang akong umuuwi dito mama tapos parang pinagtatabuyan mo ako." Kunwaring nagtatampo ako.
Mahina itong natawa at hinaplos ang buhok ko.
"Binibiro lang naman kita." Natatawang sambit nito at kapagkuwan ay napabuntong-hininga.
"What's with that sigh, ma?" Nagtatakang tanong ko.
"I'm just glad that you survived from your accident, anak. A-Ang buong akala ko ay mawawala ka na sa'min. At sana ay patawarin mo kami ng papa mo." Napakunot ang noo ko sa huling sinabi nito.
"Ma, hindi kita maintindihan. Wala naman kayong kasalanan ni papa." Natatawang sambit ko.
Ngumiti ito pero hindi iyon umabot sa mga mata nito.
"Basta mahal na mahal ka namin, anak." Anito habang hinahaplos ang buhok ko.
"Mahal na mahal ko din po kayo ni papa, Ma." Sabi ko at hinalikan ko ito sa pisngi.
"Hindi mo pala sinasabi sa akin kung sino ang amo mo. Binata ba o matanda na?" Curious na tanong nito.
"Naku ma, hindi ka maniniwala. Anak lang naman ng presidente natin ang amo ko. You know him, right? The one and only Ryder Cole." Nakangiting sabi ko.
Naalarma ako nang makitang namutla si mama.
"Ma, are you okay?" Nag-aalalang tanong ko.
"R-Ryder Cole? Siya ang amo mo, anak?" Mahinang tanong nito.
Tumango ako.
"Yes, ma. Ang sungit nga no'n." Nakasimangot na sambit ko.
Nakita kong pinaypayan ni mama ang sarili gamit ang mga kamay nito.
"Okay ka lang, ma?" Muling tanong ko.
"Ah, y-yes anak. I'm okay." Anito at nagpaalam.
Nagmadali itong lumabas at kahit nagtataka ay nagkibit-balikat ako. Nahiga ako sa malapad kong kama at pumikit.
Babalik na ako next week sa trabaho. Kumusta na kaya ang bulag na 'yon? Binigyan ba naman ako ng tatlong buwang bakasyon? Ang lakas talaga ng trip.
Miss ko na si Manang Flor. Pati 'yong mga naka-close ko doon sa mansyon ay namimiss ko na rin. Masyadong matagal ang tatlong buwan at miss ko na talaga sila.
Sure kang sina Manang Flor lang ang namimiss mo, Destinee Kim?
Napailing ako sa naisip at tinungo ang closet ko. Nagkalkal ako ng damit doon na dadalhin ko pagbalik sa trabaho. Inayos ko rin ang uniforms ko at nabigla ako nang may mahulog sa sahig mula sa lumang damit na nilabas ko.
Gumulong iyon patungo sa ilalim ng kama ko. Kinuha ko iyon at kumunot ang noo ko nang makitang diamond ring iyon.
"Bakit may singsing ako dito?" Nagtatakang tanong ko.
Baka kay mama 'to? Baka nalagay lang niya sa damit ko.
Pinagmasdan kong mabuti ang singsing at bigla akong napahawak sa ulo ko nang sumakit iyon. May nag flash bigla sa utak ko.
YOU ARE READING
Phoenix Series #8: My Cold Heart(COMPLETED)
RomanceMATURED CONTENT(R-18) Phoenix Series#8: Ryder Cole "You're my light. You pulled me up and let me get out from the dark. You bring back the old me. And if I let you go, I might not be able to see the light again. If I loose you, it will be my greates...